Chapter 46

196K 2.7K 1K
                                    

Justin’s POV

Pinilit kong habulin si Steph pero hindi nya ako hinayaan. Mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan at iniwan ako sa parking lot.

Gulong-gulo na ang isip ko. Napasalampak na lang ako sa sahig at sinabunutan ang sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Anung klase akong tao?

Napakaduwag ko.

Binalikan ko si Jenny sa lobby pero hindi ko na sya nakita dun. Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Hinanap ko sya sa buong building pero kahit anino nya ay hindi ko nakita.

Kaya naman nagpasya akong bumalik sa hotel dahil baka andun sya.

Pagdating ko sa hotel ay nanatili akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin. Hindi nakalock ang pintuan kaya alam kong nasa loob na nga si Jenny.

I tried to fix myself before I enter. Marahan kong binuksan ang pintuan at nakita kong nag-eempake sya. Inilalagay nya sa maleta yung mga damit na naiwan nya bago sya umalis pabalik ng Europe.

“Aalis ka?” mahinahong tanong ko.

Agad naman syang napahinto sa ginagawa nya at humarap sa akin. She looked at me. No, she stared at me. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang may tumulong luha sa mata nya habang pinagmamasdan ako.

“Why are you crying?” pag-aalalang tanong ko pagkatapos ay hinawakan ko ang braso nya.  

“Mahal mo na ba sya?” nagulat ako sa itinanong nya. “Or should I say, Mahal mo pa ba sya?” I never told Jenny about Steph. She knows that I have a wife, but she doesn’t know anything about her. Not even her name.

Agad umalis ang kamay ko sa mga braso nya. Sanay akong nananakit ng babae noon. Wala akong pakialam sa kung anung mararamdaman nila. Basta ang importante sa akin, yung sarili ko lang. Yung kapakanan ko lang. Yung kailangan ko lang.

Pagkatapos kong makuha ang gusto ko ay basta basta ko nalang silang itatapon.

Pero iba si Jenny.

She’s a nice girl.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon