Vanes POV
"Nandito na tayo!" Sigaw ni Vash dahil patuloy parin ang bangayan ng dalawa sa likod.
Nabuhayan kami ni Yzl ng dugo. Nagtinginan kami. Sabay sabing "Tom's World!" Naningkit yung mata namin sabay bato bato pick. "Bato bato pick!" Tie! "Bato bato pick!" Tie ulit?! "Bato bato pick!" Ugh!
"Nababad trip na ko ah" sigaw ni Yzl.
"Ano pa kayang tingin nyo samin?" Sarcastic na sabi nila Vash at Travis. Nagtinginan din sila sabay paulit-ulit na sabi ng "Jinx" "Jinx again!" Ayun kami ni Yzl patuloy sa pag babato bato pick at sina Vash at Travis sa 'Jinx' thingy busy.
Hahahaha grabe yung up to Ten namin na bato bato pick hanggang ngayon nasa nine na ako tapos sya nine din. Hahahaha laging Tie eh. Sina Travis at Vash naman sobrang ingay! Acually kaming apat yung maingay. Hahaha pinagtitinginan na kami.
"Bato.. bato.. pick!"
"Hahaha talo ka ikaw na bahala sa token natin~"
Pano ba naman kasi Bato ako gunting sya. Hahaha I won! Sya nanlilibre sa Tom's World Yess!!
"Jinx" sabi ni Vash kasabay ng pagsabi ni Travis ng "Jinx" Hahahaha talo si Travis.
"Hahahaha now shut up Tra-Tra!" Sabay pamulsa at akbay sakin. Tra-Tra?"Ang mga losers nakahiwalay sa mga Winners hahahaha
"Hahaha oo nga hiwalay dapat." Pagsang-ayon ni Travis sabay akbay din kay Yzl.
"ASA!" sabi namin ni Yzl. Tinanggal nya yung akbay sa kanya ni Travis ako naman siniko ko si Vash.
"TEKA! Kami Guard nyo kaya sundin nyo kami!" Sabi nila. Dahil dun Nagtinginan ulit kami ni Yzl sabay takbo palayo. Hahahaha sila naman mukhang mahihirapan sa paghabol namin.
Kaso sabado ngayon diba? Bakit kaya ang konti ng tao?
"Bump Car!" Sabi namin ni Yzl.
***
"Kuya kaming dalawa po." Saka binigay yung walong pirasong token.
Pinagbuksan kami mg gate (maliit na gate)
"Game!" Papasok na dapat kami ng may humila sa braso ko. Inakbayan naman ni Travis si Yzl.
"Bayaran nyo na" utos ni Vash.
"Huh? Sinong magbabayad?" Tanong ni Yzl.
"Syempre ikaw! Kakasabi lang ni Vanes kanina diba?" Sabi ni Travis habang nakaakbay parin kay Yzl.
"Tss oo na! Kuya dalawa pa po." Sabi ni Yzl saka kami pumunta sa kanya kanyang car. black yung kulay ng akin. Kay Yzl white, kay Travis Green at kay Vash Blue.
Nang marinig namin na nagring na naghabulan na kami. Hahahaha si Travis laging binabangga si Yzl si Vash naman hinahabol ako.
"Oh my gash is that Travis and Vash?!"
"waaa sa Blue ako uupo!!"
"Sino yung kasama nila?! Kainggit!!"
"Di ba yun yung ex ni V?! Sila kaya uli?"
Napapreno ako bigla dahil sa huli kong narinig. Ako yung pinag-uusapan nila. Pero sino si V? Pano ko sya naging EX?
"ARAY!!" sigaw ko. Nabunggo pala ako ni Vash.
"Sorry. Ok ka lang?" Tumango ako.
***
"Thank you boys ahh" sabi ni Yzl habang kumakain ng spaghetti. Ako naman sinasaw-saw yung French Fries sa coke float ko. Sina Travis at Vash Chicken joy, rice, with spaghetti and mango pie meron pang French fries at sundae! Gastos!
"You're welcome Ms. Sungit." Inirapan lang ni Yzl si Travis.
"Ikaw babae! Di ka ba mag papasalamat sakin?" Sabi ni Vash sakin. Tss.
"Duh?! Eh halos ako nga nanlibre sayo eh! Ano ipagpapasalamat ko?!" Inirapan ko si Vash.
"Na binantayan namin kayo!" Sabi nya. Nakabukod kami sa ibang Tao dahil sa dalawang to.
Bawat minuto may nakikita along flash ng cameras at may naririnig along sigawan sa labas.
"Edi shing!"
"Sungit!"
"Yabang!"
"Gwapo naman!"
"San banda!"
"Sa mukha!"
"Saan dyan?!"
"Sa lips ;)" Napatingin ako sa lips nya. *lunok laway* ang hot!!
"Che! Bahala ka!" Sigaw ko sa kanya. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
"Halikan kita dyan eh!" Baka magawa nya!
"As if naman na magawa mo!" Nagulat ako ng hawakan nya yung mukha ko saka iniharap sa kanya.
"Gusto mo? I'm willing. Try Me;)" nag-init yung mukha ko. Ano ba yan!
"A-ano ka!" Inilayo ko yung mukha ko sa kanya. " Tara na nga. May bibilhin pa ko sa National books store." Pagyayaya ko sa kanila.
Nagtinginan sina Travis at Yzl. Saka tumakbo palabas ng Jollibee.
Sumunod na lang kami.
Nationa Books Store~
Naghiwahiwalay kaming apat, I mean ewan ko pala sa dalawa tumakbo agad papunta dito eh.
"Hihihi ano ba babe! Nakikiliti ako~ ahihihi!" May narinig akong babaeng parang naiihi sa kilig. Ano ba yan! Dito pa nagmake love!
Aalis na dapat ako kaso narinig ko ulit yung boses na matagal ko ng hinahanap. Yung boses na nagsabi sakin dati na di nya kami iiwanan. Pero umalis parin sya at hindi na kami binalikan.
"Hahaha sandali na lang to." Sabi ng boses ng lalake.
Hindi ko alam pero may nag-udyok sa kung lumapit at alamin kung sya nga yun.
"Ahihihi~ ano ba babe! Baka may makakita satin lalo na baka nandito yung asawa mo!" Nainis ako lalo.
"Wala na kami. Hindi na ko babalik sa kanila" Tumigil sya at narinig kong nahahalikan sila. Ang sakit.
"Eh pano pag nawalan ka na ng pera? Artista yung anak mong lalake! Mas maraming pera!" Nagpanting ang tenga ko at binalak na lumapit pero yung mga salitang narinig ko kay Papa yung salitang ayokong marinig. Kahit kanino.
"Hindi ko na sila mahal, hindi ko sila minahal. Hindi ko sila kailangan, hinding hindi ko sila kinailangan." Uminit yung mata ko at pumatak yung mga luha ko.
Pinilit kong magpakatapang. Ayokong nakikita akong mahina ng iba.
Nakatayo ako, sa harap nila, habang niloloko nila ang mama ko at kami ni kuya.
"A-anak" tanging nasabi ng AMA ko.
Niloko nya ko. Niloko nya kami! Fvck!
BINABASA MO ANG
The Famous And Me
Teen FictionVash Mendoza. Gwapo, mayaman, sikat, sporty. Wala ka ng hihilingin pa sa kanya at sa grupo nya, ang Phoenix 6. One more thing about them is.. They're a Bad boy. Bad boy not in the way that they used drugs. Until they meet Vanessa Jane Lim. Simple gi...