Justin’s POV
When I was a kid, around 5 years old, my dad left us. Syempre nung una, hindi ko pa alam kung bakit sya umalis. Ang sabi nya sa akin noon, may business trip daw sya at baka abutin ng isang buwan.
And so I waited for a month.
At sa loob ng isang buwan na yon, tuwing hapon, pagkatapos ng klase ko sa eskwelahan, wala akong ibang gagawin kung hindi ang maupo sa harapan ng bahay namin at hintayin ang pagdating ni Papa. Daddy’s boy kasi ako.
Lagi kaming magkakampi lalo na kapag pinapagalitan ako ni mama. Naaalala ko pa dati, kapag nakakabasag ako ng figurines sa bahay, tatakbo lang ako papunta kay papa at tsaka magtatago sa likod nya. Favorite ni mama ang mag-collect ng figurines kaya naman alam kong magagalit sya. Pero mabuti nalang at andyan si papa para ipagtanggol ako na hindi ko sinasadya.
My dad has always been my savior, my superman.
Pero lumipas ang isang buwan.
Dalawa.
Tatlo.
Pero wala pa din si papa. Paulit-ulit kong tinatanong kay mama kung saan sya nagpunta pero lagi nya lang sinasabi sa akin na hindi nya daw alam.
Hindi ako tumigil sa kakahintay kay papa kahit tatlong buwan na ang nakakalipas. Sabi nya kasi babalik sya, at naniniwala ako dun.
Pero isang araw, habang kasabay kong pauwi sila Mike at Jeremy galing eskwela ay nakita namin ang kotse ni papa na nakaparada sa tapat ng bahay nila Audrey, kaklase namin. Nabuhayan ako ng loob pero kasabay din nun ang pagtataka.
Ilang segundo pa ay nakita kong lumabas si papa sa bahay nila Audrey. “Papa mo yun diba?” sabi ni Mike sabay turo kay papa.
“Papa!” sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya. Nilingon nya naman ako pero bago ako tuluyang makapunta sa kanya ay biglang lumabas si Audrey at niyakap sya sa may bewang. Napahinto ako sa gitna ng kalsada sa nakita ko.
Nakatingin sa akin si papa habang nakayakap si Audrey sa kanya. “Bakit daddy ang tawag ni Audrey sa papa mo?” tanong naman ni Jeremy na nasa likod ko. Sinambit kasi ni Audrey ang salitang daddy bago nya yakapin si papa.
Nung mga oras na yun, gulong-gulo ang pag-iisip ko. Hindi ko alam kung anung nangyayari. Pero ilang saglit pa ay lumabas naman ang mommy ni Audrey at hinalikan sa pisngi si papa.
Mas lalo akong naguluhan sa nakita ko.
“Daddy rin ni Audrey ang papa mo?” tanong ulit ni Mike.
“Hindi!” matigas na sabi ko sa kanya.
“Eh bakit andyan sya? tapos hinalikan pa sya nung mommy ni Audrey. Sabi sa akin ni mama, mga mag-asawa lang daw ang nagki-kiss. Ibig sabihin, mag-asawa yung papa mo at mommy ni Audrey.” Sabi nanaman ni Mike
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...