'Friday, 8pm. This years acquaintance party entitled; A Fairytale Journey to SJA!' —Basa ni Quintin sa hawak na waiver. Napahinga siya ng malalim pagkatapos tiklopin ito.
Noong mga nakaraang araw, sa pagsisimula ng unang linggo ng foundation week, ay na-enjoy niya ang madaming events. Lalong -lalo na ang mga booths.
Pero ngayong linggo, sportsfest naman ang naging event at awarding para sa closing ceremony kaya hindi na siya pumasok pa. Balak din niyang hindi pumunta mamaya sa acquaintance party. Hindi dahil ayaw niya kundi dahil pinagbilinan siyang huwag umalis at bantayan ang patahian.
Kung tutuusin ay pwede naman siyang tumakas dahil nasa kabilang probinsya ang auntie at dalawang pinsan niya. May binisita itong malayong kamag-anak nila at mamaya pang alas diyes ang alis ng mga ito roon. Sa pagkakaalam niya higit dalawang oras ang byahe bago makauwi ang mga ito.Subalit hindi pa rin yon sapat dahil iniwan din sa kanya ang paghahakot ng mga telang inorder mula sa kabilang bayan.
7:10 pm. Nasa patahian pa din si Quintin kasama ang driver nila ng truck at isa-isa nilang nililipat ang mga dalang tela mula sa sasakyan papasok sa stockroom. Madami pa ang mga iyon dahil dalawa lang silang nagbubuhat. At matatagalan pa sila bago matapos.
Package deal!
Sakit na ng likod ko!
Nagulat siya at napamura bigla dahil nagvibrate ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng pantalon.
Bwiset na Eros yan!
Nangungulit na naman.
Sabi ng hindi ako pupunta eh!
Tumigil muna siya sa ginagawa at kinuha ang phone. Number nga ni Eros yon. Kanina pa siya nito kinukulit na umattend ng party. Pinatay niya na lang ang phone at nagpatuloy sa ginagawa.
Excited ang lolo mo!
Porke may pinsan na back-up!
Tsk!
"Wooaah! Kanina ka pa namin tinatawagan!." Biglang sumulpot si Eros sa kanyang harapan dahilan para mahampas niya ito ng dalang tela na nakarolyo.
"Shit!."
"Aww! Grabe ka Q! Masakit."
"Wag ka nga nanggugulat!."
"Hindi naman kita ginugulat eh."
"Ano yung ginawa mo? Teka ba't narito ka nga pala?."
"Susunduin ka. Tara, magbihis na tayo at pumunta sa party!."
"Ilang beses ka bang inire ha? Sinabi ng hindi ako pupunta!."
"Sumama ka na please? Minsan lang to!."
"Ang kulit mo! Tingnan mo, ang dami ko pang trabaho!."
"Yun lang? Pfft! Solve na yan!." Pagkasabing iyon ni Eros ay pumito ito ng malakas. May tatlong lalaki naman na lumapit sa kanila. Isa lang ang kilala niya sa mga ito, yung pinakamatangkad dahil kapatid yon ni Eros.
"Ano na?."
"Relaks pre, sila ng gagawa ng trabaho mo. Sinabihan ko na yan. Dont worry, mapagkakatiliwalaan yang mga yan."
"Saan mo naman napulot yang dalawa?."
"Pre, kasabay kong nagbagong buhay yan! Haha."
"Niloloko mo ba ko?."
"Seryoso! Pero babantayan naman sila ng utol ko saka niyan ni Manong driver oh?." Turo pa nito sa driver ng truck nila na napangiti. Pagkatapos ay tumulong na rin sa pagbubuhat ng tela ang tatlo.
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...