Chapter 35

234K 2.6K 414
                                    

Justin’s POV

Umuwi ako sa bahay na parang isang lantang gulay. Hanggang ngayon ay hindi ko maisip kung paano ko nagawa sa asawa ko iyon. I was too angry with everything that’s happening. Hindi ko na alam ang totoo sa hindi.

Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Pakiramdam ko lahat ng tao niloloko lang ako. Pakiramdam ko, lahat sila, pinaglalaruan lang ako.

Flashback

 

I was so busy scanning every page of the documents above my table when Dorris entered the room. Iniabot nya sa akin ang isang envelope.

 

 

“Kanino galing ‘to?” tanong ko sa kanya

 

 

“Ahmmm.. Hindi ko po alam sir. Sabi po kasi nung guard, may nag-iwan lang daw po sa labas ng pintuan.” Sagot naman ni Dorris.

 

 

May nakalagay na ‘To: Mr. Madrigal’ ang envelope kaya sigurado kaming para sa akin talaga ang mensahe. Pinalabas ko na si Dorris matapos iyon. Noong una ay hindi ko pinapansin ang envelope pero ilang sandali pa ay naintriga ako sa kung anung laman nito.

 

 

Kaya naman dali-dali ko itong binuksan.

 

 

I saw some pictures inside that envelope –pictures of Steph and Nate crying while hugging each other. Inaamin ko na nung mga sandaling iyon, nagduda nanaman ako. Pero wala akong assurance na sa kasalukuyan kinuhanan ang mga litratong ito. Maaring nangyari ito dati pa, bago pa kami ikasal ni Steph.

 

 

Bukod sa pictures ay meron ding mga documents.

 

 

Medical documents of a patient with prostate cancer.

 

 

I’m not a doctor that’s why I can’t understand most of it. Pero ang ikinagulat ko ay nang makita ko kung kanino nakapangalan ang mga papeles. Nathan Ramirez. Minsan na naming napag-usapan ni Steph ang buong pangalan ni Nate. Hindi ako pwedeng magkamali.

 

 

As I read each page, bigla kong naalala yung sinabi sa akin dati ni Steph. ‘It’s my friend.. He’s 26 and recently, he found out that he has prostate cancer’. Si Nate kaya yung tinutukoy nya noon?

 

 

Pero bakit hindi nya man lang nasabi sa akin ang mga ito? Bakit kailangan nyang magsinungaling sa akin na kaibigan nya yung may sakit at hindi si Nate?

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon