"Sori babe ndi kta mpu2ntahan now dyn. N-xtend ung practix nmen ih. Kita nlng tau nxtym. Tcgb. Luv u. Bye."
Nanlulumong inilagay ni KC ang cellphone sa bag matapos basahin ang text ni Will, boyfriend niya na football player. Magkikita sana sila ngayon dahil sa mga susunod na araw magiging busy na sila sa kani-kanilang gawain. Siya sa play, ito naman sa mga upcoming football games.
Sikat na football player si Will kaya't walang halos estudyante ng St. Joaquin Academy ang hindi nakakakilala rito. At dahil doon, sila ang binansagang power couple ng campus. Mabait at maalaga naman ang lalaki kaya niya ito nagustuhan sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya. Magta-tatlong buwan palang sila na magkasintahan at noong una'y masaya. Pero sa ngayon, hindi niya alam dahil halos hindi na sila magkita dala nang pagiging busy. Ngayon sana ngunit naudlot pa. Kasalukuyang narito siya sa nag-iisang puno malapit sa kanilang departamento na nasa likod naman ng Communication Arts bldg. Malaki at malapad ang puno na napalilibutan ng bermuda grass. Tahimik at payapa ang lugar kaya dito nila madalas gusto na tumambay.
Umupo siya sa lapag at sumandal sa puno. 2:01pm pa lang at dahil wala na siyang klase ngayong araw ay naisipan niyang magpahinga na lang muna.
"Ah, tama, makikinig muna ako ng kanta. At mamaya aaralin ko na din yung songs na gagamitin ko sa audition. Hindi pa naman ako familiar sa iba." aniya sa sarili. Nang makapili ng kanta ay pinatugtog niya ito ng malakas. Wala pang ilang minuto na tumutugtog ang kantang "Boom Panes" ay may bigla na lang nagsalita.
"Kung sino ka man pede ba'ng pakihinaan yang pinapatugtog mo? May nagpapahinga rin dito oh, hindi lang ikaw."
Napapitlag siya sa nagsalita at nagpalinga-linga sa paligid. Hinahanap niya ang pinagmulan ng boses. Wala namang tao kaya natakot siya bigla.
"Hoy bingi ka ba? Naririnig mo pa ba ako?!."
"Aaahhh! Sino ka? 'Asan ka?."
"Package deal naman oh, wag ka'ng tumili!."
"K-konsensiya, ikaw ba yan. Aahhh!." Mas lalo siyang natakot ng hindi na ito nagsalita. Mabilis niyang pinatay ang cellphone at akmang tatayo sana ng may biglang lumitaw sa kanyang harapan.
"Booo!." sigaw nito ngunit dala ng pagkagulat ay hindi niya napigilan ang sarili at mabilis itong nasuntok. Bumulagta ang lalaki habang hawak ang dumudugo nitong ilong.
"Oh my God!." Napasigaw naman siya sa sakit ng pagkakasuntok at pagkagulat sa bumulagtang lalaki. Saka lang niya napagtanto na tao ito hindi multo at galing sa kabilang bahagi ng puno na hindi niya napansin sa laki nito.
"I'm so sorry! Oh my God! Are you okay?." Nilapitan niya ito at tiningnan ang kung ayos lang. Kinabahan siya ng hindi na ito gumalaw kaya inalis niya ang kamay nito na nakatakip sa ilong. Nang mapagmasdan ang mukha at dumudugong ilong nito ay napangiwi siya.
Ouch, napuruhan ko yata sa ilong. Tumabingi e.
Gosh, ano gagawin ko, nawalan ng malay at teka pamilyar—
Wait anong ginagawa ko? Baka mamatay to dahil tinititigan ko lang.
Gamutin mo!
Tama! Gamutin!
Gosh! Pano ko gagamutin?! Wala akong gamot!
Sh*t andami ng dugo ng ilong!
Punasan mo! Gaga!
