Chapter 20: Secrets?

51 11 0
                                    

VANES POV

Lutang ang utak ko habang nakaupo sa bench dito sa garden ng hospital. Ang dami kong iniisip.

Kung bakit kami niloko ni papa,

Kung anong problema ni Yzl.

Kung bakit may baril sina Travis at..

Kung bakit nagpakita sakin yung duguang babae.

Ugh! Sumasakit yung ulo ko!

Sinabi na nila Vash kay Kuya yung tungkol kay papa.

Galit na galit si Kuya habang si mama naman inatake sa puso. Kaya ayun nasa nandito kami sa hospital.

Nagtitimpi lang ako ng galit, nandito kasi si Dad kasi natapunan daw ng mainit na tubig yung braso at binti nya. Tss ang bilis ng karma.

"Aba't nandito pala ang malanding babae. Pano mo naging close yung Phoenix 6? Siguro magaling ka sa kama no?" Kahit hindi na ako lumingon alam kong sya yun.

"Aba't nandito pala ang anak ng babaeng ubod ng landi." I said ni sarcastic tone. Lumapit ako sa tenga nya at bumulong. "Insecurity is a disease so, get well soon:)" nagulat sya sa sinabi ko.

Mainis ka ngayon. I'll start may
revenge here.

"Aba't! Lagot ka sakin!!" Sabi nya at akmang sasampalin ako ng hawakan ko ang kamay nya at ipilipit ito. Napasigaw sya sa sobrang sakit. Binitawan ko ng patulak yung braso nya.

"Wala kang karapatan na idampi ang napakagaspang mong kamay sa maganda kong mukha" tinignan ko sya, mula ulong mas mukha pang paa.

"Anong karapatan mong ganituhin ako huh?! Hindi mo ba alam na meron kaming mga tauhan na pwedeng pumatay sayo ngayon din?!" I smirk. Hindi ba nya alam?

"Hindi mo rin ba alam na kaya kitang patayin ngayon din? Wag mo kong subukan Anya. May malaki kayong atraso sakin." Bulong ko. Nanlaki naman ang mata nya habang nakatingin sakin.

"A-aba't ang tapang m-mo naman! Humanda ka sakin!" Saka umalis.

Pero bago sya umalis nakita ko yung tattoo sa batok nya. Mafia crest. Ewan ko kung saan ko nakita yun pero parang may naaalala ako.

Ayoko na ng flashback kaya bumalik na lang ako sa kwarto ni mama.

Tulog sya habang binabantayan ni Kuya.

"Vanes. Ayos ka lang ba? Sabi nila Vash nahimatay ka daw kanina. Anong nangyari?" Nag-aalala ng tanong ni kuya. Siguro dapat nya ring malaman yung mga flashback na nakikita ko minsan.

"Kuya, naalala mo ba nung mallshow nyo?" Tumango sya. "May nagflashback sa akin noon. Ewan ko pero may isang babaeng naiyak. Sa harap nya ay may lalaking naggigitara habang kumakanta." Nanlaki yung mata ni kuya. Bakit?

"T-tapos?" Nauutal nyang sabi.

"Kanina naman ay may flashback ulit. Parang madamo yung lugar. Tapos may babaeng may hawak ng baril. Yung lalaking nasa harap naman nya ay pinoprotektahan yung babae ng nasa likod nya. Ng iputok ang baril, akala ko yung lalaki yung mamamatay pero tinulak nya yung lalaki kaya sya yung na baril sa ulo." Mahabang sabi ko. Gulat parin yung expression sa mukha ni kuya.

"A-alam mo na?" Naguluhan ako sa tinanong no kuya.

"Ang alin?" tanong ko. Ugh! Sumasakit nanaman yung ulo ko.

"Vanes OK ka Lang ba?" Napahawak ako sa higaan ni mama.

"Yes. T-teka? Anong alam ko na? May hindi ba ako nalalaman?" Pag-uusisa ko. Nabigla naman sya.

"A-ah w-wala. Sige na magpahinga ka na." Sabay labas.
lalo akong naguluhan sa kinilos ni kuya. Naupo na lang ako sa couch malapit sa kama ni mama.

Nahihilo na ko sa mga nangyayari. Ang daming tanong sa isip ko.

Tsk.

Itulog ko na nga lang ito.

[5 minutes after]

Ugh!! Hindi ako makatulog! Talagang kating kati na yung dila ko magtanong!!

"hmm? J-jane? Wag kang magagalit sa amin ha?" Narinig ko si mama na nagsasalita. Nananaginip siguro.

Jane? Magagalit?

"Po? Ano po yun?" Tanong ko kay mama kahit tulog sya.

"Nagsinungaling kami. Marami kaming tinago sayo." Sa gulat ko ay hindi na ako nakapag-pigil.

"Ano po yun?" Mabilis na sabi ko.

Hindi na sya sumagot. Mukhang mahimbing na yung tulog nya.

Nagsinungaling? Kami? Ibig sabihin sila ni kuya nagsinungaling sakin?

May tinago sila sakin? Ugh!! Naaalala ko yung babaeng duguan yung ulo.

Ang sabi nya tinago daw sya sakin. Di kaya....

No. Hindi pwede. Ayoko.

***

"Vanes. Hey Vanes. Wake up." Idinilat ko yung mata ko. Nakita ko si kuya na nakatayo. Nakatulog pala ako kakaisip.

"Alis na ko." May pasok pa pala ako.

"Wag ka muna pumasok." Sabi ni kuya.

"May test kami. Bye alis na ko." Sabay beso kay kuya at halik kay mama.

"Ingat ka." Ngumiti lang ako.

***

"ANO?!?!" Napatakip nalang ako ng tenga sa sakit ng sigaw ni Yzl. Ano ba yan!

"Tumahimik ka nga! Saka umupo ka, pinagtitinginan tayo oh!" Sabay turo sa mga stupidents sa paligid.

"Eh kasi naman. Nakakatakot yung kinekwento mo! Babaeng duguan yung ulo kasi na baril?! Di ka ba natatakot nun? ikaw pa tong kinausap nya!" Sabi nya sabay subo ng pizza nya.

Uminom muna ako ng shake ko tapos mag salita. "Natatakot syempre. Eh kasi si mama din may sinabi sakin eh." Na pa tingin naman sakin si Yzl. Sign na icontinue ko yung sasabihin ko.

"Tinawag nya akong Jane, tapos sabi nya nagsinungaling daw sila sakin. May tinago daw sila sakin. Siguro sa past ko yun." Nabilaukan naman sya ng sabihin kong 'past ko'.

Pinainom ko sya ng shake saka tinapik yung likod nya.

"Bakit ok ka lang?" Tanong ko.

"O-oo. M-may naalala lang ako." nauutal nyang sabi.

"Ano ba yun?" Maging kati na kong magtanong.

"A-ano. K-kasi." nauutal ulit nyang sabi.

"Heyy! What?" pangungulit ko.

"Ano" pinitik ko na yung ilong nya. Ang kulit paulit ulit!

She Sign then.. "May relasyon ba kayo ni Vash?"

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon