"Hey Q, saan ka galing nung nakaraang araw? Hindi mo tuloy nakilala si KC. ." biglang naitanong ni Alessa habang kumakain sila sa canteen. Last period na nila iyon. Ang bilis talaga ng panahon dahil start na ng foundation week bukas. Kaya nagpasya silang magkita-kita muna at magplano. At kumain na din.
"Oo nga brad. Buti na lang after pa ng foundation week start ng filming natin for documentation. Magiging busy din kasi tayo."
Nilunok muna niya ang nginunguyang Mars na chocolate bago nagsalita.
"Sorry talaga sa inyo. May dineliver kasi ako sa Tagaytay. Alam niyo naman na medyo malayo yun dito kaya hindi na ako nakasunod."
"Okay. Next time na lang marami pa namang chances."
"Thanks Captain. Oy Yuki akin yan!." Sabi niya sabay tabig ng kamay ni Yuki.
"Penge naman! Grabe oh?!."
"Bili ka ng sayo."
"Ee wala na nga. Lagi na lang 'pag bumibili ako dyan sa malapit na store ubos na. Maraming lalaki raw ang nabili. Tsk favorite ko pa naman yan. :3."
"Di ko kasalanan. "
"Guys! guys, so nakuha niyo na ba yung mga t-shirt niyo para bukas?."
"Nasa amin na Captain." Sabay nilang sabi. Bukas din kasi opening ng mga booth.
"So tomorrow Captain maaga tayo para i-set up ang booth?." ani Marsh.
"Yes. May tutulong din naman sa atin na ibang section at alam na nila ang gagawin."
"Okay." pagkasabing iyon ni Marsh ay nagplano pa sila ng gagawin para bukas. Siya naman ay nagpaalam na dahil may gagawin pa siya sa patahian. At para na rin makapunta ng maaga bukas.
_________________________Kinabukasan. Maaga pa lang ay marami ng tao sa St. Joaquin Academy. Karamihan sa mga ito ay abalang nagaasikaso ng kani-kanilang booth. Ang iba naman ay nagpapahinga at nagliligpit pagkatapos ng ginanap na parada. Ikinakabit naman ng ilang estudyante ang malaking tarpaulin na may nakalagay na "SJA: 75th Founding Anniversary" sa gitnang bahagi ng campus. Samantalang abala rin na nag-uusap sina KC at Lemon.
"Bes may dala ka na bang mga damit na iba't ibang kulay?" Tanong ni Lemon sa kanya habang papunta sila sa kanilang departamento. Nagkibit balikat lang siya.
"Yeah, natuto na ako. Haha. Baka mahuli na naman ako at wala kayo para magpiyansa."
"Haha. Oo nga. Wag ka kasing magpapahuli."
"Ewan ko ba. Nagiingat naman ako pero ganun talaga eh. Bakit kasi may jail booth pa!. :3."
"Yeah. Kung ano lang matrip-an nilang hulihin. Kesyo kulay green ang suot o kung sino naka suot ng nike. The hell, gusto lang nila na kumita eh."
"Right! So bes naalala mo yung lalaki na dati kinukwento ko sayo?."
"Hmm alin yung madalas mong makita kahit saan? Yung feeling stalker mo? Creepy much."
"Nope, yung lalaki na -."
"Wait lemme guess! Hm, yung lalaking tingin ng tingin sayo dati na kapitbahay niyo? Oh my God! Kailan pa siya dumating?."
"Gosh bes! Hindi pa sila dumarating no? At sana dun na lang sila sa states. Ayoko ng maparanoid araw araw."
"Eh sino?."
"Kasi hindi mo ko pinapatapos. Yung lalaking sinasabi ko sayo na takot sa dugo, dito siya nagtatrabaho!."
"Ah yun lang pala. What -wait si mr. Cutie na kinukwento mo dati andito? Wag mo sabihin na professor siya?."
"Sinabi ko ba na cute siya?."
"Yep. Gusto mong ulitin ko pa mga sinabi mo? Teka ganito,'Oh my God bes you wouldn't believe what happened to me today! Muntikan akong mabangga! Hahaha.-."
"Wait? Exaggerated ka! Hindi kaya ako tumawa!."
"-tumawa ka. Anw sabi mo pa,'iniwasan niya ako bes dahil doon nalaglag siya sa bicycle. Hello sino pa ba ang nagba-bike ngayon? Hahaha! So siyempre tinulungan ko siya-."
"Ganun naman talaga ang dapat gawin ah?."
"-pero nagulat ako dahil ang dami niyang dugo. Ofcourse kinabahan din ako! Bes hindi siya nagalaw at nung tinitigan ko siyang mabuti, Oh My God ang cute niya pala pero ang dami niyang dugo-."
"Okay stop! I get it. Sinabi ko na. Grabe bes, I sound like Krissy dyan sa kwento mo! And take note, kabisado mo pa yung exact na sinabi ko. Wow, ginagawa mo bang chips yung memory plus gold na vitamins?!."
"Haha. Sometimes. Pero memory plus lang, hindi gold. Hindi pa naman ako matanda noh?." Nagtawanan silang pareho.
Attention everyone! Jail booth is now open! Please pay attention all the time! Everyone is not safe! Goodluck!
"Nag open na pala yung ibang booth. Tara na lang pala sa student council room, safe tayo dun."
"Lets go." Aniya sa kaibigan ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay may humarang sa kanila.
"Wait ms. Lemon hinuhuli ka namin!."
"What?."
"Hindi niyo ba narinig?."
Attention! We are arresting those who are members and officers of student council! Goodluck hiding everyone!
"Bitch!." Ani ni Lemon. Boses iyon ni Dan, president ng Engineering department at boyfriend ni Brianna, number one hater nila ni Lemon. Pakiramdam ko sinadya nila iyon.
"Tara na, vice pres! 15 minutes after ang piyansa. At 100 pesos. Siga bye." Ani sakanya nung lalaki pagkatapos posasan ang kaibigan niya ng plastic na handcuff.
"Sige, bye bes. Babalikan na lang kita mamaya, okay?."
"Yeah, I'll be fine. Wag ka na lang magpapahuli baka walang magpiyansa sa'kin! Haha.'
"Okay.."
Nangdalhin na si Lemon papunta sa engineering department ay naglakad na siya palayo. Nakita rin niyang kinakaladkad si Alessa ng dalawang lalaki.
"Shit! Pag ako nakalaya babalikan ko kayo! Walang nang-iistorbo sa'kin lalo na't kapag kumakain ako!."
"Sorry pres! Napag utusan lang!." Kakamot-kamot sa ulong sabi nung isang lalaki. Binilisan niya ang paglakad ngunit napahinto siya at naglaway ng madaanan ang isang donut booth. Yeah, number one donut at bread lover siya. Wag kayo diyan!
"Ah miss pabili nga ako ng dalawang mexican mole at tatlong triple chocolate threat!." Masayang sabi ni KC sa tindera na naka-costume pa ng donut. Pamilyar sa kanya ang tindera, culinary student ito na mahilig sa cosplay.
"Okay." Sabi nito. Pagkatapos mag bayad ay umalis na siya. Habang naglalakad ay hindi niya napigilang kainin ang mexican mole na donut.
Miss na naka-green na turtle neck.
Narinig niyang sabi sa microphone ng isang lalaki. Paulit-ulit ito sa pagtawag.
Sino kaya yung tinatawag? Ang tagal namang sumagot nakakaawa naman yung nagsasalita, deadma.
Buti na lang itong mexican mole ko, masarap kaya hindi ko dedeadmahin!
Miss please lumingon ka na!
What the- ang ingay naman! Sino ba kasi iyon at ayaw lumingon. Tsk! Pabebe.
Miss na naka-turtle neck na green at kumakain ng donut galing sa Do-Nut wonderland, please lumingon ka naman oh?!
What??!! Teka ako yun ah?
Finally! Oh, we have the campus princess KC Alcantara as possible contestant! So KC, welcome to "I Dare You in 1-minute to Win It! (Deal or No Deal!) Challenge!
"Huhh? Ano daw?!!."
![](https://img.wattpad.com/cover/59068937-288-k358688.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...