"Hello KC."
Katie Celline Alcantara o mas kilala bilang KC. Isa sa kasalukuyang sikat na estudyante ng SJA. Walang halos Joaquinian ang hindi nakakilala sa kanya.
Ngiti lang tugon ni KC sa araw-araw na bumabati sakanya pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad. Papunta ngayon siyang auditorium ng academy. Isa siyang theater major student at aktibong miyembro ng kanilang Performing Arts Group. Magaling siyang kumanta at hilig din niyang umarte kaya iyon ang napili niyang kurso. Sa katunayan marami na siyang play na ginampanan sa loob at labas ng kanilang campus. At balak niyang mapabilang sa bagong off-broadway na play na gaganapin sa Resorts World. Ito pinaghahandaan niya sa kasalukuyan na magsisimula ang pa-audition ng direktor sa kanilang campus sa susunod na dalawang linggo.
Pagdating niya sa auditorium ay agad niyang binaba ang kanyang mga gamit at umupo muna sa silyang naroon.
"KC!."
Malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong auditorium dahilan para mapapitlag siya sa kinauupuan. At mapalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Oh my God, Lemon!. You scared the hell out of me!."
Aniya ng mapagtanto kung sino ang sumigaw. Napahawak pa siya sa kaliwang dibdib sa sobrang takot. Tumatawa namang itong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap.
Leanne Monique Jameson, kababata at matalik na kaibigan ni KC. Nagkakilala sila nito sa States kung saan pareho silang freshman. At dahil common denominator nila pagkakaroon ng dugong Pinoy, (half-British si Lemon samantalang 1/4 Dutch naman si KC) mabilis silang nagkasundo at naging magkaibigan. Pero naunang umuwi si KC ng Pilipinas pagkatapos ng Junior year samantalang naiwan naman si Lemon at tinapos ang highschool dun. Ngunit umuwi rin ito pagkatapos ng graduation. Pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Madalas parin silang mag-usap pagkatapos nun.
"I missed you, Girl."nakatawang sabi ni Lemon pagkatapos siyang bitawan. Dito rin ito nag-aral at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong BS Tourism. Napansin niyang madami itong dalang chocolate at may ilang tangkay pa ng rosas. Napangiti siya. Alam niyang bukod sakanya ay sikat at kilala din ito sa buong campus. Marami itong manliligaw na araw-araw nagpapadala dito ng bulaklak at chocolate. At paminsan-minsan bumubuntot pa sa kanila. Single kasi ito. Siya nama'y iilan na lang ang nagbibigay. Simula nung nagkaroon ng rumors na boyfriend na niya si Will, ang sikat na football player na manliligaw niya.
"I missed you too! Grabe ang bilis ng bakasyon." Aniya.
"Yeah, your right."
"Hmm, let me guess, may tinaguan ka na namang suitors? Haha."
"Ha ha. Funny but yeah. "
"Haha! Maghanap ka na kasi ng boyfriend."
"Nah! I almost found him but—."
"I dont know if he's the right one! Hah! Keep telling that, tatanda kang dalaga! Haha."
"Hey, alam mo naman na hindi ako nagmamadali noh? I always believe that right person comes at the right time."
"Okay okay, you win. Pero seriously, sa pagaantay mo niyan kay Mr.Right pwede kang yumaman pa. Haha."
"Huh? How?."
"Sa pagtitinda ng chocolates! Haha. For sure bago mo pa siya matagpuan puno na yung kwarto mo ng chocolates at flowers kakabigay! Haha!."
"Oo nga no. Haha. By the way, nakasalubong ko pala si Alessa kanina. Akala ko kukulitin nanaman akong sumali ng sa cheerleading. Pero ikaw yung hinahanap."
"Really? Why?."
"Dunno. Speaking of the devil."
Napatingin sila sa taong kakapasok lang ng auditorium. Si Alessa. Ang Captain ng cheerleading squad, ang Queen Bee. Actually silang tatlo talaga dapat ang Queen Bee pero ito lang ang mukhang mataray at palaban sa kanila samantalang sila ni Lemon ay mukhang hindi makapatay man lang ng langgam, kaya mas bumagay ang titulong ito sakanya. After all, hindi naman nabawasan ang popularity nila dahil lang sa titulong iyon. At siyempre, sila na tatlo sa pinakamagaganda at matatalino sa campus ay hindi nakaligtas sa mga intriga. Kesyo magkakaaway at nag-iinggitan daw sila. But to be honest, silang tatlong tinaguriang 'princesses of Joaquinians' ay magkakaibigan.
Naka-uniform pang lumapit sakanila si Alessa. Pansin nilang may ilang lalaking estudyante sa likod nito.
"Hi, girls. Buti naabutan ko kayo dito."
"Hello, Alessa!." Magkapanabay nilang sabi pagkatapos magbeso.
"Ahm KC, may sadya kasi ako sayo. Didiretsuhin ko na. Mayroon kasi kaming project, more on documentation sa major units namin. At naisip naming ikaw yung maging subject. Ah okay lang ba yun sa'yo?."
"Ahh, yun lang pala. Sure."
"OMG, thankyou so much. So nextweek namin sisimulan yung filming kaya kukunin ko yung possible schedule mo. Okay?."
"Ofcourse. Ihahanda ko na lang yung schedule ko at iaabot ko na lang mamaya sa student council room. Andun ka naman mamaya di ba?."
"Oo. Uy thankyou talaga ah."
"No, its okay. Basta inform mo na lang ako. May number mo ko di ba?."
"Yep. Itetext na lang kita. Hmm siyanga pala Lemon, balita ko magkakaroon tayo ng exchange student ah?."
"Yeah, isang student lang. Next semester pa darating. Pero alam ko mas marami next year."
"Ah okay. Tama pala ko. Haha. Oh siya maiwan ko na kayo. Byeyiee!."
BINABASA MO ANG
Another Cinderella Story
ComédieHe is just a simple guy who believes in anything possible in this world. Well, except for one thing. Love. Is he willing to take the risk of falling in love if the right person comes unexpectedly? She is not just a girl but a princess who lives in...
