Chapter 21

278K 3.1K 342
                                    

A/N

Alam ko pong matagal kayong naghintay. Kaya pasensya na po. Pero sana po tulungan nyo ako na maibalik ang dating estado ng storyang ito. Kung okay lang po, sana mag vote kayo ulit sa previous chapters para naman malaman ng ibang tao na nakabalik na ang SFLL. 

Again, thank you so much for being so patient and understanding.

____________________________________________________________

Justin’s POV

It’s been 4 days and Steph is acting really weird. Batid ko ang pagkatahimik nya tuwing magkasama kami. Parang palagi ding malalim ang iniisip nya. I kept on asking and asking her what’s wrong but she kept on saying that it’s nothing.

Hindi naman ako manhid. Alam kong may gumugulo sa isip nya.

“Are you done?” tanong ko sa kanya. Kanina pa ako nakatitig sa kanya habang pinaglalaruan nya ang pagkain.

She put her fork down, “Yeah.”

She’s been giving me blank expressions every time.

I took a sigh before getting our bill. What should I do? I don’t know how to handle this thing. Wala naman akong kaalam-alam kung papano mapapagaan ang loob ng mga babae.

I’m a playboy.

Or I used to be. Bed is the only solution that I know but right now, I think that is not what she needs. Ang hirap naman kasi nang hindi nya sinasabi kung anung problema. Kailangan ko pang hulaan, doon pa naman ako mahina.

Tinatawagan ko din si Tyler para makapagtanong tungkol sa mga ganito pero sobrang busy nya sa club at kay Melissa.

Sa sobrang pag-aalala ko sa kung anung nangyayari sa kanya, sinubukan ko pang manood ng romatic movies para lang malaman kung panu i-cheer up ang mga babae.

I gave her some flowers, chocolates, stuffed toys. All that would make girls giggle but it seems like it has no effect on her.

Hanggang sa dumating ang bill namin, kahit isang salita wala syang sinabi. Patuloy lang sya sa pagyuko na para bang nag-iisip ng malalim. I hate seeing her like that.

Dahil sa tuwing nakikita ko syang malungkot, nalulungkot din ako. Yung bumabagabag sa kanya, bumabagabag din sa akin. Yung pag-aalala nya, pag-aalala din ang hatid sa akin.

“That’s the way to the office” mabilis na turo ni Steph sa right side dahil napansin nyang iba ang dinaanan ko.

“I know. But we’re not going there.” Sabi ko naman

“What?” mabilis na tanong nya at kahit hindi ako nakatingin sa kanya, halata kong nakakunot nanaman ang noo nya.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon