Chapter 50

170K 2.9K 317
                                    

Steph’s POV

When I was 7, I met my first love.

At simula nang araw na iyon, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpasalamat sa Diyos dahil ibinigay sya sa akin. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin sya. Ang pagsilbihan sya. Ang iparamdam sa kanya na sya ang gusto kong makasama sa buong buhay ko.

Our love story is the kind of love story that everybody wants to have.

It was beyond perfection. Walang araw na hindi kami masaya.

And when I turned 24, I finally got what I was wishing for. He finally asked me to be his wife. And I swear, it was the best time of my life.

Dahil sa buong pagsasama namin, wala akong ibang hinangad kung hindi ang maging ganap na Mrs. Ramirez.

Pero sadyang mapaglaro ata ang panahon. Because on the day of our wedding, he left me. He left me alone and confused. Nung mga oras na iyon, kinausap ko ang Diyos. Nagalit ako sa kanya.

Sabi ko, “Bakit?! Bakit kailangan mong gawin sa akin ‘to? Bakit kailangan mong kunin sa akin yung taong pinakamamahal ko?”

Ilang buwan din akong nawala sa sarili ko pagkatapos nang insidente na iyon. Parang ayaw ko ng mabuhay dahil para saan pa diba? Hindi ko kaya kapag wala sya sa tabi ko.

Pero tama nga ang kasabihan, na kapag nagsara ang isang pintuan, may bubukas na isa.

Nang dumating si Justin sa buhay ko, sinagot ng Diyos ang tanong ko. Nasabi ko nalang sa sarili ko na, “Kaya pala... Kaya pala kuniha nya si Nate, dahil darating si Justin.”

Akala ko noon, hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Akala ko noon, wala na akong kayang ibigay pa. Pero nagkamali ako. Dahil yung pagmamahal na naibigay ko kay Justin ay mas higit pa sa naibigay ko kay Nate.

Gayunpaman, hindi naging madali ang pagsasama namin ni Justin. Marami kaming pagsubok na pinagdaanan. Marami kaming hindi pagkakaintindihan. At marami beses na din kaming nagkasakitan. Pero sa kabila ng mga iyon, nagawa naming umusad.

Hindi nagtagal, naging Mrs. Madrigal ako. At wala akong ibang inatupag kung hindi ang maging isang mabuting asawa. Nagkaroon ako ng bagong buhay dahil sa kanya.

Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit sinira nanaman ng tadhana ang kasiyahan ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon