Lesbi honest ...

67 2 0
                                        

"What the hell?."

Habang nire-raid ng mga jailbooth officers ang mga nanonood nang kasal, hinila ni Q ang natulalang si KC palayo sa mga ito. Buti na lang at nasa bandang gilid sila ng booth at nakapagtago agad sa malaking puno ng San Francisco na malapit doon. Magsasalita pa sana ulit ang dalaga pero tinakpan niya agad ang bibig nito.

"Huwag kang sisigaw, meron pang nanghuhuli oh?."

Tumango naman ito ng makitang may nagiikot-ikot pang jailbooth officers. Takot na sigurong mahuli kaya sumunod din. Tinanggal na niya ang kamay sa bibig nito.

"Ano ba yan? Wrong timing talaga yang mga jail monster na yan. Bihira lang akong kiligin eh, tapos dadaot pa sila." Himutok nito na nagpapadyak-padyak pa ng paa. For the first time, natawa siya dito.

"Jail monster?."

"Yeah. Porke't maraming tao sa booth namin, ipapahuli na nila. Tsk."

"Teka booth niyo 'yon?."

"Yup, wait, ikaw naman ang maraming tanong ah?."

"Whatever. Halika na, alis na tayo dito, baka bumalik pa yung nga jail monster." Natatawa na pa ring sabi niya. Infairness, na-good vibes siya ngayong araw. Dahil siguro kay Captain, laughtrip talaga dito. Kanina kasi habang pabalik siya pagkatapos bumili ng donuts, nakasalubong niya si Gregg na nagmamadali. Sabi nito kanina daw kinuha ang Captain nila at may nagrequest daw na ikasal dito. Hindi agad nakasunod si Gregg dahil naghanap pa ito ng papalit sa pwesto niya bilang host ng booth nila. Siyempre na curious din, kaya sumunod siya kay Gregg. Naabutan niyang nakikipagtalo si Alessa sa kunwaring pari na kung pwede daw ba tumutol ang mismong bride. Na-ipapasalvage daw niya kung sino man ang nagbayad para ipakasal siya sa babae —yap! Mukha namang wala ring ideya yung babae na halatang napadaan lang sa Pinas.

Infairness, sobrang ganda nang babae.

Ang tangkad pa. Nahiya naman ang 5'8 ko'ng height!

Iba na talaga ang panahon!

Liberated na mag-isip ang mga tao.

Kinakantiyawan din ang babae ng sa tingin niya ay mga kaibigan nito. Pero pokerface na lang ito dahil wala din namang magawa. Samantala, kung sino-sino namang Santo ang tinawag ni Alessa para hindi lang matuloy ang kasal. Pero tuloy pa rin.

Hanggang sa naudlot. Kundi lang talaga sumingit yung mga jail monsters.

Nanatili naman si KC sa kinalalagyan at nakatingin lang sakanya na parang nakasaksi ito ng murder scene.

"What?."

"Oh my God! Pinagsabihan ka ba ng isang anghel kaya ang bait mo bigla?."

"Edi bahala ka dyan."

"Wait! Ito naman, dapat pala ini-inform kita tuwing magjojoke ako."

Hindi na niya ito pinansin at naglakad na palayo. Nakasunod naman ang dalaga sa likod niya. Dinala siya ng mga paa sa canteen at doon pa lang rinig na nila ang malakas na tawa ni Gregg.

"Oh my God, Captain, if I knew you'd totally play for our team, I definitely give you some tips on how to woo a woman!." Tumatawang sabi ni Gregg na ikinatawa ng mga ito. Binato naman siya ni Alessa ng hawak nitong bote ng mineral water.

"Leave me alone Gregg!." Nagbabantang sabi ni Captain. Napangiti naman ang mga ito ng makita sila. Si Yuki ang unang nagsalita.

"Q! Akala namin nahuli ka. Oh? Kasama mo pala si Princess Kc." Sabi nito sabay alok sakanila ng mauupuan. Umupo naman agad siya samantalang nahihiya pa ang dalaga.

"Hello! KC na lang." Pakilala nito sa sarili sabay kaway sa mga kaibigan niya.

"Hi!." Bati naman ng mga ito at isa-isa ring nagpakilala.

"Actually Captain, kay Q ka pala dapat manghingi ng tips. Tingnan mo yung mga dumidikit sa kanya, KC Alcantara at Lemon Jameson, saan ka pa! Haha." Hirit pa ulit ni Gregg, na nabatukan ni Alessa. Natawa ulit ang mga ito. Siya nama'y napasimangot.

"Pag hindi ka pa tumigil Gregg, kakalbuhin talaga kita."

Nagsalita naman si Charlie.

"Seriously Captain? Nice catch si Zyanna. Kung hindi lang kayo kasal malamang niligawan ko na yon."

"Yeah, nakaka-insecure nga eh. Ang tangkad pa." Ani Marsh.

"Sobrang tangkad! Pero bagay naman sa 5flat na height ni Captain!." Tumatawang sabi ni Gregg.

"Hey, 5'3 kaya ako!."

"Okay lang yon Captain, nadala naman ng malakas mo'ng personality ang maliit mo'ng height!."

Nagtawanan silang lahat sa sinabing iyon ni Yuki. Napasimangot naman si Alessa.

Komportable na sila sa isat-isa kaya nagagawa nilang magbiruan ng mga ganung bagay. Nang tumigil ang tawanan ay naisipan niyang tanungin ito.

"Tanong ko lang Captain, nagkiss ba talaga kayo kanina, hindi ko nakita eh." Seryosong tanong niya na ikinatawa ulit ng lahat. Namula naman si Alessa.

"Haha! Nice one, Q!." Sabi ni Gregg na nakipag-high five pa talaga sakanya.

"Lesbi honest Captain, may naramdaman ka ba kanina? Haha."

"Naku kayong lahat tigilan niyo na nga ako! Lalo ka na Gregg! Siyempre wala! Straight ako no? Period."

"Captain, lahat na ng straight ngayon pwede nang mabend! Di ba KC?"

Nagtawanan ulit sila sa huling sinabi na iyon ni Charlie. Napatango naman si KC at nakangiti din. Napansin niyang kanina pa ito tahimik at paminsan minsan na tumatawa.
Natigil bigla ang kanilang tawanan ng dumating mismo ang kanina pa nila pinag-uusapan. Napatayo naman silang lahat lalo na si Alessa na nag-marcha pa palapit dito.

"Uhm hello guys! My name's Zyanna Stevens. Have you seen my- uhm I mean -Alessa?." Tanong nito na diretsong nakatingin sa kanila.

Napanganga naman sila at walang gustong magsalita. Pansin niyang dumami ang estudyanteng nakapaligid sa kanila. Pawang nakaawang ang bibig ng mga ito.

Hanggang sa tumawa si Gregg ng malakas. Pati tuloy sila tumawa na din.

Hahaha! Hindi niya nakita si Captain!

Laptrip, grabe!!

"Are you insulting me? I was already here right infront of you!?!." Galit na sabi ni Alessa sabay mahinang tulak sa braso nito. Nagulat naman si Zyanna dahil nasa harap na pala nito ang hinahanap. At dahan-dahang yumuko para tingnan ang dalaga.

"Oh? Hey there Mrs. Stevens! Im sorry. I'm not insulting you and I do not see you either. I swear! It's just you're like this cute size stuff toy I wish I could take anywhere with me. And here, you forgot to sign our marriage contract." Mahabang litanya ni Zyanna sabay tapal ng isang papel sa mukha ng nakatingalang si Alessa. Pagkatapos ay tumalikod na ito.

"Hahaha! Cute size daw Captain!."

"Yiee! Mrs. Stevens."

"Aww."

Hindi pa man nakakalayo ay biglang humarap ulit si Zyanna.

"By the way, my pint-size wife, nice lips! And I dont mind if you're a girl or not. I'm bisexual anyway. Bye!."

Nagtawanan at naghiyawan lahat ng naroon. Habang namumula naman sa galit si Alessa na nakatingin ng masama sa palayong babae.

Haha! Magugulo na yata ang tahimik naming mundo!

Knowing Captain, hindi magpapatalo yan!

Baka nga nag-iisip na ito ng plano kung paano ito-torture si Zyanna!

Bahala sila! Haha!

Habang nagtatawanan ay biglang nagsalita si Yuki.

"Yay, team Alyanna for the win!." Biglang tumigil ang lahat sa sinabi nito. At napatingin ng masama.

"What? Alessa and Zyanna short for Alyanna! Go team Alyanna!?!."

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon