Steph’s POV
Alas otso na ng gabi at kakauwi lang nila Josh. Kanina pa nga nya ako kinukulit tungkol kay Justin. Ang dami nyang tanong. Kung sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung ang investor mo ay humihiling ng date sa pinsan mo kapalit ng pera nya?
Habang patuloy ako sa pag-alala ng nangyari kanina ay biglang may kumatok sa kwarto ko.
“Pasok” sagot ko naman sa kung sinuman ang tao sa labas
“Steph, busy ka ba?” si kuya pala.
“Hindi naman, bakit?” sagot ko sa kanya. Sinenyasan ko syang pumasok sa kwarto at umupo sa kama ko. Sinunod nya naman ako at tahimik lang na tumingin sa akin.
“May gusto ka bang ikwento sa akin?” tanong nya agad.
Ganito talaga lagi si Kuya Matt. Tuwing may problema ako o kaya may malalim na iniisip, palagi nyang napapansin agad kahit na itinatago ko. Kaya nga wala akong naisisikreto sa kanya kahit isa.
Hindi ako agad nakapagsalita sa tanong ni Kuya. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Nakakahiya kasi. Pero hindi sya tumigil sa kakatitig sa akin hanggang sa ako na din ang sumuko. “Ano kasi ihh..” humingi muna ako ng malalim.
“Naaalala mo yung lalaking kinuwento ko sa’yo sa New York? Yung nakilala ko sa bar?” paliwanang ko sa kanya. Tumango naman sya at naghintay lang sa susunod kong sasabihin.
“He’s here. Sya yung investor na hinihintay ni Josh kanina”
“So?” sabi nya
“Anung so?” sagot ko naman
“Eh anu naman ngayon kung andito sya? Bakit bawal ba?! Oo mayaman tayo, pero hindi naman natin nabili yung Pilipinas.” Pabirong sabi ni Kuya.
“Kuya naman eh!” sabay suntok ko sa braso nya. Matipuno din ang katawan ng kuya ko kaya alam ko na hindi nya ininda ang ginawa ko. Parang ako pa nga ang mas nasaktan.
“Anu ba kasi talagang problema, Steph? Nanliligaw ba sa’yo? Tapos hindi ka interesado?” sunod-sunod na tanong nya.
“Hindi.” Maikling sagot ko
“Hindi ka interesado?” tanong ulit nya
“Hindi nanliligaw.”
“Ahh.. pero gusto mo?” biglang ngumisi si kuya ng nakakaloko.
“Hindi ah! Ang ibig kong sabihin, hindi sya nanliligaw at hindi rin naman ako interesado.” Nakakainis si kuya, nililito pa ako.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...