Hey, daydreamer!

45 2 0
                                    

Parang isang apoy na mabilis kumalat ang pangalan ni Quintin sa buong campus dahil sa pagkakasabit niya sa dalawang popular na estudyante ng St. Joaquin Academy. Marami na ring bumabati sakanya kahit hindi niya ito kilala. Minsan pa nga suot ng mga ito ang 'fandom shirt' nila ni KC o kaya naman ni Lemon. Wala rin namang kaso iyon kila Lemon at KC pero hindi kay Will. Nabanggit minsan ni Lemon na madalas magselos si Will tuwing makikita sila ni KC na magkasama-na nagkakataon lang naman. Katulad ngayon, habang papunta siya sa puno sa likod ng kanilang building ay nakita din niyang papunta ito. Iiwasan niya sana ngunit nakita naman agad siya nito.

"Uy saglit Q?!." Sigaw ni KC sabay lapit sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad. Napabuntong hininga at napa-pray na lang siya na sana 'wag silang makita ng boyfriend nito.

Hala? Para naman tayong kabit niyan eh.

Wala naman tayong ginagawang masama ...

Bakit nakakag-guilty lagi?

"Hey, musta?." Pilit ang ngiting bati niya rito. Napangiti naman ng malapad ang dalaga.

"Im good. Better. Hmm, papunta ka rin ba sa puno?."

"Ah, oo eh. Paano may mga humahabol sakin na fans daw! Tsk."

"Ahh, ookay. I know how it feels. Titigil din iyan."

Natahimik sila biglang pareho.

"Alam mo, okay din pala yung ganito.."

"Aling ganito?."

"Yung cease fire tayo. Haha. Ayan hindi mo ko inaaway oh?."

"Tsk! Akala ko kung ano na. Tolerable ka naman ngayon eh. Hindi ka madaldal kaya okay tayo."

"Hindi kaya ako madaldal! Sadyang hindi ka lang palasalita kaya nasabi mo yan."

"Madaldal ka. Kung ano-ano nga ang sinasabi mo sakin kahit hindi kita pinapansin eh."

"Hindi kaya, sinungaling ka."

Humarap pa ito sakanya at pinandilatan siya ng mata. Saka niya napansin ang tatak ng shirt nito.

#AlYannaFEVER ..?

Hah! Fan din siya nila captain ..

Korny..

Mmm, pero saan niya kaya nakuha 'yan .. :3

"Team alyanna ka din pala."

"Ah oo. See? Naghanap talaga ako ng fandom shirt nila buti na lang nakita ko si Yuki. Siya nagbigay saken. Hehe!."

Oh! Mental note!

Humingi din kay Yuki ..

Check!

Habang nag-iisip ng idadahilan kay Yuki upang makahingi ng shirt katulad kay KC, nahagip ng paningin niya mula sa di kalayuan ang puno. May tao ditong nakaupo dahil kita niya ang isang paa na naka-combat shoes. Nasa kabilang gilid sila kaya hindi niya makita ang mukha nito. Tinapik naman niya si KC at tinuro ang taong nandun sa puno. At sinenyasan siyang 'wag mag-ingay. Nakuha naman nito ay nais niyang sabihin.

Madami nang nakakaalam sa puno ko ..

Hindi to pwede ..

Kailangan bakuran na para wala ng tumambay ...

Tulad ng mga iyon..

Sino ba yon?

Teka, pagsabihan ko na lang muna.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon