Tatlong araw na lang at simula na ulit ng pasukan. Dalawang linggo matapos malaman ni Quintin na naaprubahan ang scholarship niya sa St. Joaquin Academy. Hindi naging madali ang proseso dahil may background na siya sa ibang university. Katakot-takot na form ang finillup-an niya at nirequest para sa mga dokumentong kailangan. Sa dati niya kasing pinapasukan naka dalawang taon siya roon sa kursong Communication Arts. At dahil may ganoong kurso din sa SJA, na credit yung dalawang taong units na kinuha niya. Mga minor units naman ang mga iyon kaya pinayagan na din ng SJA. Naging madali na rin ang lahat dahil magaganda naman ang kanyang mga grado at naipasa pa niya ang entrance exam ng akademya. Sa ngayon nasa ikatlong taon na siya sa pasukan.
Nakangiting tinungo ni Quintin ang mesa at umupo sa tabi ng matabang lalaki na pumapapak ng milo.
"Hoy Makong akala ko ba kape na ang papapakin mo ngayong bagong taon. Sabi mo pa nga nakakapayat iyon!." Pangaasar niya rito. Pinsan niya ito na anak ng Auntie Em nya. Disisais lang ito pero pang bente uno ang katawan. Kung gaano naman kalaki ang katawan nito siya namang liit ng utak. Totoo. Malalaman niyo din one time. Bunso ito sa dalawang anak ng Auntie niya. Si Mikey yung panganay. Matangkad naman ito at mapayat kumpara kay Makong. Minsan may topak, minsan wala ang magkapatid na yan. Depende kung paano ka tityempo.
"Mwagg mwow mwunagg arkkongg kskussaffnn." Sabi nito habang pilit tinataktak sa bunganga ang plastik ng milo habang puno pa ang bibig.
Natawa siya hindi dahil malabo ang sinabi nito kundi dahil nakataas pa ang isang paa nito habang pinagsasamantalahan ang plastik ng milo.
"Nga pala pakisabi kay Auntie na tapos ko ang lahat ng pinapagawa niya. Pwede na akong umalis mamaya. "
Nakita niyang tumigil sa pagnguya ang pinsan at tumingin sakanya. Bubuka pa lang ang bibig nito pero inunahan na niya.
"Pati yung mga telang inorder niya nailipat ko na sa stockroom."
"Weh di nga?."
"Oo nga. Inayos ko na din. By color at design!"
"Talaga? Eh yun—."
"Yep. Makintab na makintab na yung kotse. Pwede pang magsalamin. Ilang beses kong hinugasan yun. Dinamay ko na paglinis pati yung jeep nila Aling Nena. Para hindi na niya hampasin yung mga kuting ko."
"Paano yung mga babo—."
"Sshh, naririnig mo yung mga hilik na yun?
Tumango ito.
"Sa mga baboy yun. Pinakain ko na sila. Sa sobrang busog ayun nakatulog at naghihilik na!."
Tinitigan na lang siya ni Makong bago nagsalita.
"Whatever. Gawin mo ang gusto mong gawin." Walang ganang sabi nito at pinagpatuloy ang pagpapak sa milo.
________________________
"Grabe ang laki pala ng eskwelahang ito. Mukha lang maliit tingnan sa labas pero parang malawak na paraiso kapag nasa loob!." Manghang sabi ni Eros habang palinga linga sa paligid. Kasalukuyang nasa loob sila ng St. Joaquin Academy at nakaupo sa isang bench na naroon.
"Oo nga eh. Naligaw pa tayo sa paghanap sa building ng Com.Arts eh. By department pala dito. Buti naisipan nating puntahan muna. Baka sa oras ng pasukan pa ako maligaw."
"Q ang swerte mo. Balita ko madami raw artistang nagaaral dito. Malay mo klasmeyt mo pa ilan sa kanila!."
"Sira. Ano namang big deal dun? Eh ordinaryong tao lang din naman sila. Saka 'la kompake sakanila!. Hindi sila yung pinunta ko dito."
"Ay ang kj mo naman. Sus kung dito lang ako ngaaral nako iba iba kada araw ang chicks ko!."
"Pfft. Malabo. Mukha namang disente ang mga nag-aaral dito o? Parang walang magkakamaling patulan ka."
"Grabe ka talaga. Pusong bato na, hindi pa alam ang meaning ng "sensitivity"."
"Bakit ikaw alam mo?."
"Oo naman. Pero wala ng dapat ibang makaalam pa."
"Haha. "
"Seryoso Q, what if dito ka mainlove for the very first time?."
"Malabo."
"Ah basta naniniwala ako. Malay mo dito madurog yang pusong bato mo! Haha!."
"Tumigil ka na. Baka durugin ko yang mga buto mo."
"Haha! Nang magsabog siguro ang Diyos ng ampalaya, ikaw lahat ang kumain noh?! Bitter!."
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...
