Can I be your 'Sweetie'?

45 2 0
                                    


"Sorry miss, nagmamadali kasi ako. May humahabol sa'kin." Humihingal na sabi ni Q sa nakabangga habang nakayuko at hawak ang mga tuhod. Dahil gusto niyang makalayo sa baliw na babae ay hindi niya napansin ang parating.

"Definitely okay sweetie, basta ikaw. Haha."

"L-lomi?."

"Its Lemon. Anw, tamang-tama dating mo, tara samahan mo ko saglit. Ang daming asungot e."

Pagkasabi niyon ay napansin niya ang mga lalaki sa likod ni Lemon. Mga manliligaw nito. May mga dala pa rin silang chocolates at flower.

Grabe pala itong napasukan ko. Kung hindi may mga sakit sa utak eh baliw naman sa pag-ibig. Wala ba'ng medyo matino? Medyo lang. Pls?

"Hey natulala ka na. Let's go. Dun tayo sa tahimik at konting tao."

"Sige. Pero may chocolates ka dyan? Masarap pala yung binibigay sa'yo eh."

"Haha! Yup. Andun sa locker ko. Tara daanan natin."

Pagkagaling nila sa locker ay dinala siya nito sa isang bench malapit sa football field. Sa tabi ito kaya wala masyadong tao dahil nasa field karamihan ang estudyante. At gym.

"So sino tinatakasan mo?."

"Pfft. Baliw na babae."

"Uh really? Why did you say so?."

"Paano pinagkamalan akong multo at konsensya!."

"Ha? Baka misunderstanding lang?."

"Sinuntok ako sa ilong?!."

"Haha. Baliw nga! Ano bang nangyari?."

"Nagpapahinga lang naman ako tapos bigla siyang nagpatugtog ng Boom Panes! Hindi daw ako makita eh nasa likod lang naman niya ako! Tapos nung pumunta naman ako sa harap niya, ayon, nasuntok ako!"

"Haha!."

"Nagulat ko daw siya kaya ako nasuntok! Wow, mahina nga lang yung pagtawag ko sakanya bago niya ako pinatulog sa suntok!."

"Hahaha! Oh my God! Kaya pala namumula yung ilong mo. Let me see."

"Ow, ow. Dahan-dahan lang. Aray. Wait, hindi ba tabinge?."

"Hindi naman masyado. Alam mo may kilala akong ganyan. Yung nau-unang magdecide ang adrenaline rush niya kaysa yung utak. Haha."

"Talaga?."

"Yup. Bestfriend ko. Ilang beses ako'ng nasampal nun kapag nagugulat. Haha. Kaya kapag ginugulat ko siya, nasa malayo ako dapat!."

"Buti nakakatagal ka?."

"Nasanay na. Hmm, alam mo ba'ng wala pa ako'ng naging friend na lalaki. Kung sakali ikaw pa lang."

"Talaga? Imposible."

"Yeah. Lahat kasi ng mga lalaking nakikilala ko ay nagiging suitor ko rin. Ikaw nga lang yung kakaiba kasi hindi ka nagkaroon ng interes sa'kin."

"Compliment ba yan?."

"I don't know. Depende. Haha."

"Tsk."

"Friend na kita ha, sweetie?."

"Kung ganyan lang din ang itatawag mo sa'ken, 'wag na lang.!."

"Pretty please? Saka kasi kung 'Sweetie' tawag ko sayo wala ng susunod-sunod sa'kin na mga lalaki."

"Hindi pa rin."

"Please? Ayaw mo nun friends tayo with endearment!?."

"Ayaw."

"Okay, twice a day pa na supply ng chocolates?."

"Hmm. Apat."

"Just two, deal?."

"Lima."

"Fine three! Take it or leave it!."

"Okay."

"Payag ka na?."

"Hindi, 'leave it' ako."

"Arghh. Apat, okay na ko dun. Grabe demanding ka pa lang friend. Pew."

"Hindi kaya. Kapalit yon para tawagin mo ko sa kung ano mang kalokohan na yan. Pride ko din ang nakataya dito at kahihiyan."

"Ikaw pa nahiya ah? Haha."

"Siyempre."

"Tsk! So, friends na?."

"Ano pa nga ba?."
______________________

"That's all for today. See you nextweek. Bye!" Malakas na sigaw ng kanilang professor bago lumabas ng classroom. Kani-kaniyang nagligpit ng gamit ang mga kaklase samantalang ang iba naman ay tumakbo na palabas. Pero siya nakasubsob parin ang ulo sa mesa. Iniisip niya yung imbitasyon ni Lemon na manood nang play ng bestfriend nito. Tinanggihan niya iyon dahil alam niyang hindi siya papayagan ng tiyahin lalo pa at natapat ito ng Linggo. Pero mapilit si Lemon kaya hindi niya alam kung paano tatanggihan ito.

"Brad, lalim ng iniisip natin ah? Maghuhukay na ba ako?." Si Gregg. Tinapik pa nito ang balikat niya. Lumapit na rin sila Yuki, Alessa, Marsh at Charlie.

"Yeah. Look, may wrinkles ka na oh?." ani Yuki. Tumango naman si Marsh sa sinabi nito.

"Wala ako'ng iniisip. Kayo meron?."

"Ako siyempre meron! Iniisip ko kung paano kami magkikita ni Jennifer Flawrence. Paano kaya?."

"What Gregg? Hindi pa rin ba kayo nagkikita niyang textmate mo? Hala ka pangit yan! Haha!."

"Shut up Charlie! Nagpadala na siya ng picture. At maganda siya. Parang modelo!."

"Shut up both of you! Anyways, iniisip ko yung foundation week natin. Two weeks na lang at wala pa rin tayong booth!."

"Oo nga Captain! Walang nagaasikaso sa department natin. Yung ibang course may napasa ng booth tayo nga-nga pa din!."

"Correct ka dyang Marsh. So Captain, may naisip ka ba?."

"Teka hindi ko alam na may foundation week pala dito. Ilang araw ba tumatagal yon?."

"Q, hindi araw, linggo. Since month after ng pasukan yung founding anniversary ng SJA, bukod sa foundation week isinasabay na din nila yung acquintance party at sportsfest. Kaya tumatagal ito ng dalawang linggo at sa final day ginaganap yung acquintance ball."

"Ahh. Thanks captain."

"And Q, marami ka'ng pwedeng salihan gaya ng King of the Night sa acquintance ball. Di ba.?"

"Mukhang hindi interesado si Q, Yuki. So, may suggestion ba kayo about sa booth?."

"Ahm, baking? Magbabake lang tayo ng anything..?"

"Meron na Marsh dalawa pa. Atleast two courses lang dapat yung magkapareho. Alam ko meron na rang tattoo or henna booth, marriage at kissing booth. Meron na ring jail booth at dedication. Tssk lahat yata meron na."

"Captain what if a challange booth. Para unique?."

"What kind of challenge booth, Charlie? I mean how?."

"Paramg magcha-challenge tayo ng isang tao kung game sila sa anumang dare natin. A combination of any game show? Ganun."

"Pwede rin. Sige pagiisipan ko. Thanks Charlie!."

"No probs Cap!."

"At Q, sumama ka sakin. Mukhang hindi na briefing sa mga activities ng campus. Ibibigay ko na lang sayo yung handbook ng school."

"Okay."

Nagpaalam na sila at tumungo sa Student Council room. Marami siyang nalaman kay Alessa tungkol sa history ng kanilang campus. At nalaman rin niyang mukha lang palang nangangain ng tao ang captain niya (dahil nakataas lagi ang kilay) pero mabait din namang kausap.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon