*Warning: intense chapter because of swearing. Forgive me. And 'hi' to those who love donuts.*
___________________________________Quintin:
Matamang pinagmasdan ni Q si KC mula sa di- kalayuan. Nakaupo ito sa isang bench malapit sa court at kausap si Will. Parang may pinagtatalunan ang dalawa. Maya-maya ay umalis na ang lalaki subalit nanatili pa rin sa upuan ang dalaga.
This is it!
Lapitan muna at kausapin.
At manghingi ng sorry!
Definitely!
Iniwan niya kasi ang dalaga sa mga kaibigan kahapon. Hindi naman niya intensyon iyon dahil pinauwi agad siya ng kanyang auntie. Sabi ni Yuki hinanap daw siya nito dahil halatang hindi pa palagay sa kanila. At nang malamang wala na siya ay umalis din agad.
Dahan-dahan siyang lumapit dito at napahinto sa bandang likuran. At maingat siyang umupo sa tabi nito. Saglit itong napalingon sa kanya bago umiwas ng tingin.
Patay, galit nga!
Teka, ano naman?
Hindi naman kagalit-galit yung ginawa ko e.
Except ikaw nagdala sa kanya doon.
Kahit paalam man lang wala.
Bigla ka na lang naglaho, hindi ka naman bula!
Magsorry ka na!
"A-ahm, pasensya-." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil naghikab ito ng malakas at ipinatong bigla ang ulo sa balikat niya. "U-uy, ano'ng ginagawa mo?." bulong niya rito at pasimpleng inaalis ang ulo nito sa balikat niya. Nagpumilit naman ito at tila nageenjoy na gawin siyang unan.
"Hmm, PDA." Humihikab na sabi nito.
"Anong pda? Sira ka ba?."
"Shh wag kang maingay. Pda as in 'Paglambing na Di-Awkward. Hindi mo alam yun?."
"H-ha?."
"Bakit andito ka pala?."
"H-ha?."
"Wag mo'ng sabihing napadaan ka lang dito at napa-upo?."
"H-ha?."
"Ano ba yan, 'hey' naman puro na lang 'ha' eh."
Napahinga siya ng malalim bago tumingin dito.
"Sorry kahapon kung naiwan kita sa mga kaibigan ko at umalis ng hindi ka nasabihan. Emergency lang eh."
"Ahh, its okay. Hindi mo naman ako kargo eh. So friends na talaga tayo?."
"Wala pa rin akong sinabi."
_________________________Alessa:
Kung nakamamatay lang talaga ang tingin malamang kanina pa naglaho ang papel na kanina pa niya tinititigan.Naalala niya kasi ang nangyari kahapon at kung paanong napasok siya sa ganung eskandalo.
Flashback: Maaga pa lang pumasok na si Alessa ng campus. Ngayon nila ibibigay sa dean ang papers para ma-aprubahan ang overnight party sa darating na acquiantance ball. Minamadali na niya para makagawa na rin ng waver. Natanaw niya sa malayo si Gregg at nang akmang hahabulin niya ito ay bigla siyang nabangga sa isang tao.
"Are you blind or what?." Biglang angil ng babaeng nakabangga niya. Matangkad ito kaya kailangan pa niyang tumingala para lang makita ang hitsura nito.
Hm yeah, bakit may outsider dito?
When I said outsider I mean outside the Philippines..
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...