Chapter 19: The bloody girl

52 12 2
                                    

Vash POV

Nasilip ng mga mata ko ang tatlong lalaking nakaitim. They both staring at us, naghihinala na sana ako ng bigla na lang kumaway ang isa sa kanila. Tumingin ako sa likod ko, nakita ko ang isang babaeng palapit sa kanila.

Pagkalapit ay niyakap nya ang lalaking kumaway.

Inaayos nila Vanes at Yzl yung table na gagamitin namin. Si Travis naman naglalapag ng pagkain sa table.

Ako nga lang siguro yung nakakita sa tatlong lalaki. Pero parang hindi ako kumbinsido. Parang may something sila. Tinawag ko si Travis.

"Bakit?" Tanong agad nya.

"Kunin mo yung baril at dagger. Simplihan mo lang. Nasa kotse yun, sa ilalim ng passenger seat." Nagtaka namang tumingin sakin si Travis. Nakatingin parin ako sa tatlong lalaki na ngayo'y nag-aayos din ng table.

"Bakit? Meron bang spy dito? May nakasunod?" Tanong nya.

"Hindi ako sigurado. Basta kunin mo nalang yung baril at dagger." Masama talaga yung kutob ko sa tatlong yun eh. Sana mali yung akala ko.

***

VANESSA POV

Walang nagsasalita sa amin ni Yzl. Si Travis kasi tinawag ni Vash. Si Yzl parang may gustong sabihin.

"Ok ka lang?" Tanong ko.

"H-huh? O-ok lang. Ikaw? Ayos k-ka na ba?" Bakit sya nauutal? Imposible naman atang may sakit to.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko. Nagulat naman sya sabay sabing "w-wala" Hmm. Siguro may problema to.

Di ko nalang sya pinansin at inihanda na yung pagkain.

Bakit kaya parang may mali kina Vash?

Nakita kong umalis si Travisa papuntang... kotse? Nakakapanghinala na sila ah.

Pasimple Lang akong tumingin kay Travis. Baka kasi makita ako ni Vash or ni Travis.

Tinitignan ko lang kung ano yung ginagawa nya.

Oh God.

Bakit sila may baril?! Tinignan ko si Vash. Nakatingin sya sakin. Mukhang nagulat pa nga ata dahil nakita nya akong nakatingin kay Travis.

B-bakit?

Lumapit sakin si Vash. "B-bakit sya may b-baril? Vash a-anong g-gagawin nyo?" Bulong ko kay Vash.

I'm trembling.

"A-ah Vanes--" hindi ko na narinig yung sasabihin ni Vash kasi may image ulit na lumabas. Parang yung nangyari sakin ng mall show.

Parang flashback yung nangyayari.

May nakita akong dalawang babae. At tatlong lalaki yung dalawa nakadapa tapos yung isang lalaki parang pinoprotektahan yung isa pang babae.

Yung isang babae naman na may kulay Blonde yung buhok ay may hawak na baril. Nakatutok sa lalaking nagpoprotekta sa isa pang babae.

"Tinago nila ako sayo Jane. Ako na dating ikaw. Lahat ipinagkait nila sayo Jane." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

Batang babae. May brown syang buhok at medyo maliit sakin. Siguro mga nasa 15 or 14 palang sya.

"A-anong sinasabi mo? H-hindi kita k-kilala." Natatakot ako sa kanya may butas yung ulo nya at nag-uunahang lumabas ang mga dugo. kulay pula na din ang sa tingin ko ay kulay Puti nyang damit.

Umatras ako pero humakbang sya palapit. Habang umaatras ako ay paulit-ulit nyang sinasabi na. "Itinago nila Ko sayo."

"S-sino ka ba!" Sigaw ko.

"Ako ay ikaw. At ikaw ay ako." Dahan Dahan nyang sinasabi sakin ang bawat salita. Di ko maintindihan.

"A-anong ibig mong s-sabihin? I-imposible!" Sigaw ko. Nagulat ako ng may marinig akong putok ng baril. Agad akong napatingin sa limang tao. Ipinutok ng blonde na babae ang baril. Ang buong akala ko ay mamamatay ang lalaki. Pero hindi...

Itinulak sya ng babaeng nasa likod nya at... sya ang natamaan sa ulo.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko.

Iisa lang sila?

Anong ibig sabihin nito? Kaninong alaala to? Sigurado akong hindi sakin to.

"Hindi mo ba maintindihan?" Lumapit sya sakin. Napaupo na lang ako sa lupa. Inilapit nya yung mukha nyang may dugo sa mukha ko.

Naaamoy ko ang lupa at dugo sa kanya.

"Ako ay ikaw, at ikaw ay ako Jane" sino bang Jane? Ako ba yun?

"S-sinong Jane?" Tanong ko.

"Ikaw. Vanessa Jane Lim" lumapit lalo sya sakin.

Nanlamig yung buong katawan ko.

"Vanes! Fvk naman! Vanes gumising ka! For fvking nth time! Vanessa Lim! Gumising ka!" Nararamdaman kong may umaalog sa akin.

"Fvk dude nanginginig sya!" May lalaking sumigaw.

"Vanes! Hell! Ang lamig nya!" Sigaw ng isang babae.

Dahan Dahan kong minulat yung talukip ng mata ko.

"I'm s-scared" nanginginig na sagot ko.

"Umuwi na tayo. Nanginginig na sya" sabi ni Travis.

"Tara na" inalalayan ako ni Travis at Vash na tumayo.

***

Nasa byahe pa lang kami.

Di maalis sa utak ko ung itsura ng babae.

Matangkad, maputi na nakaputing damit.

Bakit sya nagpakita? Anong kelangan nya? Anong ibig sabihin ng sinasabi nyang..

"Ako ay ikaw, at ikaw ay ako Jane"

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon