Steph’s POV
Minabuti kong pumasok ng maaga sa opisina ngayon. Sigurado kasing natambakan ako ng trabaho dahil umabsent ako nung friday. Pero okay lang, nakasama ko naman si Madrigal.
Halos mapunit na ang pisngi ko kakangiti sa tuwing naaalala ko yung ibinigay nyang mga candy. I was so stupid to think that he didn’t notice I was pretending.
“Good Morning Ma’am” bati sa akin ni manong guard habang papasok ako ng building. I looked at him and gave my precious smile with a nod. It really is a good morning.
Pero hindi ko inakala na meron papalang mas isasaya ang araw na ito. As I walked through the door of our department, everybody was looking at me. They were smiling at me and trying to hide their giggles. Napakunot naman ako dahil parang walang gustong magsabi sa akin ng nangyayari. Then I shifted my attention to Sandra and tried to ask her using my eyes.
Agad naman syang tumayo sa upuan nya at itinuro ang table ko gamit ang kanyang nguso. “Paggupit ka na, girl. Haba ng hair mo” she whispered as I took the path to my table.
Kaunting hakbang palang ang nagagawa ko ay nakita ko agad na may lalaking nakaupo sa swivel chair ko. Kahit nakatalikod sya at tanging buhok lang nakikita ko ay siguradong-sigurado ako kung sino iyon.
“Hi, Sandoval” he said as he turn to me with a bouquet of flowers on his lap.
“What are you doing here?” pakipot na tanong ko naman kahit sa loob ay parang humihiyaw ang kilig ko.
Tumayo naman sya at ibinigay sa akin ang bulaklak habang nagsisigawan ang mga kaopisina ko. Nagmistulang high school classroom ang buong department. “I was wondering if we could go out?” he confidently said as he gave me his gorgeous smile.
Nagulat ako sa tanong nya. Dati rati, nauutal pa itong si Madrigal kapag inaaya akong mag-date, pero ngayon, parang bihasa na sya. Iba siguro ang hangin sa Europe kaya natutong manligaw.
Natigil na lamang ang matamis nyang pagngiti at ang hiyawan sa opisina nang sabihin kong, “Sorry, I have tons of work to do” then I gave back the flower and went straight to my chair as if nothing happened.
Remember, hard to get dapat.
I never looked back after that because I can’t hide my grin. Hinayaan ko lang syang nakatayo sa likuran ko habang hawak ang bulaklak na dala nya. Pasimple ko ding tinakpan ang bibig ko dahil ayokong marinig nya ang kaunting tawa na lumalabas sa bibig ko. I wonder kung saan ako magpapagupit ng hair.
BINABASA MO ANG
SFLL
General FictionI was vulnerable when I met him. I was suffering. I was grieving. He made me forget the pain. He gave me PLEASURE to forget the PAIN. It seemed so wrong but felt so right. Warning: This story contains mature scenes that may not be appropriate to all...