Chapter 29

286K 2.4K 255
                                    

Steph’s POV

Simula nang malaman kong babalik na kami sa Pilipinas, hindi na magkasya ang ngiti sa mukha ko. Miss na miss ko na si kuya. Pero sa isang banda, nalulungkot din ako na iiwan ko sila Tyler at Melissa. Kahit kasi sandali lang kami nagkasama-sama, naging malapit na sila sa akin. At napakadami nilang naitulong sa amin ni Justin.

Nangako naman ako na dadalawin namin sila kapag nagkaroon kami ng pagkakataon. At isa pa, hindi ko din kayang hindi bumisita sa New York. It’s my second home.

Ilang oras nalang at maglalanding na kami sa Pinas. Tulog na tulog nga itong si Justin sa tabi ko. Kaya naman hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Ngayon ko nalang ulit kasi sya mapapanood na natutulog. Kadalasan kasi, nauuna akong makatulog.

Dahan-dahan kong inalis ang shades nya para makita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata. Para akong bata na sobrang excited at the same time ay natatakot na baka magising sya. Medyo umangat pa ako ng kaunti para makuha ang tamang angle habang sinisilip-silip ko ang mata nya.

Para kong timang na mag-isang tumatawa dito sa kinauupuan ko.

Haaayyy.. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Sabi ko sa isip ko habang parang nangangarap na nakatitig sa maganda nyang mukha.

“Gusto mo bang pati ang pagtitig sa akin ay pabayaran ko na din?” nagulat ako ng bigla syang magsalita habang nakapikit pa din.

Anu ba yan. Nahuli pa ako.

Pero syempre, hindi naman ako magpapatalo. “Gusto mo bang ngayon ko na bayaran?” mapang-akit na sabi ko dahilan para mapadilat sya ng todo.

Then he gave he’s famous devilish I-so-own-you smile. “Pwede din” at dali-daling inilapit ang mukha nya sa akin para halikan ako.

Pero agad ko namang inilayo ang mukha ko. “Excited much?” I said then laugh at him. Nasa eroplano kaya kami. “Maybe later” dagdag ko pagkatapos ay sinuot ko ang shades nya at nagkunwaring natutulog.

Kahit nakapikit na ako. Alam kong nakapout nanaman ang lips nya dahil hindi sya napagbigyan. Minsan talaga, para syang bata eh.

Naging maayos naman ang byahe namin kahit matagal. Pagdating namin sa airport, may sumalubong sa aming isang lalaki na nagbigay ng sasakyan. Actually, the guy looks familiar, parang isa sya sa mga nagtatrabaho sa kumpanya namin.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon