Steph’s POV
Nandito na kami ngayon sa hotel pero hanggang ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang hawak ko ang plaque. Today’s event was self-fulfilling. Habang pasimple akong nangangarap dito ay bigla namang pumasok si kuya sa kwarto dala ang ibang gamit ko.
Nanggaling pa kasi kami sa Singapore. Doon ako nag-aral ng dalawang taon pagkatapos ay iginugol ko ang isang taon sa pagreresearch at pagtaguyod sa kumpanya. Ako ang namahala ng branch namin sa Singapore habang si kuya naman ang namahala dun sa Pilipinas. Sumunod lang sya noong isang linggo sa Singapore para magbakasyon.
Dito ako sa Cebu binigyan ng recognition. Nabigyan na din ako ng parangal sa Singapore pero kakaiba pa rin talaga ang pakiramdam kapag sarili mong mga kababayan ang kaharap mo at pumupuri sa iyo.
“Kuya” sabi ko habang isinasalansan nya ang mga bag. “Gusto ko sanang dalawin yung puntod ni Alex bukas.”
Napaharap naman sya ay animo’y nagulat sa sinabi ko. Simula ng mamatay si Alex ay hindi pa ako ulit dumadalaw doon. Hindi ko kasi maatim na makita ang pangalan nya sa libingan ng mga yumao. Agad syang pumunta sa tabi ko at hinimas ang likod ko, “Sigurado ka ba?” tanong nya.
Napatingin ako sa picture frame na nasa side table.
Tanggap ko na.
Tanggap ko na, na wala na sya.
Kaya ngumiti ako kay kuya at tumango sa kanya. Napangiti rin sya at alam kong sinasabi ng mga mata nya na, ‘I’m so proud of you’.
Malayo-layo rin ang naging byahe ko. Pero binaliwala ko lang ang pagod at ang paglipas ng oras dahil gusto ko nang makita ang anak ko. May dala akong bulaklak at kandila para sa kanya. Dala ko din yung picture ko nakinuhanan kahapon. Gaya nga ng sabi ko sa speech, para sa kanya ang karangalang iyon.
Kahit hindi ako dumadalaw sa puntod nya, alam na alam ko ang daan papunta doon. Ang totoo nya, laging akong nagpupunta sa sementeryo pero hindi ako lumalapit. Tinatanaw ko lang ito mula sa malayo. Pero sa araw na ito, handa na ako.
I took a deep breath before facing my son. I made sure to have a smile on my face to let him know that I’m okay now. That he doesn’t need to worry about me anymore.
Pagpasok ko sa museleo ay napa-isip ako. It’s been three years pero ayos na ayos pa rin ang lahat. Sariwa ang mga halaman at kahit kaunting alikabok ay wala akong nakita. There’s no doubt, may nag-aalaga dito.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...