Chapter 17

298K 2.4K 75
                                    

Justin’s POV

Hinintay ko si Steph hanggang sa matapos ang trabaho nya. Hindi ko ininda ang matagal na paghihintay dahil parang ang bilis ng oras nung mga panahong iyon. Nag-iisip kasi ulit ako kung paano ko sya aayaing lumabas. Hindi ko maintindihan pero ang hirap pala ng ganito.

Dati kasi, kapag lumalabas kami ni Sandoval, sapilitan ko syang inaaya. Yung tipong, hindi ko kinukuha ang permiso nya o kaya naman ginagamit ko ang pagiging board member ko sa kumpanya nila para makuha ang oras nya.

Pero iba na kasi ngayon, sabi ni Tyler, kung gusto ko syang makuha, dapat ligawan ko sya. Dapat ibigay ko ang mundo sa kanya.

Wala na akong pakialam kung anung pwedeng mangyari o kung masira man ang reputasyon ko bilang playboy sa New York dahil isa lang talaga ang gusto ko ngayon.

I want her.

I want Sandoval.

Steph’s POV

Mag aala singko na pala. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko dahil siguradong kanina pa naghihintay si Justin sa lobby. Nakakapanibago ang mga ikinikilos nya ngayon. Hindi na sya mapilit gaya ng dati.

Mas lalo tuloy akong nagiguilty sa ginawa ko sa kanya dahil imbis na magalit sya sa akin ay mas lalo syang bumabait.

Agad akong sinalubong ni Justin pagbaba ko sa lobby. He seems different.

He’s not wearing his usual v-neck white shirt paired with a leather jacket. Bagkus ay naka black longsleeves sya ngayon na bahagyang nakatupi hanggang sa may siko nya. Parang naka wax din ang buhok nya dahil ayos na ayos ito.

“Let me carry that” sabi nya pagkatapos ay kinuha ang mga files na dala-dala ko. Wait. Is he wearing a perfume? Ang bango nya masyado.

“Here” sabi ko kay Justin sabay abot ng coffee. Andito na kami sa bahay ngayon, inaya ko syang dito nalang mag dinner para makapagusap kami.

Umupo ako sa tabi nya habang nakababad ang mga paa namin sa pool. Sobrang tahimik nya nung kumakain kami. Nakakapanibago talaga.

“Justin” tawag ko sa kanya habang nakatuon ang mga mata nya sa tubig.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ipinatong ko ang mga palad ko sa kamay nya. He immediately looked at me when I did that but he didn’t say anything. Hindi rin ako agad nakapagsalita.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anung naramdaman nya nung sinabi ko yung pangalan ni Nate habang kasama ko sya. Hindi ko alam kung nasaktan ba sya o nagalit lang sya dahil naapakan ko ang pagkalalaki nya.

Pero kahit anu pa man ang dahilan ng pagwo-walk out nya, isa lang ang nakasisiguro ako. Ako ang may mali kaya dapat ako ang humingi ng tawad.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon