Chapter 4: Nurse

121 19 7
                                    

Vanessa POV

Nang makarating kami sa bahay nya. Nakita kong ang himbing ng tulog nya. Hmm mapicturan nga. Para naman may pangblack mail ako sa kanya.

Pinicturan ko sya. Hahaha ang cute nya nakanguso matulog. Nang matapos ko syang picturan, ginising ko na sya.

"Oyy Gising na!!" Pinalo palo ko pa sya pero waepek. Ang himbing ng tulog nya. Pano na yan? Baka mamaya pa gising nito. "HOY VASH GISING NA!!!!" Sigaw ko sa kanya. Halos mapitid na yung lalamunan ko dun.

"hmm." naman!!

So no choice ako. Nilagay ko yung isang braso nya sa balikat ko. Saka ako nag-umpisang maglakad.

"Sino po kayo ma'am? Ano pong nangyare kay young master?" Mukhang alalang alala sya kay Vash. Sino kaya to?. Saka Young master?

"Ahh Kasi.. Kaibigan nya ko. Nilalagnat kasi sya eh." Tumango si kuya.

"Sige po pasok po kayo." Hayop. Di man lang ako tinulungan magbuhat dito.

"Thanks po." Pumasok ako sa kanila, at ngayon ko lang nakita ng malinaw yung bahay nila. Ang ganda. Blue and white yung theme.

"Ohh. A-anong nangyare kay young master? S-sino po kayo?" Tanong ng isang maid siguro. Medyo matanda na sya.

"Ah, ako po si Vanes kaibigan po ni Vash. Mataas po kasi yung lagnat nya eh." Tumango tango lang sya.

"Sige sandali lang ah. Ayaw nya kasing may pumapasok na iba sa kwarto nya eh. Tatawagin ko lang yung ate nya." Tumango lang din ako. Uso yun eh.

Inilapag ko si Vash sa sofa nila. Ang ganda ng bahay nila. Ang laki pero simple lang.

"Hayy nako tong batang to! pahirap talaga!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likod ko. magandang babae sya. Siguro mga nasa 20 palang sya. "Hmm Vash's friend?" tanong nya sakin.

"Vanes po. Kaibigan ko po si Vash." kahit labag sa kalooban ko, sinabi kong kaibigan ko sya.

"Vanes? as in Vanessa?" tumango ako."Hmm ikaw pala yung lagi nyang kinokwento sakin. Panget na nerd daw. Eh ang ganda mo kaya. Kaya ka pala nya nagustuhan." Hayop to. Pati ba naman sa bahay nila chinichismis ako. Saka maliit na bagay. Alam ko namang maganda ako eh. haha joke.

"Nagustuhan po ang alin?" Di ko masyadong narinig eh. Tumaas naman yung dalawang kilay nya.

"Ahh wala yun. Valeen nga pala, older sister nya." Pagpapakilala nya. Ngumiti naman ako. "Hmm I know its too fast but, Can you do me a favor? Please." Ang cute nya.

"Hmm sige po. Ano po ba yun?"

"Well friend mo naman si Vash. Can you take care of him? May meeting kasi ako, and wala namang mag-aalaga sa kanya. Wala kasing nakakapasok sa room nya kahit sina Travis bukod sakin, kay mom at kay dad." Nanlaki naman yung mga mata ko. NO!! Hinding hindi. Never in my life na aalagaan ko to. Saka bakit naman walang nakakapasok sa room nya? Baka may ginagawa syang ispiritual. HALA!! no hindi ako papayag.

"Sige po ako ng bahala kay Vash." Hayop!! Ang bologs mo Vanes!! Sabi ko hindi ka papayag eh!!

"Ohh Thanks God. You save me. So I need to go now. Good luck." Hala bakit may good luck? Pwede bang umatras? Baka magbuga ng apoy yun."Kunin mo muna yung gamot sa kitchen dadalhin ko lang sa kwarto tong Pikachu na to." haha Bakit Pikachu? Ang cute naman. Pumunta akong kitchen nila. May lumapit saking babae.

"Ma'am ito po yung gamot nya." sabay tulak sa akin papunta sa kwarto ni vash. Eh bakit ang laki ng pinto? "Good luck po." Sabay tulak sakin papasok. Inipit ko yung kamay ko.

"B-bakit good luck?"

"Wala po kasing nakakapasok dyan eh. Ayaw po nyang may nakakapasok sa kwarto nya. Nagagalit po sya." Waaaaa!! gusto ko pang mabuhay!

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon