Steph’s POV
Sobra akong nag-aalala kay Nate kaya naman hindi ako mapakali at kanina pa ako paikot-ikot dito. Nagpasya na lang akong magdasal at hintayin ang magiging balita. Hiniling ko sa Diyos na sana ay okay lang si Nate. Na wag syang pababayan nito at gabayan sya sa pagsubok na pinagdadaanan nya ngayon.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa naging desisyon ko.
Ilang segundo pa ay biglang tumunog ang doorbell. Nagmadali akong buksan ang pintuan dahil baka si kuya na iyon. Matapos akong tawagan ni manang ay tinawagan ko si kuya. Sya ang pinapunta ko sa bahay nila Nate dahil ayokong pagmulan ito ng away namin ni Justin.
Halos madapa na ako papunta sa pintuan.
Pero nagulat ako kung sino ang tumambad sa aking harapan. “Bakit iniiwasan mo ako?” seryosong sabi nya sa akin.
“Nate? Aaa.. Akala ko b–”
“Kahit ba mamamatay na ako hindi mo man lang ako pupuntahan?!” nagulat ako nang bigla syang sumigaw sa galit. “Hindi ko akalaing kaya mong gawin sa akin yun, Steph” dagdag nya.
Gulong-gulo ang isipan ko sa nangyayari. Akala ko ba, nawalan sya ng malay? Joke lang ba yun o baka naman nag over react lang si Manang? Ewan ko, hindi ko na alam. Pero isa lang ang nasa isipan ko ngayon. Malapit nang umuwi si Justin at ayokong maabutan nya kami ni Nate sa ganitong sitwasyon.
Kaya naman hindi ko na ininda ang galit nya. “Nate, please. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap.” Sabi ko sa kanya pagkatapos ay pilit ko syang itinutulak palabas ng pintuan.
“Anu bang nangyayari sa’yo Steph?! Since when did you become a heartless woman?” sumbat nya sa akin. Ang sakit ng sinabi nya, pero alam kong sa isang banda ay totoo iyon. Walang puso ang ginawa kong pagtalikod sa kanya.
Pero sa pagkakataong ito ay mas iniisip ko pa din ang kapakanan ni Justin. Ayokong masira ang tiwala nya sa akin. “Please, umuwi ka na Nate. Baka maabutan ka ni Justin” may halong takot na sa boses ko.
Pero imbis na maawa sya ay parang mas lalo syang nagalit sa akin. “Anu ba talagang meron sa lalaki na yun na hindi mo sya maiwan, Steph?!” sigaw nanaman nya pagkatapos ay mas lalong lumapit sa akin. “Kaya ba nyang tumbasan ang pagmamahal ko sa’yo?” sabi nya sabay hawak sa braso ko.
“Mahal kita, Steph. Mahal na mahal kita” dagdag nya pagkatapos ay bigla akong hinalikan. Gulat na gulat ako sa nangyari at pilit ko syang tinutulak palayo sa akin.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...