May mga bagay na kinaiinisan si Quintin sa halos dalampung taon niyang pamumuhay sa mundo. Una ang kanyang pangalan. Quintin Alexander Zamora. Ewan. Hindi niya talaga gusto eh. Sabi ng kanyang Auntie na-inspire daw ang kanyang ina sa isang ancient war kaya pinangalan siya doon. Under siguro ang kanyang ama kase hindi na ito kumontra pa. Tsk.
Madalas hirap na hirap ding banggitin ng kanyang mga kaibigan ang buo niyang pangalan. At dahil doon hindi na siya nakipagkaibigan pa. Mahirap na baka matulad sila sa kanyang Auntie na puro "psst" at "hoy" lang ang alam na itawag. Hanggang ngayon palaisipan parin kung alam ba talaga ng kanyang Auntie ang pangalan niya. Hmm, yaan na natin. Siyanga pala, si Eros lang ang nagtiyagang maging kaibigan niya. At oo, nagsawa rin itong tawagin siya sa kanyang pangalan kaya pinaikli na lang nila ito ng "Q". Grabe talaga.
Bukod sa nakakainis na bagay, meron din si Quintin na kinatatakutan. Well hindi yung kapitbahay na pinagkakautangan nila. Ay ng Auntie niya lang pala. Kundi, yeah alam niyo na. Dugo. Or lahat ng mapupulang bagay. Weird no? Sabi naman ng iba normal daw yun. Kahit ba sa lalaki? Hmm.
Speaking of "dugo", papunta sana siya sa isang customer ni Auntie para ideliver ang mga pinatahi nitong damit. May ari kasi ng malaking patahian ang Auntie niya dito sa San Joaquin kaya marami silang bigating customer. Isa na itong may-ari ng daladala niya. Mayaman kasi nagpatahi nun at sa South City homes nakatira. Balita niya sobrang mayayaman ang mga nakatira roon. Habang hinahanap yung address ni Mrs. Lucia Tan bigla na lang may sumulpot na babae nang paliko na siya. Kahit sobrang nabigla, pinilit niya pa ring iwasan ang babae pero hindi na niya nakontrol ang sinasakyang bisekleta. Basta nahulog na lang siya at biglang sumakit ang buong katawan. Napasigaw pa siya ng hawakan nang babae ang kaliwang braso niya. At parang nabagok din yata ang kanyang ulo kasi hindi na niya maintindihan ang sinasabi nito. Parang may naririnig siyang "braso" at "dugo". At "sorry". At-
"Argggh! D-dugo! May dugo akoo! Arrggh!"
Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa palad. Pati sa braso habang dumadaloy doon ang sariwa niyang dugo. Sa sobrang panginginig ay bigla na lang siyang natumba. At hindi na niya alam ang sumunod nangyari.
_______________________Thank God nagising ka na."
Napamulat si Quintin ng maramdaman niyang may humahawak sa mukha lalo na sa kanyang kilay.
"Huh?"
"Are you okay? Halos kalahating oras ka din nawalan ng malay."
Napalingon siya sa paligid. Nasa loob siya ng isang bahay. Hindi lang basta bahay para itong palasyo. Malaki at maluwag ang bahay. Marami naka display na mamahaling vase. May malaking puting piano sa gilid ng malawak sa hagdanan.
"Hey okay ka na ba talaga?"
Napalingon siya sa babae. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti ang mukha nito. Maganda ito. Morena ang kutis at mukhang matangkad. Malaki pero matangos ang ilong nito at bumagay iyon sa pigura ng kanyang mukha. Para itong isang modelo sa mga napapanood niya.
"Okay. Tapos ka na bang pagmasdan ako?."
Nakataas ang kilay na sabi nito. Para naman siyang natauhan at umiwas ng tingin. Narinig niya ang mahinang tawa nito.
" Nasaan ako? Kaninong palasyo ito?." Tanong niya bigla.
"Saka asan ang gamit ko? Ang bike? Hala anong oras na? Teka, ba't ang sakit ng braso ko? " dugtong pa niya.
"Huh? Nagka-amnesia ka? Pero sa braso ka lang naman n-"
"Aaahh! Dugo bakit may dugo pa rin ang braso ko! Aahh dalhin mo ko sa ospital ngayon na!!
"Haha. Akala ko nagka-amnesia ka na. Wait wag kang OA dyan. Nalinis ko na yang sugat mo. Malaking cut lang yan kaya dumugo. Pero kung nagwoworry ka nagpatawag na ako mg doctor. Ang tagal mo kasing tulog kaya medyo kinabahan ako."
"Ako OA? Kasalanan mo to eh. Kung hindi ka parang kabute dyan na kung saan saan sumusulpot edi sana hindi ako nahulog!."
"Hey, I already said sorry? Malay ko bang dadaan ka. At saka galos lang naman yan ah? Kung makareact ka parang hindi ka lalaki!."
Namula sa inis na tumayo si Quintin. Kahit masakit ang katawan ay dire-diretso siyang lumabas at hinanap ang gamit. Nakasunod naman sa likod niya ang babae.
"Hey, Im sorry. Nakakainis ka kase eh. Ang suplado mo. " sabi nito. Saglit siyang tumingin dito bago lumabas ng bahay. I mean palasyo.
"My name is Katie Celline! If ever magkita ulit tayo. " pahabol pa na sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...