The Fairytale ball 2.0

47 2 0
                                        

Nasa isang sulok lang si Quintin at masusing nagmamasid sa paligid. Malawak ang lugar at napuno nito halos ang loob ng mga estudyante, professor at ilang outsider. Iba iba namang kasuotan ang makikitang suot ng mga ito. Karamihan, mga babaeng kung hindi nakasuot ng gown, na parang prinsesa, ay mga naka-pang fairy o pixies with matching pakpak pa sa likod. Samantalang iba naman sa mga lalaki. May mga naka-pang prinsipe na may kapa pa sa likod, may mga nagsuot din parang hari at may ilan namang hindi niya matukoy kung ano.

Nahagip ng paningin niya si Gregg na may korona pa sa ulo at feeling alipin niya ang lahat ng nasa paligid. Kausap nito si Yuki, na ikinahalakhak niya ang suot nitong costume.

Haha!

Idol pala ni Yuki si Joker!

At ang dwende?

Haha!

Napansin niyang may nag-aalok ng wine malapit sa exit door. Kinuha niya ang isang baso at ininom iyon.

Masarap pala talaga ang red wine...

No wonder madaming adik!

Kumuha ulit siya ng isang baso pagkatapos maubos. Naalala niyang bawal pala ang alak o magdala ng alak bukod sa wine na ino-offer dito. May insidente daw kasi dati na estudyanteng naglasing sa campus at nagwala. Kaya simula noon, mahigpit ng ipinagbawal sa eskwelahan ang mga alak.

Habang umiinom nilibot ng paningin niya ang paligid. Napansin niya sa isang sulok sina Alessa at Zyanna. Pangiti-ngiti pa si Captain habang binubulungan ito ng huli. At paminsa'y tumatawa.

Tsk!

Mukhang may nagkakamabutihan ah?

Hihi!

Maya-maya pa'y napatingin naman siya sa malaking orasan na nakasabit doon.

What?!

Anong oras na pala!

Wait?!!

Dalawang oras na akong nakikipag-date dito sa red wine?!!

Ambilis! Tsk!

Natahimik ang lahat ng biglang palitan ang 'party party' na tugtog ng pang-sweet dance. Mag-aalas onse na kasi at sisimulan na ang sayawan. Pumunta na sa gitna ang lahat na pawang magkakapareha at nagsimulang magsayaw. Pati siya napunta sa gitna dahil may isang babae na humila sa kanya.

"Hi, handsome Prince! Hihi!." Sabi ng babae sa kanya at pinulupot pa nito ang braso sa leeg niya. Pamilyar sa kanya ito.

Aha! Si Brianna!

Tama!

Si Brianna Grande!

Tourism student katulad din Lemon.

Pero hindi katulad ng ugali. Tsk!

Buti na lang nakamaskara ako!

"Aahm, miss, hindi ako nagsasayaw eh-." Naagaw ang atensyon niya sa isang pares na nagsasayaw malapit lang sa kanila. Si KC at Will. Nakatungo pa ang ulo ng dalaga sa balikat ng lalaki. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin niya ay ang mahinang paghikbi ng dalaga. Tila umiiyak ito. Lalapit pa sana siya dito ngunit biglang nagsalita si Brianna.

"Hey handsome, whats your name? Outsider ka ba dito? Parang ngayon lang kita nakita ah?."

"Ah eh, oo. Hehe."

"I see. Pwede ba makita ng face mo? Mukha ka kasing gwapo eh. Hihi."

"Ahh, wag. Mahirap ibalik ng maskara eh."

Another Cinderella StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon