The Three New Students

2.9K 132 23
                                    

Cleo

Umaga...

Panibagong araw na naman para sa akin. Ginawa ko na ang morning rituals ko. Sabi nung adik na yun kakausapin nya ko di naman nya ginawa.. Hay.

Buti naman at bumalik na ulit sa dati ang kulay ng buhok ko. Unti unti na rin bumabalik ang mga iyon.

Kaylangan ko ng gawin yun dahil may nangyayari na kay Serena. Nagiipon pa ko ng kapangyarihan para manatili sya dito ng walang problema.

Lumabas na ko sa dorm. Pagkalabas ko pa lang ay bumungad sa akin si...

"Ang tagal mo naman weird girl kala ko nalunod ka na sa banyo." Adik

Yeah si Adik nga.

"Kung naiinip ka sana nauna ka na tsk." Ako

"Halika na mahuhuli na tayo sa klase." Adik

Biglang hinawakan ni Adik ang kamay ko.. Then he intertwine our hands. I blushed. Nagumpisa na kaming maglakad.

But i shake my head.

He loves Serena not me. So dapat itatak ko sa isipan ko iyon he will not like me .

"Will you let go of my hand. Di ako mawawala dito. It's a school not a maze." Pagtataray ko sa kanya.

"Meron ka ba ngayon?" Adik

Sira ulo tong lalaking to a. Sapakin ko kaya.

"Let go." Ako

"No." Adik

"Bakit mo ba ayaw bitawan ang kamay ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi mawawala ka." Adik

"Huh? Adik ka talaga." Ako

"There's something na gumugulo sa panaginip ko araw araw, na aalis ka at iiwan mo kami." Malungkot na sabi ni Adik

Ngumiti ako. Pero di nya nakikita yun. Aalis ako pero alam kong magiging masaya sya.

"Wag kang magalala.. Di naman ako aalis.. Tsaka magiging masaya ka pag umalis nga ako." Ako

Napahinto si adik at humarap sa akin.

"Ako? Magiging masaya? Anong alam mo? Tsaka itigil mo nga yang kakaisip mo." Adik

Saka uli kami naglakad.

'Adik, alam kong magiging masaya ka pa rin kahit wala na ko. Iiwan ko si Serena dito. Sana alagaan mo sya at mahalin tulad ng dati.'

Napahawak ako sa puso ko. Kumirot ito pero di ko na lang pinansin. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa room.

"Pwede mo na kong bitawan dito dahil di na ko maliligaw." Ako

"Ops! Sorry" saka binitawan ni Adik ang kamay ko. Pumunta na ko sa upuan ko. Nakita ko si Hera na nakaupo na rin. At malalim ang iniisip. Kinalabit ko ito, lumingon sya sa akin.

"Anong iniisip mo?" Ako

"A.. Iniisip ko kung sino yung nagpagaling kay Black." Hera

'Ako.' Pero di ko naman pwedeng sabihin yun.

"Ah~.. Nakita ba ni Black kung sino ang nagpagaling sa kanya?" Ako

Umiling sya.

"Nakita nya lang ang kulay ng buhok nito." Hera

"Anong kulay?" Ako

"Kulay ginto, sabi nila Steven selector daw ang nagpagaling kay Black, pero imposible yun dahil si Tanya ang selector, pero ang nakakatanggal lang ng dark spirits ay ang selector. Kaya.. Aish! Naguguluhan na ko." Sabay untog ng ulo nya sa mesa nya.

Selecting The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon