First day "Hi"

50 2 0
                                    

Five more minutes

Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Quintin sa kanyang sarili, hindi dahil inaantok kundi dahil malapit na siyang malate sa klase. Sa unang araw ng klase.

At dahil maraming hadlang sa mundo na gusto siyang malate, eto ang nangyari.

"Oooft!."

"Shit!."

Namalayan na lang ni Q na nasa sahig na siya at hawak hawak ang noo. May nabunggo kasi siya habang papaliko sa hallway ng ComArts department. Yung babaeng nakabangga niya nakaupo na rin sa sahig. Pati libro nito nagkalat. Napatingin ito sa kanya ngunit imbes na mainis ay gulat na gulat ito. At napangiti.

"Hi!?" sabi nito sabay lapit sakanya. Napaatras naman siya. At pilit inaalala kung kilala niya ba ito o baka naman naghahanap lang ito ng kausap? Ng mapagtitripan? Tsk, wala siyang piso eh.

"Nice to see you again." Nakakalokong sabi nito. Nakangisi pa habang nakataas ang isang kilay na parang nanghahamon. Tinitigan niya mabuti ang babae. Sinusumpa niya talaga sa ngalan ng kanyang mga komiks at books collection na hindi niya ito kilala kaya tumayo na siya at naglakad palayo.

"Wait!"sigaw nito. Binilisan lang niya lalo ang paglalakad. Okay, pagtakbo pala. Kung naalala niyo pa sa chapter na title ang pangalan niya, hindi siya nakikipagkaibigan. That means, hindi siya basta nakikipagusap kung kani-kanino lang. Isa pa late na siya.
_________________________

Salubong ang kilay na pinagmasdan ni Quintin ang apat na taong nakapaligid sa kanya. Dalawang lalaki at dalawang babae ang mga ito. Pawang mga kaklase niya. At nagkataong kagrupo.

"So, what do we do now?."

Malawak ang ngiting sabi ng isang pilit na nagmamahihing lalaki at pinagsaklop pa ang dalawang palad sa ibabaw ng mesa. Kakatapos lang ng unang klase niya sa unang araw ng pasukan. At gaya ng iba, lutang pa rin sa bakasyon ang mga professor kaya maliban sa pagpapakilala ay nag bigay agad ito ng proyekto. Group project pa. Kaya eto ang nangyari. Kaharap kanyang mga ka-grupo.

"Ahm. First introduce ourselves right? Mukhang may new student eh. Atleast tayo may ideya na sa isat-isa." Sabi nung isa sa dalawang babae habang nakataas ang isang kilay na kakatingin sa kanya. Mukhang magkakakilala na ang mga ito dahil lahat sila sakanya nakatingin. Nagsalita ulit yung lalaking pa-demure kanina

"Right. Me first. Ok my name is Yuki. Dont bother asking my surname. Maririnig mo din yun ng madalas. Haha. By the way kilala ko na pala silang lahat." Sabi nito matapos timingin sa akin. "Pero itong si Marsh at Gregg lang talaga ang close ko. Well open naman akong maging bff's kayong lahat. Yun lang." Mahabang paliwanag nito. At kung magtatanong kayo, oo gay si Yuki pero sa tingin ko closet gay kasi hindi naman halata sa hitsura. Parang "pogay" ba?. Sunod na nagsalita yung tinuro ni Yuki na babaeng close niya.

"Hello. Im Marsh Elise Santos. Yeah Yuki and I we're childhood friend. But I refuse to aknowledge Gregg because he keep hitting on me. I mean look at him? He's not even my type!."

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Marsh.

"Hey! You keep telling that but deep inside you like me!." Pambawi asar naman nung lalaki na ikinatawa ulit nila.

"Okay enough with that. I am Alessa Dianna Yap. I love travelling and I like having alots of friend. All of you can count on me."ani naman nung unang babaeng nagsalita kanina.

"Really Captain? How come I am not inform? If I know madami kang squad hindi friends! Haha!."

"Shut up Greggory! My squad are also my friends! Ahm, nga pla, I am also the Cheerleading squad captain. Yes, Im the Queen Bee and no, Im not an Ice Queen gaya ng mga nababasa nyo sa kung saan-saang stories."

"O'Captain my captain! Yes, you are Ice Queen!." Natatawang giit ng tinawag nitong Greggory. Natatawang sumangayon naman ang lahat. Siya nama'y napangiti.

Shit. Mga bigatin pala itong team mates ko.

I mean Queen Bee? Saan ka pa?

Sana hindi katulad nito ang ugali ng mga napapanood at nababasa kong stories.

"Hi guys. My name is Greggory Villegas. What my honeybunch-Marsh and Yuki-babes said is right. Matagal na kaming friends. But My Captain here, Charlie bro and I became close during student council. Officers kasi kami at dahil cool ako, pinilit nila akong kaibiganin." Nakangising sabi nito, na binatukan naman ni Captain. I mean Alessa. Yung Charlie naman na binanggit nito ay kanina pa umalis. May event daw kase yung mga varsity ng basketball at pinatatawag ang mga ito.

Pagkatapos nilang mgpakilala lahat ay saka lang siya kinabahan. Hindi siya kasi sanay sa atensyon o "spotlight" pero nung mga oras na iyon ay lahat sa kanya nakatingin. At nghihintay ng unang sasabihin niya.

"So, pwedeng mag-cr muna ako?."

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon