Thanks po sa pagpapaalala a.. Pasensya na po ulit..salamat po sayo secretdreamergirl18 thanks.
CLEO
Nang tumunog na ang bell agad akong lumabas at pumunta sa isang lugar na di matao. San pa ba kundi sa punong tambayan ko. Pumunta ako sa likod ng puno. Luminga linga baka kasi nandyan si adik mahirap na. Nang alam kong wala ng tao na dadating dito huminga ako ng malalim.
"Mga kaibigan kaylangan ko ang tulong nyo"
Biglang lumakas ang ihip ng hangin.
"Anong maipaglilingkod namin binibini"
"Gusto kong pumunta sa Sacred garden"
"Masusunod,"
Nagkaroon ng portal sa harapan ko.
"Pumasok na po kayo binibini"
Pumasok ako sa ginawa nilang portal. Para akong hinihigop,pinikit ko na lang ang mata ko para di mahilo. Pagkadilat ng mga mata ko nasa Sacred garden na ko. Nakita ko si Jun at Sheena. Naguusap sila nakita ko pa ngang naging seryoso ang mukha ni Jun lagi kasing nakangiti yun. Lumapit ako sa kanila.
"Mukhang seryoso pinaguusapan nyo a.." Bigla kong sabi.
Nagulat ang mga mata nila. Mukhang seryoso nga.
"A ikaw pala Cleo, a hindi naman may tinanong lang si Sheena sakin." Ngiting sabi ni Jun.
"Nga pala,narinig ko sa mga spirits na nakapili ka ng candidate. Sino sya?" Sheena. Change topic kagad. Yaan na nga.
"A accident lang yun. Classmate ko, isa sa mga nobles, si Luke Cru.Pagkasabi ko ng pangalan ni Luke ay may nahulog sa may puno. Tiningnan ko kung sino to pero nakayuko ang ulo nya.
"A-aray,ang sakit nun a."
Sisilipin ko sana ang mukha nya pero agad syang tumalikod.
"Excited much, makikita mo rin ako pero di pa ngayon"pagkasabi nya nun ay agad syang nawala. Ninja ba sya?
"Sya ba ang isa sa protectors?"tanong ko.
"Yup. Pamysterious type sya di ba?" Sheena
"Oo,paimportante" sangayon ko
"Ano name nun?""Walang nakakaalam ng pangalan nya"Jun
"Eh?bakit naman?"gulong tanong ko.
"Simula ng pagkakakita namin sa kanya di nya nagawang sabihin ang pangalan nya sa amin . ewan ko ba dun pero tawag namin sa kanya Mist." Sheena
Kaya Mist dahil mysterious. Tsk ang babaw a.
"A~. Nga pala narinig ko sa mga spirits na nandito daw ang mga dark magicians." Ako
Naging seryoso na naman ang mga mukha nila.
Hinawakan ni Jun ang makabila kong balikat.
"Bini-Cleo dito ka muna sandali, tutulungan lang namin sila Lloyd sa labas. Wag kang lalabas ng Sacred garden antayin mo kami-"
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya napansin nya siguro" okay? Tingnan mo muna ang guardians mo,mukhang kaylangan nila ang presensya mo.babalik din kami agad."ngiting sabi nya.
Pagkatapos nyang sabihin yun umalis sila agad.Lumapit ako sa mga itlog at hinaplos yun..
"Kaylan kaya kayo mapipisa?" Tanong ko dito.. Pero di naman sila sasagot.. Pag sumagot yan tandaan nyo tatakbo ako.
Third persons pov
Habang hinahaplos ni Cleo ang mga itlog ay may nakatingin sa kanya sa taas ng puno. Pinagmamasdan nya ng mabuti si Cleo, tinitingnan kung ano ang nagbago dito.
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...