Chapter 5: First Kiss

87 19 0
                                    

Vanes POV

At bar

"Hoy!! Bakit ka napadalaw?!" best friend ko. Si Mika. Oo tama ang nabasa nyo. May best friend din naman ako kahit papano no.

"Hoy hindi kita dinalaw!! Sira ka!!" Kumunot namn yung noo nya.

"Ahh bakit anong problema?"

"So por que nasa bar may problema??" Pambabara ko.

"Bakit ba sila pupunta sa bar kung walang problema? Ano to tambayan lang?" Kahit kailan talo ako sa babaeng to.

"Oo na sige na uwi na ko baka hanapin na ko." Sabi ko sabay tayo. Nagmadali akong pumunta ng bahay. Hayop 8:45 na!!

***

"Uhm. Hi kuya." Nakaupo si kuya habang may hawak na mountaindew na lata. patay kang bata ka. Magbubuga na ng nagbabagang apoy yang kuya mo. "Uhm... Kumain ka na ba? Hmm parang ang bango ah. Anong ulam?" sweet kong tanong. Malay mo madaan ko si.kuya dito.

Pumunta akong kusina at lumapit kay yaya.

"VANESSA JANE LIM?! SAANG LUPALOP KA NG BANSA PUMUNTA HA?!?!" OH MY GASH!!!!

Patay. Papagalitan ako ni kuya pag nalaman nyang galing ako sa bar. "Ahh sa school. May project kasi kami eh. Medyo mahirap kaya natagalan" liar!!

"Siguraduhin mo lang na hindi ka galing sa race, sa bahay ng lalake o kahit sa bar kundi." Sinira nya yung lata ng mountain dew. " Wala kang allowance." Oh my. Noooo!

"O-opo kuya." Umakyat na ko.sa kwarto ko. God. Pagod na ko.

I take my shower first then I go to my soft and warm bed.

***

Hayyy sarap ng tulog ko!! Tumibgin ako sa alarm clock ko. Ayy bat ang aga? Yaan mo na mas maganda pag maaga.

After kong maligo at magbihis bumaba ako para kumain.

"Oh ija bakit ang aga ng gising mo??" halata ngang maaga ako. Di pa kasi luto yung niluluto ni yaya eh.

"Ewan ki nga din po eh" agad kong nilantakan yung BAE. (Bacon and Egg) " Nasaan nga po pala si Mama?"

"Hayy alam mo naman yung ina mong yon. Laging busy sa trabaho nya. Kinakabahan nga ako eh kasi minsan na lang syang lumabas sa opisina nya."

"Ahh sige po unq na po ako" Inayos ko yung gamit ko. Ayy oo nga pala, yung t-shirt na pinalaba sakin ni Vash. Hayy tae naman oh!! "Ayy yaya pwede pong paki labhan po ito kailangan ko po kasi mamaya." sabay abot ng t-shirt.

Nagtaka naman sya. "Teka. Panglalaki ito ah. Kanino to?" Seryoso nyang tanong.

"Okey. Kay Vash po. Sige na po alis na ko" Bago pa ako makaalis eh nagtanong pa ulit si yaya.

"Vash?! As in Vash Mendoza ng Phoenix 6?! Yung leader nila?!" Tumango lang ako saka lumabas.

Narinig ko pang tumitili si yaya.

Ano bang meron sa Vash na yun? Bakit ang daming nagkakandarapa sa lalakeng yun?

Sumakay na ko sa kotse ko saka pinaandar.

Nang makapagpark na ko ng kotse ay dumeresto na ako sa room ko. Wala pang tao dun kaya nagdrawing muna ako.

"La la la la la~" hahaha yaan nyo na ko. Wala namang tao eh.

"Hmmm" Oh my. Parang kilala ko yung ungol na yun.

" Uhm. May tao ba dito?" Baka kasi may multo dito eh.

"Hmmm" Bakit feeling ko nasa likod ko lang?

"WAAAAAA!!!" Napahiga pa ko sa sobrang gulat. Pano ba naman kasi, may humawak sa paa ko.

Teka bakit parang ang lambot naman ata ng nabagsakan ko? Dumilat ako at..

"Ni hao" With smile. Bale ganto. Nakahiga KAMI at nakapatong ako kay.. Vash.

"Ni hao your face!! Akala mo madadaan mo ko dyan sa pagchachinese mo ha?! FYI Mr. Mendoza may atraso ka pa sakin!! Napagalitan ako ni kuya at may chance na mawalan ako ng allowance! At dahil lang naman yun sayo!! Tapos sinabihan mo pa k--" O.O

"You're too loud. Baka magising lahat ng nerve ko, gusto ko pang matulog." H-hayop yun a-ah.

Hinawakan ko yung labi kong hinalikan nya. Tae yung puso ko parang nakikipagkarera. Kasalanan to ni Vash eh!!. "HOY IKAW LECHE PLAN KA!! AT SINO NAMANG MAY SABI SAYONG PWEDE MO KONG HALIKAN HA?!?!" Hindi ayq sumagot. Inayos nya yung mga upuan na parang higaan saka humiga. Bastos to ah.

Lumapit ako sa kanya saka pinaghahampas sya ng libro. Kaazar sya!!

Parang wala namang saysay yung paghahampas ko sa kanya. Teka nasaan na ba yung upuan ko?

Lumingon ako kay Vash. At nakita ko yung upuan ko. Leche plan talaga to!!

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon