Chapter 15: Who?!

61 16 5
                                    

Vash POV

After that. Tumakbo akong backstage saka ko hinilamos yung kamay ko sa mukha ko. DAMN!

Sumunod silang lima sakin."Dude, bakit? Anong nangyare?" Tanong agad ni Six.

Tinignan ko sila isa isa. "Who the fvck change the music?! Make sure you have the Best reason for this!" Walang sumagot sa kanila. Inayos ko yung gamit ko saka naglakad palabas.

"Teka pano tong mall show?" Tanong ni Travis pero di ko sya pinansin at naglakad lang.

May nakaharang naman na guard sakin kaya dumeretso na lang akong parking lot. Kinuha ko yung isang sasakyan. Binigay naman sakin ng secretary ni manager Do yung susi.

San ako pupunta?

Sa lugar kung saan kami palaging pumupunta. Yung naging tambayan namin ng ok pa kami. Kung saan kami unang nagsabi ng magic word. Kung saan payapa at malaya PA kami.

Umupo ako sa puno na lagi naming inuupuan. Acually lagi akong nandito. Inaalala lahat, kahit masakit. Ang sarap kasi eh.

May nakaukit pa nga sa puno eh.

V × V = 43V3×

Tss ang childish namin ng time na yan.

"Ano yang V × V = 43V3×? San mo naman nakuha yan?" Tanong ko pagkatapos nyang iukit gamit yung pentel.

"Forever ibig sabihin nyan! Yung 'V' lang talaga yung ginawa kong letter kasi dun nag-uumpisa yung first letter ng name natin. Saka ayoko ng + sign masyadong basic. Diba?" paliwanag nya habang nakatingin sa inukit nya.

"I love you munchin" na pa tingin sya sakin. Ngumiti sya saka ako niyakap.

"I love you too munchin" niyakap ko sya pabalik.

"Bumalik ka na oh. Please." Hinawakan ko yung inukit nya sa puno. Matanda na rin itong punong to.

Yes it was fvcking 3 years ago pero hindi pa rin maalis sakin yung sakit.

"Hoy! Sinong babalik? Wag mong sabihing yung Ex mo yung inaalala mo!?" Nagulat ako ng makita ko si Ate Valeen. Tss ano naman yung ginagawa nya dito?

Tinignan ko lang sya. "Ang sungit mo! Tinatanong ka lang!" Umupo sya sa tabi ko. 4:00 palang naman eh kaya pwede pa naman siguro ako manatili dito.

Napansin siguro ni ate na malungkot ako. Sino ba namang hindi?

"Are you ok? Mukhang malungkot ka. You can tell me." Saka sya ngumiti.

"Ang sakit ate, sobrang sakit." Nakatingin lang ako sa langit. Parang linaglalaruan nanaman ako ng tadhana.

"Syempre sa love hindi mawawala yung sakit. Kaya ka nga nagmamahal eh. " tumingin din sya sa langit.

"Kaso ako lang naman yung nagmamahal. Ako lang." Kumuha ako ng batong maliit, saka ako tumayo at ibinato ng malakas.

Kumuha din ng bato si ate. "Alam mo, kahit hindi ko sya nakita noon ng kayo pa. Ramdam kong mahal ka nya." tinitigan nya yung bato. "That's love. Hindi mo nakikita pero ramdam mo."
Napatingin ako kay ate. Ang seryoso nya.

"Love are tested by sacrifice. Pero Hindi lagi Vash." Natahimik ako. Tama sya. Sacrifice.

"Ate..."

"Aalis na ko. Napadaan Lang ako. Bye." Napabuntong hininga na Lang ako.

Inilabas ko yung phone ko saka ko tinignan yung picture ni Vanes.

Napangiti ako ng makita ko yung pang block mail ko sa kanya dati.

Pinicturan ko sya ng mahimatay sya at dinala ko sa bahay namin. Alam ko naman talaga yung bahay nila eh. Gusto ko lang syang makasama.

Hayy ang drama ko na.

***

"VASH MENDOZA!!" narinig kong sigaw ni Travis.

"Ano?!" Sigaw ko din. Nasa labas palang ako ng studio rinig ko na yung sigaw nya.

"Kamusta? Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Sabay sabay na sabi nila Dwight, Travis at Ash.

Si Vince nakatingin lang. Then si Six, wearing his I-don't-give-a-shit look. Si Manager Do nang lalaro sa cellphone nya.

"Kung hindi nyo ba pinalitan yung kanta sa tingin nyo ok lang ako? Sino ba kasing nagpalit huh?!" I yelled.

Tinuro nila si Manager Do. "K-kasi--. Let me explain!!" sigaw nya ng lumapit ako sa kanya. Alam nyang may gang ako at takot sya sa kanila,sa akin.

"Go. Explain." Sabi ko ng makalapit ako.

"LAGOT!! BUGBUGAN!! LAGOT KA MANAGER DO!!" sigaw nila Dwight at Travis.

"K-kasi madaming nag request nun. Lalo na't ikaw yung huling kakanta. sorry na!" Sabi nya.

"Sino nag request?" Tanong ni Vince.

"Yung fans nyo." Sabi ni Manager Do pero di sya nakatingin sakin.

"Sino?" Ulit ko.

"Yung fans nyo nga." Tinignan nya lang yung kamay nya.

"Isang ulit pa. Sino?" Lumapit si Vince at Travis.

Don't worry di namin kayang saktan si Manager Do. May utang na loob kaya kami sa kanya. Tatakutin lang namin.

"Oo na! Y-yung... papa nila Vince." Nagulat kami sa sinabi nya. Ano?! Tatay nila Vince?!

"P-paki Ulit?" Gulat na sabi ni Vince.

"Yung papa nyo ni Vanes." Ulit naman ni Manager Do.

"Ano?!" Gulat na tanong nila Dwight at Travis.

"Yung papa nila Vanes." Nagugulahan ako. Bakit gagawin ni tito yun?

"Papa nila Vanes?!" Tanong ni Six.

"Nauuta na ko ah. Oo, Yung papa nila Vanes." Ulit naman nya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala syang sinabi eh." Pagdadahila nya.

"Hindi pwedeng wala syang sinabi. Ano yun pumayag ka kaagad?" Sabi ni Six.

"Hayy okay pero satin satin lang yun ah." Tamango kami. "Kasi gusto nyang maging malungkot si Vash. Gusto nyang masaktan si Vash mentally." Nagulat ako sa dahilan.

"B-bakit?" Tanong ni Ash.

Napansin kong naging seryoso si Vince.

"Siguro dahil sa nangyari 3 years ago. Tsk di parin talaga makamove on si papa, pero syempre kahit naman ako nagalit sayo nun." Nagi-guilt ako.

"Tss bahala na!" Sigaw ko na ikinabigla nila.

Naging seryoso yung mukha ni Vince, kinuha nya yung bag nya saka lumabas. Pero bago sya lumabas... "Bantayan mo yung kapatid ko simula bukas, siguradong pag-iinitan sya ng mga fans mo/natin"

"T-teka ako lang?" Kabadong tanong ko.

"Oo. IKAW lang." Saka sya tuluyang lumabas at pumunta ng parking.

"Lagoot" sigaw ni Dwight. Tinignan ko sya ng masama.

"Tumigil ka nga Dwight. Baka ikaw pa mapagbuntungan ko ng inis!" Sabay labas.

Pumunta akong parking at nakita kong wala na yung kotse ni Vince. Tsk edi lagi ko syang kasama? As in lagi?

Now. I'm exited. ;)

The Famous And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon