Cleo
Maraming nangyari kahapon kahit 1st day palang. Di ko na nakausap sila Jun nung pagkatapos nilang bumalik sa pinuntahan nila. Pinauwi nila ako agad. Pagtabuyan ba ako.. Pero mukhang may problema sila. Nahalata ko yun dahil sa atmosperang dinala nila sa Sacred garden. Di ko na sila tinanong dahil di naman ako pala tanong.
Nasa dorm ako. Nagaayos na dapat kong dalhin. Sinulyapan ko ang itsura ng dorm ko simple lang naman ang itsura pwera na lang sa desenyo ng pader. May mga bulaklak ito at mga baging na kala mo totoo.. Ang ganda.. Tumingin ako sa bintana. Kita dito ang mga lutang na isla..
Ah. Di ko nasabi sa inyo na nalutang ang mga isla dito. May mga malalaking krystal din. Parang yung napanood ko sa magic knights.
Dark spirits
Kaguluhan, panaganib
Kaylangang mag-ingat ng binibini
Mga spirits, mukhang di na naman sila mapakali. Ano kayang panganib ang tinutukoy nila. Kinuha ko ang body bag ko at sinuot ang coat na hanggang tuhod. Kulay cream to,ang pangloob na damit ay bestida na lampas sa coat. Kulay skyblue na may white. Tinirintas ko ang buhok ko na hanggang baywang kulot ang dulo ng buhok ko. At nilagay ko ang ribbon sa dulo nito. Pag katapos ay lumabas na ko sa dorm.
Sa hallway habang naglalakad ako. Nakita ko ang ibang estudyante na nagkukumpulan. May bigla na lang humawak sa kamay ko. Tumingin ako kung sino.
"Ano ba yan Cleo kanina pa kita tinatawag a" Hera.
At may naramdaman ako. Spirits.
Ang isa sa pinili
Pinili para piliin na maging hari.
At nawala ang mga spirits. Tumingin ako kay Hera may nakadikit na sa kanyang spirit. Kung ganun isa sya sa napili ko.
"Hera" ako
"Ano yun?" Hera
"Nakakakita ka rin ba ng spirits?" Ako
"Yup, pero ang tulad namin di naririnig ang mga tinig nila."Hera.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang room.
"A~." Ako
"Bukas na pala ang huling pagpili ng candidate bilang hari. Sana makita ko ang selector at pakiusapan syang piliin ako." Hera.
Wag kang magalala Hera napili ka na di mo lang alam.
"Ikaw Cleo gusto mo bang piliin?" Tanong ni Hera.
Umiling ako." Hindi ko gusto na piliin dahil ayoko ng gulo. Sigurado akong magtatalo talo kayo para piliin kayo ng selector. Tsaka ayokong agawan kita. Malay mo ako pa mapili." Birong sabi ko kay Hera. Ngumiti ito.
"Ayos lang sakin na piliin ka Cleo. Ikaw siguro ang taong di nanghuhusga. Baka tulungan mo pa ko." Hera.
At...
"Hera! Hera!"
"Hera! Sandali naman!" Sigaw ng isang lalaki.
Lumingon kami kung sino yun.
"Salamat naman at tumigil ka. Pinabibigay ng mama mo."at may inabot ang lalaki kay Hera na plastic.
"Salamat."Hera
"Sino yang bago mong kaibigan?"tanong ng lalaki
"A Cleo si Black, Black si Cleo classmate ko."
"Nice to meet you ms. Cleo" sabay lahad ng kamay ni Black
BINABASA MO ANG
Selecting The King
Fantasy"Nakapagdesisyon ka na ba kung sino ang pipiliin mo?" Cleo Freed is a typical girl living in the orphanage.. She's weird, talking to someone that cannot be seen by the naked eye.. Naririnig nya ang mga boses ng mga halaman,hangin,tubig,apoy at lupa...