Kinuha niya ang panyo sa bag at nilapitan ang lalaki. Maingat niyang inangat ang ulo nito at pinunasan ang tumutulong dugo sa ilong.
Thank God at tumigil na rin sa pagdugo!
"Hey gising ka na oh.." kinausap na niya ito habang tinatapik-tapik pa ang mukha para magising. Parang sinagot naman ang hiling niya dahil bigla itong nagmulat ng mata.
"Oh my God! Thankyou Lord dahil nagising ka na. Okay ka lang? May masakit pa ba sayo? Sorry ha? Ikaw kasi nanggugulat ka ayan tuloy nasuntok kita. Alam ko galit ka pero hindi ko sinasadya promise, kaya gagawin ko yung gusto mo para quits tayo. Basta 'wag mo lang susuntukin yung ilong ko. Alam ko sabi nila medyo malaki yung ilong ko pero kuntento na ako dito. Saka hindi porke't napuruhan ko yung ilong mo kailangan ilong ko na rin ang kapalit. At hindi dahil ashkghfd—."
Hindi niya natapos ang kanyang sona— i mean, ang kanyang speech dahil tinakpan nito ang kanyang bibig."Kanina pa ako naririndi sayo. Pwede bang tumahimik ka muna kahit one minute lang. Nahihilo pa ako. Kung magsasalita ka pa bubusalan ko yang bibig mo." Pagkasabi niyon ay inalis na nito ang kamay sa bibig niya. Tinikom naman niya ang bibig. Napansin niyang parang masakit ang ulo ng lalaki dahil kanina pa nito iyon minamasahe. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng atensyon niya. Para kasi talagang nakita na niya ito.
"Aww." Sigaw nito sabay hawak sa ilong.
"'Wag mo'ng pisilin baka dumugo ulit." Hindi napigilang sabi niya. Nanlaki bigla ang mga mata nito at agad na tumayo. Pagkatapos ay bigla na lang umalis. Parang may bumbilyang umilaw bigla sa loob ng imaginary na utak niya. At mabilis na hinabol ang lalaki.
"Wait! Tama, kilala kita!." Aniya rito ng maabutan. Hinawakan pa niya ito sa braso. Tumingin naman ito ng masama sa kanya.
"Hindi kita kilala. Alis na. Baka nakakalimutan mo may atraso ka sa'kin."
"Natatandaan mo ako, Katie Celline,? Ikaw si Mr. Takot sa dugo diba."
"Nag-iilusyon ka lang."
"Hindi kaya."
"Bahala ka dyan."
"Hey, inuwi pa nga kita sa bahay ko, remember?." Sigaw niya ng makalayo ito. Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap sakanya.
"Ano'ng sabi mo?."
"Inuwi kita sa bahay?."
Inosente ang pagkakasabi niya. Pero napa-facepalm siya ng mapansin na may ilang estudyante palang nakikinig sa kanila. At pawang nakataas ang mga kilay nito. Awkward.
Nakita niyang mabilis na naglakad palayo ang lalaki. Pero mabilis din siya dahil naabutan niya pa ito at sinabayan sa paglalakad.
"Akalain mo yun, dito ka rin pala nag-aaral. Small world huh?."
"Janitor ako dito."
"Ahh. Right. Nice job. Ano nga pala ulit name mo? Hindi ko natandaan e. ."
"Dahi hindi ko naman sinabi."
"Right! So sasabihin mo na?."
"Pwede ba miss, tigilan mo na ko."
"KC na lang, medyo mahaba din kasi ang 'Katie Celline at boring naman kapag 'miss lang. And nope, hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi ang name mo."
Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. At tumingin din sa likod niya.
"Miss kilala mo ba yun?" Sabi nito sabay turo sa likod niya. Tumingin siya sa tinuro nito. May ilang taong naroon kaya hindi niya alam kung alin ang tinutukoy nito.
"Sino dya—." Hindi pa niya natapos ang sasabihin dahil pagtingin niya ay wala na ang lalaki. Nakatakbo na ito palayo.
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
HumorHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...