kabanata 4

16K 371 5
                                    


Kabanata 4

Grae's POV

"Can we go muna kay Kuya?"

Nahihiya ako sa kanya dahil nastorbo na nga sya sa pagsundo sa akin nagdemand pa ako kung saan kami papunta.

"Sure. Pero pwede daan muna tayo ng restaurant? I haven't eat my lunch yet."

"What?! It's almost 2 pm." Natuptop ko ang bibig ko dahil sa pagkabigla. "Sorry nagulat lang ako. Sige kain ka muna."

Pakiramdam ko napahiya ako dahil hindi naman kami close na dalawa kung makapagreak ako para bang magkaibigan kami which is not.

"It's okay."

"How long you and Kuya been friends?" Hindi ko na naiwasang hindi itanong.

Bahagya nya akong nilingon saka ngumiti. They must be very good friend para ipagkatiwala ni Kuya ang pagsundo sa akin sa kanya. Mas protective pa si Kuya kesa kina Mommy and Daddy. Hindi nya nga ako hinahayaang makalapit sa ibang tao except sa mga pinsan ko and Noelle kaya nagtataka ako kung bakit si Aiden ang pinasundo nya sa akin.

"We've been friends for almost five years na. Nagkasundo kami because we share the same passion. We both loves car and racing kaya naman napagdesisyonan namin na mag sosyo pagkatapos naming magaral."

Five years? Ang tagal na pala nilang magkaibigan pero ngayon ko lang sya nakilala. Sabagay kahit ang iba kong pinsan wala rin naman akong kilala sa friends nila. Magkasosyo pala sila ni Kuya I thought isa lang syang employee.

"Matagal na pala kayong magkaibigan ni Kuya."

"Yep. We're close pero hindi namin sya madalas na nakakasama. He's kinda busy at saka madalas na ang kasama nya ay ikaw at ang mga pinsan mo. Ang cool nyong magpipinsan dahil sobrang close nyong lahat sa isa't isa."

Nakaramdam ako ng guilt. Dahil sa sakit na meron ako imbes na maenjoy ni Kuya ang pagiging binata nya ay ang nangyayari naiistock sya sa pagbabantay sa akin at pagaalaga. Pakiramdam ko ninanakawan ko sya ng kabataan.

Nakakaramdam rin ako ng guilt kapag nakikita kong nasasaktan ang mga magulang ko. Minsan naiisip ko bakit kasi ako pa ang nagkaroon nito. Hindi ba pwedeng kapag napagod na ang puso ko sa pagtibok pwede bang wag na akong magising pagkatapos? So they can all live at peace. Para hindi na sila nahihirapan sa akin.

"Hey, are you okay? You're crying." napapitlag ako ng punasan ni Aiden ang pisngi ko.

Ngayon ko lang napansin na nasa isang gilid na pala kami ng kalsada nakahinto. Halos maduling rin ako sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Umatras ako ng konti kahit na nasa pinto na ako ng sasakyan nya.

Heto n naman ang kakaibang tibok ng puso ko. "A-ah... napuwing lang ako... right napuwing lang." Napangiwi ako sa alibi ko.

Papaanong napuwing kakung naka-aircon ang sasakyan nya at higit sa lahat nakasarado ang bintana nito! Stupid Grae!

Mukhang bumenta naman sa kanya ang alibi ko at umayos ito ng upo at nagmaneho ulit. Iniba ko ang usapan namin dalawa. I asked him ramdom question like... His name is Aiden Tiger Cooper, his dad is American habang ang nanay nya naman ay half Pilipina and half Spanish it explained his foreign feature. He has older sister pero may asawa na ito.

A heart that cannot love (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon