"Hoy! anak ng tipaklong naman oh? Alas siete na nakahilata ka pa rin! Bangon na riyan at madami ka pang trabaho!". malakas na sigaw ng matabang babae habang tinatapik nito ang mukha ng lalaking nakahiga sa kama. Nasa likod niya nakamasid ang dalawang lalaki. Ang isa ay mataba rin at nakangisi habang nakaismid naman ang isa na payat ngunit matangkad.
"Hmm, five more minutes Auntie!". inaantok pang turan ng lalaki habang tinatabig ang kamay ng tiyahin. Pagkatapos ay nagtalukbong ng unan sa mukha.
"Anak ng-" hindi natapos ang sasabihin ng matabang babae dahil napaatras ito at napahawak sa noo. Mabilis namang umalalay ang dalawang lalaki sa likod nito.
"Mami relaks lang, ang mga baby fats mo oh, naiistress".saad ng matabang lalaki. Pinapaypayan nito ang ina gamit ang kamay.
"Hoy magaling na lalaki kapag hindi ka pa bumangon dyan bukod sa bubuhusan kita ng kumukulong tubig ay hindi ka rin makakaalis ng bahay ngayong araw!". pagbabanta nito bago tuluyang lumabas ng kwarto kasunod ang dalawang anak. Pabagsak pang sinarado ng payat na lalaki ang pinto matapos makalabas.
Labag man sa kalooban ay bumagon na rin ang lalaki sa pagkakahiga. Tumingin ito saglit sa mesa katabi ng higaan.
"Pfft! Alas siete daw. Eh 6:59am pa lang naman".
Kakamot kamot sa ulong tumayo na ito at pumunta sa banyo upang maghilamos.
___________________________"Uy Q sandali!"
Narinig niyang sigaw ng isang lalaki. Napatigil siya sa pagbibisikleta at humarap sa humihingal na lalaki.
"G-grabe Quintin, ang bingi mo! Kanina pa kita tinatawag!" habol ang hiningang sabi nito.
"Grabe Eros ano ba kailangan mo? Kung makahabol ka naman parang mas importante pa kaysa dito sa idedeliver ko yang sasabihin mo!" Walang ganang sabi niya.
"Tumpak! Importante nga paano mo nalaman?" Takang tanong ni Eros. Nakakunot-noong tinitigan niya ito.
"Tumama ba ako sa lotto?"
"Huh? Hindi ka naman tumataya di ba?"
" Ah sabi ko nga. Malay mo naman. Kung hindi ano? Titigil ka na ba sa pagdodroga?"
"Q! Last week pa di ba? Malinis na 'ko brad. New years resolution! Haha!"
"Sira! Haha. Hindi nga ano yang balita mo?"
"Bumisita yung pinsan ko sa St. Joaquin Academy kahapon. Na release na nila yung list ng mga qualified na scholars. And guess what?"
"Ano?"
"Kasama ka dun sa mga scholar! Pinacheck ko kay insan name mo."
"What?! Hindi nga?!"
"Oo nga! Kaya pumunta ka na doon at mag enrol! Haha. Congrats!"
Pagkatapos niyon ay umalis na agad si Eros dahil may pupuntahan pa daw ito. Siya naman ay nakatulala parin at hindi makapaniwala sa magandang balita. Sa wakas ay natatangap siya sa isang excusive sa paaralan. Libre pa. Natupad na ang isa niyang pangarap.
"Yesss! Mag aaral na ko ulit!"
Sigaw niya sabay taas pa ng kanang kamay. Nakangiting pinagpatuloy niya ang pagbibisikleta. Hindi pa man siya nakakalayo ay may biglang sumulpot na babae mula sa kaliwa.
"What the-"
Yun na lang ang huling nasabi niya bago tuluyang mahulog sa bisikleta. Pinilit niyang iwasan na mabangga ang babae at dahil dun tumalsik ang mga dala niyang damit na idedeliver sana. May kung ano pang bagay ang tumama sa kaliwang braso niya.
"Oh my God! Are you okay mister?"
Tarantang nilapitan nito ang lalaki habang nakabulagta sa tabi ng kalsada. Nang hindi gumagalaw ay pinagtatapik nito ang mukha at marahas na hinawakan ang kaliwang braso.
"Arayy! Ang sakit! O may gad! Nabali yata ang buto ko!"
Histerikal na sigaw ng lalaki habang hawak ang kaliwang braso. At napaupo ito.
"Hey, Im so sorry. Wait, wag kang gagalaw at dumudugo ang braso mo".
Pagkasabing iyon ay may kinuha sa kanyang bag ang babae. Ngunit nagulat ito ng may sumigaw ng malakas.
"Arrghh! Dugooo!! May dugo akooo! Argghh!".
Sigaw ng lalaki habang nakatingin sa palad nitong puro dugo. Pagkatapos ay bigla na lang itong natumba.
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...