Steph’s POV
Pagkagising ko ngayong umaga, wala na si Justin sa tabi ko. It’s already 8:10 in the morning. He must’ve preparing for work.
Naabutan ko syang nagcocoffee sa may garden area. Alam kong galit pa din sya sa akin. At galit pa din ako sa kanya. Pero sa isang banda, naiintindihan ko naman ang point nya.
I should’ve told him I’m going to see Nate yesterday.
Lumapit ako sa lugar kung nasaan sya. Napatingin naman sya sa akin pero hindi sya nagsalita. Bagkus ay ipinagpatuloy nya ang pagbabasa ng dyaryo.
Napansin ko namang napakalalim ng eyebags nya. Ang taas pa kasi ng pride kagabi, ayan tuloy.
Umupo ako sa harap nya pero hindi rin ako nagsalita. Tiningnan ko lang sya at hinintay na pansinin ulit ako. Pero hindi yun nangyari. Matapos ang tatlong minuto ay tumayo sya at itiniklop ang dyaryo. Then he took a last sip on his coffee before leaving me alone in the garden.
Napasimangot na lang ako.
Pero hindi ako sumuko. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse nya. Alam kong alam nyang sinusundan ko sya pero umarte sya na parang wala ako dun. Invisible na ba ako ngayon?
Sa sandaling panahon na sinusundan ko sya habang paikot-ikot sa bahay ay hindi nagbabago ang expression nya. Sobrang seryoso nito. Parang magpapapicture lang sa passport.
Papasok na sana sya sa kotse pero hindi ko na natiis na hindi magsalita, “Can I at least have a goodbye kiss?” noon lang sya ulit tumingin sa akin. Yes, hindi ako invisible.
Mabilis naman syang lumapit sa akin pero sa pisngi lang ako hinalikan. Pagkatapos nun ay mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan at hindi man lang bumusina para magpaalam.
Ang hirap namang suyuin ni Madrigal.
Nagdesisyon akong pumasok sa office ngayong araw na ito. Kung may babalikan pa akong trabaho. Nag-AWOL (Absence without leave) kasi ako. Hindi ko ipinaalam kahit kanino ang pagpapakasal ko dahil ayokong malaman ni Nate.
Dumiretso ako agad sa office ni Ma’am Elaine para mag-explain sa kanya. Okay lang naman kahit hindi na nya ako ulit tanggapin, gusto ko lang talagang humingi ng paumanhin.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...