Nasa arcade kami. Tawa sila ng tawa kasi hindi ako makashot sa basket ball.
"Tawa pa sige!" Sigaw ko.
"Ahahaha Vash turuan mo nga sya!" Sabi ni Six.
Lumapit sakin si Vash tapos hinawakan yung kamay kong nakahawak sa bola. Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko.
"Wag ka sakin tumingin. Matagal ka ng nakapoints sa puso ko" Felling ko namula ako sa binulong nya.
"Naka-ilang points na ba ko?" Bulong ko din. Ngumiti naman sya.
"Malapit ka ng manalo" hindi ko mapigilang mapangiti. ^///^
Habang tinuturuan nya ko. Panay naman yung tili ng mga babae sa gilid namin.
Nang makashot ako. Abay tuwang tuwa naman ang lola mo!
Pagkatapos naming magbasket ball. Nagjust dance kami. I mean sila. Natawa lang ako kasi 'Rich Girl by Gwen Stefani' yung kanta.
Ang lambot ang katawan ah wahaha. Vinediohan ko sila habang sumasayaw.
Maya maya may part na pababa ng pababa tapos para silang uod sa sobrang lambot ng bewang. Para ngang sexy dance eh.
Ng palapit na ko sa kanila. Napatid naman ako ng isang wire. Waaa lupa kainin mo na ko! Nakakahiya!
Inintay kong bumagsak ako sa sahig. Pero...
"Open your eyes sleeping beauty. Or else I'll kiss you" ang bango. Ang bango ng hininga ng prince charming ko.
Dinilat ko yung mata ko. Ayun sya. Sobrang lapit ng mukha sakin.
Itinayo na nya ko. Napakamot na lang ako ng batok.
"T-thank you" enebe!
"Welcome" ngumiti sya. Haluh! namumula nanaman ata ako!!
"Pag-ibig nga kaya~" kanta nila Sox at Ash.
"Baliw! Tara na nga!" Sabi ni kuya.
Naglakad lakad kami. Minsan nagkakatinginan kami ni Vash. ^////^ kinikilig naman ang lola nyo!
"Baka matunaw kayo." Sabi ni kuya. Tinignan nya ko ng masama.
"Kanina pa kayo nagtitinginan." Sabi ni Travis.
"Vanes ako na lang tignan mo. Ahahaha!" Tinignan ko si Dwight. "Joke lang!"
"Sakin lang sya titingin!" Natigilan kami sa sinabi ni Vash.
"E-edi sayo!" Sabi nila Six at Dwight.
"Bakit sayo lang?" Sabi naman ni Travis. Ow k?
"Manahimik nga kayo! Vanes tara dito!" Sabi ni kuya tapos hinila ako papunta sa kanya. "Tara" inakbayan ako ni kuya.
Bale..
Kuya-ako-Six-Ash-
Travis-Vash-DwightGanyan yung arrangement.
Nakarating kami ng karaoke.
"Ako kakanta!" Sabi ni Vash. Nauna na sila sa loob. Nagpahuli ako kasi may gusto sana akong bilhin.
Pumunta na kong counter. Bumili ako ng snacks ko.
"Ito na po ma'am" sabi ni ate.
Ng tumalikod ako may nakabangga akong babae.
"What the?!" Sigaw nya. Natapunan pala sya ng ketchup sa damit nya.
"Naku! Sorry miss" Dahil natataranta ako pinasan yung damit sya kaso lalo atang kumalat.
"Stupidity is not that easy so, I congrats you for being stupid. Iilan lang ang nakakagawa nyan" Sarcastic nyang sabi. Nag-init naman agad yung ulo ko.
"Well thank you but I don't need your opinion. Again. Sorry" pagtataray ko.
"Pardon? Huh" maganda sya. Yeah, mukhang mataray pero ang ganda nya. Maldita nga lang.
"So? Anong gagawin ko? Ireverse ko yung oras?"
"Kung kaya mo edi gawin mo. Why not?" Naiinis na ko ah.
"Kung kaya ko nga lang eh. Naitama ko na yung pagkakamali ko" swear may pinanghuhugutan ako dun.
Tinignan nya ko. Mulo ulo hanggang paa.
"Maganda na ko. Wag mo na kong ihead to toe" sabi ko.
"You know what? I---"
"No I don't know" pagpuputol ko sa kanya.
"Don't be that rude." sweet nyang sabi.
"Why?" Natawa naman sya ng mahina.
"Remember the name Jayshin. My Jane" Sweet nyang saad. Nagulat ako na alam nya yung name ko.
"Why would I?"
"Because Jayshin will take you down sweetie" ngumiti sya saka umalis sa harapan ko. Natatakot ako sa ngiti nyang yon.
Hindi ko sya pinansin. Bumalik ako sa karaoke.
"San ka galing?" Tanong ni kuya.
"Dyan lang" tipid kong sabi. Kanina pa pala sila kumakanta.
"Si Vash naman! Hindi natuloy yung kanina eh!" Sabi ni Dwight
"Anong kanta?" Sabi ni Travis.
"Kayo pumili" napatingin ako kay Vash. Kinindatan nya ko.
^///^
Naghanap nila sa song book. Nilagay yung number.
"Teka! Duet pala to eh! Dalawa dapat!" Sabi ni Six.
Napatingin sila sakin.
"Ok" isa lang yung mic. Tumabi sakin si Vash.
Ewan ko pero.. Parang nagulat si Vash....
"Tulad mo..."
BINABASA MO ANG
The Famous And Me
Teen FictionVash Mendoza. Gwapo, mayaman, sikat, sporty. Wala ka ng hihilingin pa sa kanya at sa grupo nya, ang Phoenix 6. One more thing about them is.. They're a Bad boy. Bad boy not in the way that they used drugs. Until they meet Vanessa Jane Lim. Simple gi...