The Royale Friends

34 2 0
                                    

"Nope."

"Never."

"Nuh huh."

"No no no!."

Sabay-sabay na tutol ng mga ito. Walang nagawa si Q kundi magpakilala sakanila. Tutal dun din naman bagsak niya. Huminga muna siya ng malalim.

"Quintin Alexander Zamora pangalan ko. Ayun. At wala akong kilala dito." tipid niyang sabi.

"Wow, ang cool naman ng name." tumatangong sabi ni Gregg. "Paki-ulit nga?." dugtong pa nito na dahilan para batukan siya ni Alessa.

"Ang weird lang combination. Parang di bagay. Hey, dont get me wrong ha? Parang hindi lang talaga swak." Ani Marsh. Nakapangalumbaba pa ito habang nag-iisip.

"Prraang shuka attss mmeyonaisse?." Si Yuki. May nginunguya itong chips na nilalagyan pa ng ketsup. Inalok pa siya nito. Iling lang ang sinagot niya. At kunwari'y nasusuka.

Pssh. Ang weird talaga ng pagkaing-mayaman.

"Okay guys tama na yan. Pag-usapan na natin yung first project together." Pumapalakpak na sabi ni Alessa. Buti na lang andyan ang Captain nila, may matino ring nagsalita. Speaking of project, pinabunot sila ng kanilang professor kung ano gagawin. At dahil first and last  project lang iyon sa buong semester, hinirapan ito ng kanilang prof. Documentation ang topic na nabunot nila at dapat ang subject related sa kanilang academy.

"So guys any ideas sa gagawin nating docu?." Si Captain ulit. Nagsalita naman si Gregg.

"Captain what if gumawa tayo ng documentation slash interview tungkol sa isang sikat na Joaquinians?."

"Tama okay yun. Tapos parang susundan natin yung ginagawa niya na related sa school?."

"For example, isang varsity player aalamin natin yung training nila at competition. What do you think."

"Yeah. Okay kang pero cliche naman ata kung puro sports."

"Ahh! I have an idea. Pwede nating gawing subject si KC Alcantara! The one and only princess of Joaquinians! Hindi lang siya sikat sa buong campus kundi pati sa buong theater arts community sa labas ng school!."

"Oo nga no! Tama mayroon siyang pinaghahandaang play na gaganapin sa Resorts World Manila."

"Okay settled then. Interview slash documentation kay KC. Ahm magkita ulit tayo tomorrow para sa designation. Same place same time. Tutal mamaya pa namang 11:30am ang next class natin, tara sa canteen libre ko kayo."

At iyon na ang huling sinabi ni Captain Alessa tungkol sa pagpaplano sa proyekto nila. Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa o mahihiya dahil kahit isang idea ay wala siyang naibigay. Mabuti na siguro yun. Atleast libre lunch niya.
_____________________

Two days after since nagstart yung pasukan at so far maayos naman yung pagiging Joaquinians niya. Lalo na yung kanyang mga kagrupo na unti-unti ring natatanggap niya bilang kaibigan. Wala naman siyang choice kasi ang mga ito rin ang may gustong isama siya. Napagtanto rin niyang bukod sa buhay pa ang salitang "libre" eh mababait naman ang mga ito. At hndi siya hinusgahan sa kabila ng malayong estado ng buhay niya sa mga ito. Sa ngayon nasa tabi sila ng canteen at pinaguusapan pa rin yung sa project.

"Okay guys dahil hindi natuloy last time yung designation, ngayon natin itutuloy  iyon." Malakas na sabi ni Alessa.

"Since anim tayo hinati ko sa apat yung trabaho. Dalawa sa production pati technical aspect. Isang interviewer at isa sa camera. At dahil may alam ako sa technical, dun na ako. First yung mag-iinterview, sino volunteer?."

Nagtaas ng kamay si Yuki.

"Oh Yuki, ikaw na?."

"Hindi Captain. Sa Production ako. Alam niyo na."

"Ahh. Okay. Oh any volunteer sa magiging interviewer?." Nakita niyang tumayo si Gregg.

"O Gregg, ikaw ?."

"No Captain gusto ko sa technical. Medyo may idea na din kase ako. Hihi."

"Okay. Sa technical ka. Hmm balik tayo sa willing mginterview sino?."

"Captain?."

"Charlie, magbo-volunteer ka?."

"Hindi. Captain naman di ba sinabi ko na sayo ako na ang cameraman? Di ba?."

"Eh bakit ka nagtaas?."

"Pinapaalala ko lang. Haha."

"Naku kayo ah. Okay, sige ikaw na dun. So,ulet tayo, sino willing maging interviewer?."

"Captain?."

"Marsh! So willing ka?."

"Ano kasi eh pwede bang—."

"Pwede bang 'what?

"Production din ako gaya ni Yuki. Dream ko kaya yun di ba?."

"Arhh. Okay sige dun ka. Isa na lang ah. Tatanungin ko yung magbo-volunteer maging interviewer. Sasagot lang yung gusto otherwise may mababalian ng buto. Okay sino?."

"Eh Captain..?"

"Oh Q ikaw na o gusto mong mabalian?."

"Ako na lang wala. Lahat sila meron na."

"Ha? Hmm oo nga no. Okay, settled then. Ikaw na ang interviewer. Be prepared. Ge bye! Haha."

"Ha?! Ako?!!"

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon