Chapter 25: Its her again.

55 11 0
                                    

VANES POV

Umuwi na ko. Dinala ko rin yung cellphone ko dati. Pilit kong iniintindi yung nabasa ko.

"A-anak" tawag sakin ni mama. Nagsinungaling sila sakin. Pero wala namang masama kung itry kong makinig sa reason nila diba?

"Po?"

"Anak. Patawarin mo ang mama ha" sabay yakap sakin.

"Ok lang po. Alam ko namang may reason kayo." Tapos nginitian ko si mama para sabihing ok lang.

"Sige na. Mag pahinga ka na. Alam kong pagod ka." Tumango lang ako kay mama.

Humiga agad ako sa kama ko.

Pagod na pagod ako.

***

"Jane" huh? Sino yun?

"Jane" Tumayo ako sa pagkakahiga ko.

"Sino ka?!" Ako lang naman ang nasa kwarto. Siguradong nakauwi na rin si kuya.

"Ako si Jane. Ikaw din si Jane." May yumakap sa likuran ko. Agad akong napalingon at sya... Nakita ko ulit sya.

"LUMAYO KA SAKIN!!" Bumitaw sya sa pagkakayakap. Tumungo lang sya at feeling ko umiiyak sya.

Patuloy parin ang pag-agos ng pulang likido sa mukha nya.

"Hindi mo ko mailalayo sayo Jane. Ako'y ikaw. At ikaw ay ako. Hindi mo ba maintindihan?" Kalmadong sabi nya habang lumalapit sakin.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang kwarto ni kuya. Pero...

"Ano ba Jane? Bakit ka lumalayo sa sarili mo? Ayaw mo bang malaman yung mga nangyari sa past life mo? Oh well nakalimutan mo na nga pala ako" malungkot na sabi nya. Nakaharang sya sa punto ni kuya kaya hindi ako makapasok.

"Lumayo ka!!" Naiiyak na ko sabi ko. Natatakot ako.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Pero nadapa ako.

Nanghihina na yung tuhod ko.

"Nasugatan ka ba?" Humarap ako sa kanya habang gumagapang paatras.

Takot.

Yan lang ang nararamdaman ko.

"Bakit ka nagpapakita sakin?" Tanong ko habang umiiyak.

"Dahil gusto kong malaman mo lahat tungkol sakin. Hindi sapat ang sinabi ni Vincent tungkol sakin eh" sabi nya. Mababaliw ako sa kanya!

"Imposible! Lumayo ka na please!!" Lalo syang lumapit. Aatras dapat ako pero nakasandal na pala ako sa pader.

Tinitignan nya lang ako. May tinuro syang kwarto sa pinakadulo. Sabi ni kuya wag na wag daw akong papasok dun.

"Ahhhhhhhh!!!" Binigay ko lahat ng lakas ko ng lumapit sya at hawakan ang buhok ko.

Napatakip na lang ako ng tenga habang nakayuko sa tuhod ko.

May binubulong sya pero ayokong pakinggan. Natatakot ako sa kanya.

Ayoko syang makita.

Ayoko syang marinig.

Ayoko lahat sa kanya.

Sinungaling sya!

May yumuyugyog sakin pero hindi ako tumingin. Ayoko syang makita. Baka mamatay na ko pag nakita ko ulit sya!

"Lumayo ka ayaw kitang makita!!" Sigaw ko sa kanya.

Pilit parin nya akong niyuyugyog.
"Ugh!! Ayoko sayo!! Hindi ako ikaw!!"

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon