Chapter 31

305K 2.8K 304
                                    

Steph’s POV

Naiwan akong mag-isa dito sa bahay dahil ayaw akong papasukin ni Justin sa office. Sabi naman nya, maghahalf-day lang daw sya sa opisina. Ang dami daw kasi nyang naiwang trabaho dahil puyat na puyat sya nung isang gabi. So kasalanan ko?

Babalik naman daw sya agad. Pero naiinip na talaga ako. Wala man lang akong makausap dito. Pumupunta lang kasi yung mga maids dito kapag walang tao para maglinis. Ayaw kasi ni Justin ng madaming tao kapag andito kaming dalawa.

Kanina pa ako patingin-tingin sa orasan, 4:30 na. Since malapit naman na ang uwian, nagdesisyon ako na sunduin ko nalang si Justin sa office nya.

Mabilis akong nagbihis at nag-drive papunta kay Justin. Hindi ko alam pero saglit palang nawawalay ang asawa ko, namimiss ko na sya agad. Ang OA mo naman, Steph. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa rearview mirror ng sasakyan.

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko habang papalapit ako sa opisina ni Justin. Excited din kasi ako dahil ngayon nalang ulit ako makakapunta sa building na ito. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako si Stephanie Sandoval.

Mrs. Justin Madrigal na ako.

Kilig na kilig naman ako habang iniisip ang mga bagay na ito.

Pero nawala ang napakasayang aura ko ng makita ko ang isang kagimbal-gimbal na eksena malapit sa opisina ni Justin.

May dalawang babaeng nakatayo sa magkabilang side nya. Halata kong empleyado sila dahil sa uniform na suot nila. Yung isa ay may inaabot na papeles kay Justin habang pasimpleng hinahaplos ang balikat nya. Yung isa naman ay unti-unting nilalapit ang dibdib nya sa braso ni Justin at kunwari’y nakikipagtawanan pa.

Ang kakapal ng mga mukha!

Napataas na lang ang kilay ko at napahawak ako sa bewang ng makita kong ibinaba nung babae ang kamay nya mula sa balikat papunta sa dibdib ng asawa ko. Kung makangiti pa akala mo kanyang-kanya yung hinahawakan nya. Ito naman isang babae na ’to, pilit na ikinikiskis ang dibdib nya sa braso ni Justin sabay hawi pa ng buhok nya na animo’y nagpapacute sa asawa ko.

Ang lalandi!

Kumukulo na talaga ng dugo ko. Lalo na’t itong si Justin ay parang walang pakialam na pinagpepyestahan na sya ng dalawang mukhang hipon na ‘to. Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas ko.

Lumapit ako sa kanila. “Excuse me” masungit na sabi ko. “Hindi ba’t oras ng trabaho ngayon?”

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon