Q's 1-day mis-adventure

50 2 0
                                    

Miyerkules ng umaga. Walang klase si Quintin kaya naroon siya sa patahian. Sa ayaw at sa gusto niya.

"Hoy magaling na lalaki! Hindi kita pinapakain para umupo lang diyan!."

Ha! Sabi ko na't hindi talaga alam ni Auntie ang pangalan ko. Tsk!

"Auntie kanina pa po ako nakatayo at pabalik-balik sa paglipat ng mga tela. Umupo lang po ako saglit-."

"Aha! Nagrereklamo ka? Baka nakakalimutan mo'ng pinapakain pa rin kita?."

"Hindi kaya Auntie. Ako kaya bumibili ng pagkain ko."

"Aba! Kahit na. Sa'kin naman galing ang pera!."

"Akin po kaya. Galing yun sa pagtu-tutor ko kay Bogart, Dora at Diego ng Heograpiya at Matimatika. Binabayaran nila ako. Si Auntie talaga makakalimutin na."

"Ikaw na! Kumain ka lang sa bahay, at naku, malilintikan ka sa'kin. At baka nakakalimutan mo rin na sa bahay ko pa ikaw nakatira!."

"Bahay niyo ba talaga Auntie?."

"Hoy! Sira ka talagang bata ka. Bahay ko yon. Kahit pa sa Papa nakapangalan."

"Ayun naman, oh siya Auntie, akin na yang hawak niyo dahil tiyak naman akong iuutos niyo din yan na ipadeliver sa'kin."

"Buti alam mo. Andyan nakaipit yung address at kung kanino yan. Ikaw na bahala. At—."

"-Umuwi ako ng maaga sa bahay 'niyo' para maglinis at magluto. Okay, nakuha ko po Auntie."

"Hala layas na!."
__________________

Pagkatapos ihatid ni Q ang mga damit ay umuwi na siya ng bahay. Baka mabungangaan na naman siya ng tiyahin niya. Mabait naman ito pero minsanan nga lang. Simula kasi ng mawala ang kanyang ina ay ito na ang kumupkop sa kanya. Kahit minsan pinapahirapan ay hindi siya umalis sa poder nito. Bukod sa ito lang ang kilala niyang kamag-anak ay wala siyang ibang pupuntahan. Hindi naman niya kilala ang ama dahil wala na ito noong nagkamalay siya sa mundo. Sabi ng tiyahin niya bigtime daw ang kanyang ama pero nasa Spain ito. Kasama ng sariling pamilya. Hindi niya alam ang history ng kanyang mga magulang kaya hindi na siya naghabol.

Malapit lang pala ang campus nila kung saan siya nagdeliver. Nadaan niya pa ito at napansin ang maraming estudyante na lumalabas at pumapasok sa paaralan. Pero hindi niya napansin ang isang tao.

"There you are sweetie. Ang tagal mo naman kanina pa kita inaantay. Let's go. Asan na ang kotse mo?."

Biglang sabi ng isang babae na ikinagulat niya. Hindi niya ito kilala pero parang pamilyar sakanya. Akala niya iba ang kinakausap nito pero siya pala. Bakit? Nakahawak kasi ito sa kanyang mga braso.

"The eff! Miss, sweetie sweetie ka dyan, hindi kita kilala no? At wala akong kotse. Hello? Mukha ba ako'ng mayaman? Saka napadaan lang ako dito. Ano'ng sinasabi mong inaantay ako. "

Mahina ngunit madiin na pagkakasabi niya sa babae habang tinatanggal ang kamay nito sa kanyang braso. Pinandilatan pa niya ito ng mata para matakot. Ngunit sumimangot lang ito pero hindi siya binitawan.

"Aww sweetie naman eh. Nakalimutan mo na naman magdala ng kotse. Sige na nga maglakad na lang tayo. Tara." Malakas na sabi pa ng babae na parang may pinariringgan. Napatingin siya sa paligid. Nakakahiya kasi itong babae kaya inisip niya na sana walang nanood sakanila. Napanganga siya ng malamang napapalibutan na pala sila ng mga estudyante. Lahat ito nakatingin sa kanila. Ang iba ay kinukuhanan sila ng piktur. Samantala ang iba naman, lalo na yung ilang mga lalaki ay tulala at parang namatayan. May hawak pa ang mga ito ng chocolates at bulaklak. Teka—bakit?

Ano'ng meron? Hala nagiskandalo kami dito sa tapat ng school. Baliw kasi itong babae.

Tsk tsk. May nagpipicture pa. Baka bukas nasa youtube na ako nito.

Teka baka artista ito? Tama siguro si Eros.

Natigil naman siya sa pagiisip ng hilain siya ng babae at tumakbo sila palayo. Hinayaan niya na lang ito. Nang masigurong malayo na sila ay bigla na lang siyang binitiwan ng babae. At mayamaya tumawa ito.

Baliw nga at tatawa tawa pa.

Teka nakita ko na tong babaeng to e. Hmm

"Hey mister, thankyou ah. Wew, siguro naman tatantanan na 'ko ng mga iyo. Haha."

"Hoy! Baliw ka ba? Alam mo ba yung ginawa mo?."

"Sweetie sorry na. Kinailangan ko lang takasan yung mga makukulit kong manliligaw. Nakakairita na eh. Saka magkakilala naman tayo ah? Ako si Lemon, remember?."

Naalala na niya. Siya yung babaeng kaduda-duda na Pilipino pero magaling magtagalog.

"Lemon, Apple, Grapes o kahit ano'ng prutas ka pa, wala ka'ng karapatang kausapin at hilain ako. At ano yung nangyari dun? Lahat ba yun manliligaw mo?."

"Haha. You're so funny sweetie. Hindi ko manliligaw lahat yun noh? Yung may flowers at chocolates lang, gaya nito oh?'

"Pshh. Kahit na, ginamit mo pa ako ng walang pasabi. Saka tigilan mo yang pa-sweetie sweetie mo, hindi nga kita kilala."

"Ang suplado talaga. Oo nga pala may magagalit na misis at mga anak mo."

"Ha? Wala ko'ng misis no? Mukha ba akong matanda na?."

"P-pero sabi mo may mga anak ka na. At buntis na nga yung panganay...?"

Natawa siya ng malakas. Hindi pala niya nilinaw dito na hindi tao ang tinutukoy niyang mga anak.

"Hindi tao ang tinutukoy ko dun. Mga alaga kong pusa yun. Sige dyan ka na, nakatulong na'ko sayo kaya aalis na ako."

"Wait, ano na lang pangalan mo? Saka gusto mo nitong mga chocolates? Sayang kasi itatambak ko lang. Bayad ko na din sa pang-gagamit ko sa'yo. Haha. Ikaw nagsabi nun."

"Psshh. Bayad daw eh hindi naman ikaw bumili niyan. Sige akin na lahat." Kinuha na niya ang mga dala nitong chocolates na pawang malalaki at branded. Wala ng hiya-hiya, sayang naman kasi eh. Atleast ito naman ang nag-alok.

"So, ano'ng name mo?."

"Q."

"Huh? Name ba yun?."

"Tanong mo kay Eros, sabi mo pinsan mo yun di ba?." Yun na lang ang sinabi niya saka iniwan ito.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon