Lets be green-y

38 2 0
                                        

2nd day ng foundation week. Maghapong iniwasan ni Q si KC dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari kahapon. Pakiramdam niya sumasabog ang libo-libong kamalasan tuwing nagtatagpo sila. Okay. OA masyado. Ganun talaga eh.

Andito siya ngayon sa booth nila at tumutulong. Simula kahapon na naging kontestant si KC ay marami na ang pumunta at nagtry sa booth nila. Isa lang ang masasabi niya, sikat talaga ito.

"Q, hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni KC." Si Charlie. Tanong nito sa kanya habang papunta sila sa faculty ng Com.Arts para kumuha ng monoblock. Hindi ko pa pala naintroduce si Charlie. Basketball player ito at member ng varsity team. Sikat din sa buong campus dahil nagkakandarapa ang mga babae kapag dumaraan ito. As is literally! Medyo may hawig raw kasi ito kay Zac Efron.

Sino ba yun? Kilala niyo?

Malay. Baka kapitbahay nila. Tsk.

Kasama rin pala nila si Yuki dahil abala si Gregg sa paghohost ng kanilang 'gameshow booth'-ika nga ni Marsh.

"Ah, hindi, nagkasalubong lang kami ng ilang beses. Kaya ayun, naging pamilyar na."

"Parang hindi naman ganun ang nakita namin? Haha! Ikaw Q ha?."

Natawa na din si Charlie. Paano kahapon hinanap pala siya ng mga ito. Dahil may nakakita sa kanila habang papunta doon sa likod na may malaking puno, nalaman ng mga ito na andun sila. Mahimbing silang natutulog habang nakasandal sa puno.

"Seryoso ako. Isa pa anlawak kaya ng inis sakin nun."

"Btw Q, tingnan mo yung picture niyo, hangcute! Haha."

"Sinabi ko ng burahin mo yan, Yuki eh."

"No no no! Souvenir din to. At pangblackmail in the future! Haha."

"Ewan sayo."

Nagtawanan pa ang mga ito habang naglalakad sila. Maya-maya ay hinarang sila ng dalawang lalaki. Biglang hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso.

Shit! Eto na naman!

"Ano ito? Wag niyong sabihin na matchmaking na naman?! Tatlo kami dito oh?."

"Pre, jailbooth officer kami. Hinuhuli namin ang lahat ng nakasuot ng kulay green na damit."

"Teka, sea-green ang kulay nitong damit ko e? Counted ba yon? Yuki? Charlie?." Nagulat pero natatawa na rin ang dalawa. Hindi kasi nakakulay green ang suot ng mga ito kaya malaya sila. Ano daw? Tsk.

"Oo". "Yeah." Sabay pang sabi ng mg ito. Parang narining naman ng nag-aanounce yung himutok niya dahil nagsalita ulit ito.

Inuulit ko. Lahat ng nakasuot ng kulay green na damit, sea-green pa yan o river-green o whatever, hinuhuli namin!

"See? Halika na." Hinila na siya ng dalawang lalaki.

"Bye Q! Mamaya ka na lang namin pipyansahan! Mag-enjoy ka muna. Haha." Sabi ni Yuki sabay hila kay Charlie palayo.

Anak naman ni Zuma oh? Ba't naggreen pa ako?

Teka, hindi na lang sana ako pumasok! Tsk.

Dinala siya ng mga ito sa tapat ng Engineering bldg. May ilang tent na naroon at napapalibutan ng 4-feet na wire na nakapalibot. Parang boxing ring.

"Oh meron pala tayong transferee. Sige ikulong na yan."

Pwersahan siyang pinasok ng mga ito sa kulungan daw na gawa nila. Open naman ito sa lahat. As in makikita kung sino-sino ang nakakulong.

"Fancy seeing you here, Quintin."

Napalingon siya sa nagsalita.

Sabi ko na! May kamalasang dala ito?

"Oh, dito ka rin pala."

"Yeah, obvious ba? Pareho tayong naka-green oh?." ani KC sabay turo pa sa suot nitong t-shirt.

"Kaya pala minalas din ako."

"Hey, hindi ko kasalanan kung anong isusuot mo."

"Ewan ko ba, minamalas ako kapag malapit ka."

"Grabe ka ah? Saka bakit tinakasan mo ako kanina? Hanggang 11am pa dapat duty mo saken."

"Wow? Duty? Ano security guard lang?."

"Ah basta. Teka friend na tayo bakit ansungit mo pa din sakin?."

"Kelan ako umoo?"

"Implied nga di ba? Tsk. Ano ito onesided?."

"Ewan ko sayo. Ikaw lang naman makulit dyan eh."

"Kasi naman bakit ang sungit mo. Ako na nga itong nakikipagkaibigan."

"Hindi ko kailangan ng kaibigan. Ang kulit mo."

"Talaga?."

"Oo."

"Talagang talaga?."

"Oo nga."

"Talagang talagang talag-."

"KC?."

Napalingon siya sa nagsalita. Isang lalaki ito na matangkad at malaki ang katawan. At feeling modelo kung maglakad palapit sa kanila.

"Oh Will! Anong ginagawa mo dito?." Sabi ni KC sabay beso at yakap sa lalaki.

May boyfriend naman pala...

Pshh, malaki lang naman ang katawan.

For sure, puro sports lang ang laman ng utak niyan!

"Nabalitaan ko kasing andito ka. Kaya pinuntahan kita. Nagbayad na ako. Lets go?."

"Ah wait-."

"Hey, Sweetie!."

"Lemon?."

"Bes?."

"Will?."

"Yuki?." Lahat sila napatingin sa huling nagsalita.

"What? Hindi ba pwedeng tawagin ang pangalan ko? Lahat kasi kayo tinawag na, walang tumatawag saken kaya ako na lang." Nakataas pa ang dalawang kamay na sabi nito.

"Teka teka, bakit andito kayo?."naguguluhan niyang sabi. "At kilala mo siya?." Tanong niya kay Lemon habang tinuturo si KC. Lumapit naman sakanya si Lemon at may inabot.

"Yeah, bestfriend ko. Sweetie, chocolate mo oh? Idinaan ko kanina dun sa booth niyo pero sabi ni Yuki andito ka raw. Kaya pinuntahan kita." Paliwanag ni Lemon sabay lapit din kay KC na naguguluhan parin. "Bes, nahuli ka din pala. And Will, hello there." Dugtong pa nito sabay beso rin sa dalawa.

"Bes, I never thought you know each other. I mean how? And 'Sweetie'? How come you have boyfriend? Wala kang nabanggit. At ito pa?."

Grabe siya ah?

Mabait kaya ako..

"Grabe ka bes, mabait naman si Sweetie ah? And boyfriend ko siya as in boy na friend."

"Hindi naman sa ganun, what I mean is- nuknukan kasi ito ng sungit."

"Hello? Andito lang ako para pag-usapan niyo? Yuki, piyansahan mo na nga ako at ng makaalis na dito."

"Napiyansahan ka na ni Lemon."

"Oh? Edi thankyou! Pati na rin sa chocolates. Bye, next time na lang." Huling sabi niya kay Lemon bago umalis. Sumunod naman sakanya sina Lemon at Yuki. Samantalang naiwan pa rin sina KC at Will sa jail booth.

I knew it! I totally knew it!

Magkakilala sila! Wow, magbestfriend pa!

Aww, kill me now!!

Another Cinderella StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon