Justin’s POV
I can feel the pain on my back and shoulders. The blood is starting to fill my whole arms. I tried to lift everything but I was too weak. Naiipit ang mga braso ko sa napiyot na pintuan at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Agad naman akong napalingon sa passenger's seat.
I panicked the second that I saw him.
He was unconscious and his uniform is full of blood. “A-alex!” pinilit ko syang tawagin at abutin pero hindi ko magawa. “Alex!” I tried again but nothing happened.
Halos mabali na ang kanang kamay ko pero hindi ko sya maabot. Nung mga oras na yun, wala akong magawa. Wala akong magawa kung hindi panooring tumagas ang dugo mula sa ulo ng anak ko. “A-aalex!” pero hindi ako sumusuko.
Kasabay ng pag-abot ko sa kanya ang pagtulo ng luha ko at kabog sa dibdib ko.
Nasa tabi ko si alex. Duguan. Walang malay. Pero ni hindi ko sya matulungan. Ni hindi ko sya madala sa ospital.
I feel so weak.
so useless.
Pero ilang minuto pa ay narinig ko ang mga hakbang ng paa na papalapit sa nakataob naming sasakyan. I immediately peeked at the window and called for help. Dalawang lalaki ang nagtulong para maalis ang pintuan na umiipit sa akin.
Agad ko naman silang pinigilan habang nagpapatuloy ang mga luha ko, “Y-yyung anak ko, unahin nyo yung anak ko.” Pagkatapos ay itinuro ko si Alex sa kabilang bahagi ng sasakyan at tsaka ako ulit nawalan ng malay.
I felt tears as I open my eyes.
Nagising ako na mabigat ang dibdib. I keep on dreaming and dreaming about what happened. At sa bawat paggising ko ay parehong-pareho lang ang pakiramdam ko.
Galit sa sarili ko.
Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang lahat. Sa isang iglap, nawala sa akin ang anak ko. Sa isang iglap, nawala sa akin ang asawa ko.
Tumayo ako sa kama at nasubsob sa aking mga palad. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang nangyari. I was driving so carefully. Kahit na sanay akong laging mabilis at matulin dahil isa akong car racer, nung mga oras na yun, pinili kong maging mabagal. Dahil kasama ko si Alex.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...