"Hey Q have you heard the news?." Biglang tanong ni Marsh na kadarating lang sa canteen kung saan madalas sila tumambay. Napatigil naman siya sa pagnguya ng chocolate bago ito binalingan.
"Ano yon?."
"Actually kasi maraming awards ang iginagawad sa closing ceremony ng foundation week gaya ng best booth etc, para mas ma-feel ng students."
"At?."
"At kanina official ng nagbukas ang voting sa isang award."
"At anong kinalaman ko dun?."
Sumingit naman bigla si Yuki.
"Actually Q, yan yung kanina ko pa sinasabi sayo. Team Qtie is now officially on!."
"Qtie? Really Yuki? Haha!."
"Shut up Gregg! Hindi lang ako ang nag-isip niyan! Oh my God! Two of my ship is sailing..!."
"My ship is also sailing! Team LQ for the win!."
"Really Gregg? LQ?."
"Both of you shut up!."
"Alright captain. Dont get jealous. Team Alyanna is still on."
"Totally on!."
"And sailing.."
Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito kaya nagsalita na ulit siya.
"Teka! Teka! Ano ba yon? Bakit may team team? May kakalabanin tayo?." Nagtatakang sabi niya sabay kamot pa ng ulo.
Tsk. May sinabi din silang ship di ba?
At sailing ...
Shit! Marine!
Baka nagpalit sila ng course!
"Para namang member tayo ng gangster niyan sa sinabi mo eh." Naiiling na sabi bigla ni Yuki. Si Marsh na ang nagsalita.
"Actually Q, ang sinasabi ko na voting ay yung best tandem of the year."
"Best tandem-ano yon?."
"Hello? Parang loveteam Q! Duh?."
"Eh ano ngang kinalaman ko?."
"Brad, kasali ka dun. At dalawa pa ang ka-tandem mo! Lupet!." Natatawang paliwanag ni Gregg na siyang ikinatawa din ng mga ito. Maliban sa kanya na lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo.
"Ano? Paano nangyari yon? At sino silang dalawa?." Pasigaw na sabi niya at napatayo pa sa mesa. Tumigil naman sa mga ginagawa ang lahat ng naroon at napatingin sa kanya. Ngunit bago pa man siya magsalita ulit ay may pumasok bigla na isang grupo, mga nasa sampu, at nakasuot ng pare-parehong disenyo at kulay na puting damit. Lumapit ang isang babaeng nasa gitna nito sa kanyang harapan. Saka lang niya napansin kung ano ang disenyo ng damit.
Teka-mukha ko yon ah?
At ni-
"Ganda ng design no? Ang cute niyo talaga dito ni KC eh. At ang galing ko ding kumuha ng mga pictures." Sabi ng babae habang nakaturo sa mga pictures na nasa damit nito.
Wtf? Bakit may mga pagmumukha namin dyan sa damit nila?
San naggaling mga yan?
Meron din nung sa puno, sa bench at sa booth...
"Bakit nakaganyan kayo? Anong meron at sino ka?."
"Julia Montecristo, photographer ng 'The SJ Times-official school paper ng campus at president ng "Qtie-natics-official nightmare ng aldub nation, jaDine at KathalNiel." Paliwanag nito. Napanganga naman silang lahat. At nagsalita ulit ito. "Nice to meet you, Quintin Zamora! We love you! At pwedeng group pic tayo?."
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...
