Steph’s POV
Pagkagising ko ngayong umaga, pumasok agad sa isip ko yung sinabi ni Justin.
Let’s give this a try, Sandoval.
Seryoso kaya sya? Kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa side table para makita kung nagtext o tumawag ba sya. I pouted my lips when I saw nothing. Hmpf!
Pero pagpunta ko sa dining room, nakita kong may nakahandang pagkain sa lamesa. “Good Morning!” masayang bati sa akin ni Justin na tila nanggaling sa kitchen.
Infairness, walang text o tawag pero nandito ng personal. One point for you Madrigal, I smilingly told myself.
“Breakfast?” tanong nya sa akin nang makalapit sa kinaroroonan ko.
“Sure” sagot ko sa kanya sabay upo sa silyang nasa tapat ng nakahaing pagkain. I realized that the food is good for two at may isa pang nakaset na plate sa gilid ng kinauupuan ko.
Hindi nagtagal ay umupo sya sa bakanteng silya at sinabayan ako sa pagkain. He put some fried rice, scrambled egg and strips of bacon in my plate. I don’t usually eat rice during breakfast because I prefer waffles but I guess one cup won’t do any harm.
“You don’t have to do this” sabi ko kay Justin pagkalagay nya ng plate sa harapan ko.
“Do what?” tanong nya naman habang naglalagay ng pagkain sa sariling nyang plato.
“This.” I said as I wave my hand to the food in front of us. “Cook breakfast for me”.
“Oh, I didn’t cook that. Your maids did.” He grinningly said
Natawa nalang ako sa sinabi nya. All the while I thought he made some effort. Kaya nga ako nagpasya na kumain ng rice ngayon kahit ayaw ko kasi akala ko sya ang nagluto.
“But I made this one” pagkatapos ay inilapit nya ang tasang may lamang kape sa akin.
Without any hesitation, I take the cup and drink the coffee that he made. Pero muntik ko nang maibuga sa kanya yon dahil sa kakaibang lasa.
“Bakit sobrang pait?!” I asked him as I make a disgusted face.
He chuckled at my expression. “You should learn how to let go of the sugar, remember?” sabi nya habang patuloy sa pagngisi sa akin. I remember I told him that letting go of Nate is like letting go of sugar in my every cup of coffee.
I just rolled my eyes at him because he took it literally but I didn’t complain. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at paminsan-minsan ay napapahigop sa kapeng nasa harapan ko. Nakakalimutan kong sobrang pait nga pala nun at sa tuwing nagagawa kong inumin ang kapeng gawa nya ay napapatawa si Justin sa itsura ko.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...