Steph’s POV
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at halos hindi ako makagalaw. Parang may mabigat na nakadagan sa akin at sumasakit ang aking ulo.
Pero pinilit kong dumilat sa kabila ng nararamdaman ko.
I slowly opened my eyes and saw the ceiling. Ilang beses ko ding ikinurap ang mga mata ko hanggang sa luminaw ang paningin ko. Nakita ko si kuya sa aking tabi at sinubukan kong magsalita. “K-kuya” paos na boses ko.
Agad naman syang naalingpungatan at lumapit sa akin. “Steph!” himas nya sa buhok ko. “Anung nararamdaman mo? okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo?” batid ko sa boses nya ang pag-aalala.
Pag-aalala na parang gumising sa diwa ko kung bakit ako nakahiga sa kama na ito. Dali-daling bumilis ang tibok ng puso ko habang nakahawak ako sa aking sinapupunan.
“Tatawag lang ako ng doktor” sabi naman ni kuya at aktong lalabas ng pintuan nang pigilan ko sya.
“My baby? How’s my baby?” mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.
He took a deep breath and caressed my hair once again. “Don’t worry, your baby’s fine” then he kissed my forehead.
Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi nya. Salamat sa Diyos. Hinimas ko ang aking tiyan at para bang gusto kong humingi ng tawad sa anak ko dahil nailagay ko sa peligro ang buhay nya.
Ilang sandali pa ay umikot ang paningin ko sa kwarto. “Asan si Justin?” tanong ko ulit kay kuya.
Napansin ko naman ang pag-iba ng expression sa kanyang mukha ng mabanggit ko ang pangalan ng asawa ko. “I don’t know” galit na sabi nya. “Kanina ko pa sya sinusubukang tawagan pero hindi ko sya ma-contact. Anung klase ba yang asawa mo?! Pangalawang beses ka nang naospital nang wala sya dito.”
“Kuya, please. Subukan mo ulit syang tawagan” sabi ko sa kabila ng inis nya.
“Steph, sabihin mo nga sa akin, anu ba talagang nangyari?” tanong nya sa akin.
Hindi ko pa masyadong maalala ang buong pangyayari pero hindi maalis sa utak ko yung mga oras na lumuhod sya at umiiyak sa aking harapan. Parang biglang bumagsak sa balikat ko ang mundo nung mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...