Lemon

52 3 0
                                    

Pauwi na si Quintin sa kanila matapos ihatid ang mga damit. Buti na lang mabait si Mrs. Tan at hindi ito nag reklamong late ang delivery nila.

Akay-akay niya ang bisikleta dahil masakit pa rin ang braso niya pati na rin ilang bahagi ng katawan.

"Bwiset!." inis niyang sabi habang binabaybay ang daan pauwi.

"Hi Q!."

Pa-cute na bati ni Lovely sakanya. Naging customer ito ng Auntie niya dati at nang nagdeliver siya dito ay hindi na nito tinantanan ng pagpapacute sa kanya. At nang kahibangan nito, na kesyo sila daw ang nakatadhana para sa isat-isa. Never.

Kunwari'y sinasabit pa nito ang imaginary na buhok sa tenga.

"Pfft! May pasabit sabit pa ng buhok sa tenga, eh de-siete naman ang gupit. Tss."

Nilampasan lang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang plano sa mga ganyang bagay. Bitter na kung bitter pero hindi talaga siya interesado. Hindi dahil pangit siya or ano. Kung tutuusin masasabing isa siya sa pinakamagandang lalaki sa lugar nila. Walang sinabi si Enrique Gil sa pagiging half-spanish niya. At mahihiya ang mga muscles at abs ni Daniel Matsunaga sa mga abs at muscles niya dala ng araw araw na pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Sadyang hindi lang talaga siya aware na may salitang "lovelife". Kahit noon pa man. Ang totoo niyan ay wala pa siyang naging nobya. Kahit "crush" o magkaroon man lang ng interes sa mga babae. Minsan nga napagkamalan din siyang baka lalaki ang type niya pero ipinagkibit-balikat na lang niya ito. Anong magagawa niya kung hindi talaga siya nagkaroon ng interes kahit kanino? O baka naman hindi talaga siya bukas sa ideyang mainlove.

Nagulat siya nang may biglang bumusina ng malakas. Nasa gitna na pala siya ng kalsada. Galing sa gray na kotse ang businang iyon at niluwa noon ang isang maputing babae na mukhang foreigner.

"Hey hey!." Biglang tawag nito. Lumingon siya sa paligid. Siya lang ang taong malapit dito. Tumingin siya sa babae at tinuro ang sarili.

"Ako?"

"Yeah whoelse do you think? Come here."

"Wow, wala ba'ng manners sa bansa niyo?." Sarkastikong sabi niya.

"What?."

"Gusto mo'ng i-translate ko pa?."

"No. I know what you're saying. I mean why are you mad? Anyways, magtatanong lang naman ako e." mahinahong sabi nito. Namangha naman siya dahil kahit mukhang kaduda dudang pinoy ito ay matatas naman itong mag salita ng tagalog. Tinaas niya ang kanang kamay bago nagsalita.

"Pasensya na nagugutom na yung mga anak ko. Kailangan ko ng umuwi at magluto. Sa iba ka na lang magtanong."

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa sinabi niya.

"Y-you have children? But you're so young." Gulat pa ring sabi nito. Nagsalubong ang kilay niya.

"Oo meron. Buntis na nga yung panganay. So excuse me?

Umalis na siya at iniwan yung babae na nakatulala.

Nakakapagtaka ba yun? E may mga anak na ko e.

At kailangan ko ng magmadali dahil tiyak gutom na yung mga iyon. Lalo na si jhing, naglilihi pa naman.

Nako baka sa sobrang gutom ay pumunta na yun sa kapitbahay at manghingi ng pagkaen.

Baka hampasin na naman sila ni Aling Nena. Madamot pa naman yun.

Tsk! Ang mga baby kuting ko!
______________________

"Hey wait!"

Sigaw ng babae kanina at humarang pa ito sa harapan niya.

"Ano? Ang kulit naman e. Sabi ng nagmamadali ako."

"Sungit. Please just tell me where can I find Eros Fernandez house?."

"Kilala mo si Eros?."

"Yeah. Pinsan ko siya. Why?."

"Ahh. Hmm okay. Lumabas ka dyan sa kanto tapos kumaliwa ka. Diretsuhin mo lang yun hanggang sa makita mo yung kulay light blue na gate. Dalawang palapag na bahay yun. Wag kang mag-alala nagiisang kulay lang yung gate nila. Hindi ka maliligaw."

"Thankyou! By the way, my name is Lemon. At okay lang din saken kahit may anak ka na." Nakangiting sabi nito at inilahad pa ang palad sa kanya.

"Okay. Nice meeting you."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Tinawag pa siya nito pero hindi na niya nilingon.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon