Chapter 13

313K 2.8K 139
                                    

Steph’s POV

After that incident at the parking lot, Justin insisted to drive me home. Iniwan nya yung sasakyan nya sa building. Ang alam ko hindi pwede ang overnight parking doon pero since isa na sya sa may-ari ng kumpanya, malamang pwede.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay parang paulit-ulit ding tumatakbo sa isip ko yung nangyari kanina.

I hurt Nate, intentionally.

Hindi ko na alam kung anung dapat kong maramdaman ngayon. Ang alam ko lang, kulang pa yung sakit na naramdaman nya kanina kumapara sa sakit na pinadama nya sa akin. I don’t know if this is right or wrong but I’m seeking for revenge.

Oo, nakikipagbalikan na sya sa akin ngayon. Oo, inamin nya na nagkamali sya. at oo, humihingi sya ng tawad sa nagawa nya. Pero hindi naman ganun kadaling kalimutan ang lahat. I almost got crazy when he left. Kulang nalang ay lumuha ako ng dugo sa lahat ng kahihiyan na natamo ko nung tinakbuhan nya ako sa altar.

And right now, I want him to feel everything that I felt when he left me. I want him to feel the pain, the grieving, the suffering and all the embarrassment. I don’t care about the consequences.

I’m Stephanie Sandoval.

And nobody… Nobody can ever hurt me again.

“Ahmmm.. Sandoval.” Sabi ni Justin habang tahimik akong nag-iisip. Sya ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan ko since iniwan nya nga sa office yung kanya.

Lumingon ako sa driver’s seat. “Bakit?”

“Anung favorite color mo?” Napakunot-noo ako sa tanong nya.

Seryosong seryoso ako kanina sa pag-iisip tungkol sa mga nangyari sa amin ni Nate tapos aabalahin nya ako para lang tanungin about sa favorite color ko? Ibang klase talaga ‘tong si Madrigal.

“Pink.” Sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa may bintana.

“Eh favorite movie?” tanong nya ulit

“A walk to remember” sagot ko ulit. Ang ganda ng mga ulap ngayon. Parang cotton candy sa sobrang fluffy.

“Favorite song?” tanong nanaman ni Justin. Pero sa pagkakataong ito ay lumingon na ako sa side nya.

“Bakit ang dami mong tanong? Magsasagot ka ba ng slum book?” sabi ko sa kanya. Umandar nanaman kasi ang kakulitan nya.

“Hindi ah.” Sagot naman nya at tsaka ibinaling ang kanyang tingin sa may windshield. “Para nagtatanong lang eh.. sungit” mahinang sabi nya.

“Anung sabi mo?” akala nya naman hindi ko narinig yung bulong nya. Wala kayang music sa loob ng kotse.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon