*This is a Cinderella inspired story in a modern version and with a twist. Enjoy!*
___________________________________
"Ako pangit? Ha!? Ayoko lang mahimatay ka incase na makita mo ang hitsura ko'ng sobrang gwapo." Sabi ng lalaking nakamaskara kay KC bago siya bitawan. Napagtanto siguro nitong kanina pa nakahawak ang mga kamay sa kanyang beywang. Napaatras din siya ng konti dahil tingin niya'y nai-ilang ang lalaki. Kahit nahihilo pa sa alak na ininom ay natatawa siya dito.
"Yabang ah? Haha."
"Seryoso, tsk!."
"Anyway, thankyou pala."
"Para saan? Sa alak? Kinuha ko lang yan sa loob."
"Hindi. Salamat dahil andyan ka. Kahit ayaw mo'ng ipakita yang pangit mo'ng mukha. Haha. Ayun, pati sa alak. Medyo nahihilo pa din ako!."
"Wow, thankyou sa papuri at sa insulto!."
"Haha! Ano- basta thankyou!."
Tumango na lang ito bilang pagtugon. Totoong nagpapasalamat siya sa lalaki dahil andito ito nung kailangan niya ng makakasama. Nag-away na naman kasi sila ni Will at nagpasya itong makipahiwalay na sa kanya. Oo, nasaktan siya dahil naging parte din naman ang lalaki ng buhay niya pero hindi sapat iyon para umiyak siya ng sobra. Pakiramdam niya kasi sa hiwalayan din talaga magtatapos ang lovestory nila. Kailangang tanggapin niya na lang iyon.
Kanina, maaga sana siyang uuwi matapos nilang magusap ni Will, pero nagpasya siyang maglakadlakad muna. Hanggang sa napunta siya doon sa puno at nakita ang isang lalaking umiinom sa ilalim nito. Aaminin niya, kinabahan siya nung una pero parang may nagsasabi sa kanyang lumapit dito. Na ginawa naman niya. At ayun na nga ang nangyari.
"Bumalik na tayo sa party at doon na lang magsayaw?." Biglang sabi nito. Naputol naman ang pagbabaliktanaw niya at napatingin dito.
"Hindi, wag na!!?." Sigaw niya na ikinagulat nito.
"Bakit? Kailangan ko'ng bumalik eh?."
"K-kasi hindi na ako pwedeng bumalik. Akala nila umuwi na ako?!."
"Oh, eh di sabihin mo hindi ka naman talaga umuwi."
"Hindi! Kasi hindi na ako pwedeng makita dun. Tingnan mo ko? Mugto ang mata! Tapos medyo nahihilo pa-."
"Lasing kamo."
"Hindi kaya-ooops!." Muntikan na siyang matumba ng akmang lalapit dito. Agad naman nitong nahawakan ang dalawang braso niya. "Y-yeah, fine medyo lasing nga ako. Medyo lang."
"Haha! So bakit nga?."
"Hays, kasi ako yung Queen of the Night last year, ayoko ko lang matanong masyado kung mapansin nilang nakainom ako."
"Ahh. Ganun. Wait, wag kang aalis dito."
Pagkasabing iyon ng lalaki ay bigla itong tumakbo. Hindi na siya nakatutol pa dahil mabilis itong nawala.
Teka?
Saan pupunta yon?
Ilang sandali pa ay bumalik ito na may dalang paper bag. Maliwang naman nang sandaling iyon kaya kita niya ang mga dala nitong gunting, ilang tela, ribbons at kung ano-ano pa.
Weird!
Ano kayang pakulo nito ...
Nagulat siya ng biglang lumuhod sa harapan niya ang lalaki. Classic long sleeve white ball gown na mahaba ang laylayan, ang suot niya. Hinawakan naman ng lalaki yung laylayan at masusing tiningnan.
"Magandang klase ng tela to ah?."
"U-uy ano yan?"
"Pwedeng pwede na gupitin dahil hindi agad ito natatastas."
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...
