Unforgettable Nights.
--
"Pinapatawag ka ni Madam Kelly" -simingkit ang mata ni Winona, nagtaka pa siya at naalarma na baka may nagawa nanaman siyang mali,
"Kelly?"
"Halika" tawag niya sa dalaga nakangiti ito. Kaya nahawa na din siya ay nawala ang takot na baka may nagawa nga siyang mali. "I trust you Winona." Kumunot ang kilay nito bago pa magsalita muli si Kelly "Sa VIP 1 may naghihintay sayo dun. Siya si Privo wag kang magalala disenteng tao yun. Gusto lang ng makakausap ng tao."
"P-p-pe-pe-ro Ke-l-lly :(" hinawakan siya sa kamay nito. At pinakalma
"Winona, kung hindi mo susubukan hindi mo makakasanayan, kung hindi ka susugal habang buhay kang magiging mahina. Kilala ko si Privo mabait na bata yun. May pinag-aralan at alam kong siya ang makakatulong sayo."
"Natatakot ako. Baka magkamali nanaman ako"
"Hindi ako magsasawang intindihin kamalian mo. Basta ngayon lang. Gawin mo ang pinatatrabaho ko sayo."
Tumango ito at halatang pumayag naman. Kaya natuwa si Kelly at kasabay nun ang pagbigay kay Winona ng paunang sweldo
"Sige na at naghihintay na yun sayo, At tska nga pala Winona yung screen name mo ha! Kapag tinanong niya ang pangalan mo alam mo na isasagot mo."
--
Sa labas ng Pinto kung saan may nakalagay na VIP 1 ay matagal siyang napatitig. Nagiipon ng lakas ng loob, kinatok nya na ang pinto at bumungad sa kaniya ang Lalaking nakataas ang paa sa lamesa habang naglalaro ng cellphone. Bigla naman itong napaayos ng upo at napatayo. Napatitig siya sa dalaga habang tahimik si Winona.
"Okay ka lang?" Tumango ito at ngumiti ng bahagya.p
"Hindi ako bampira, o kidnaper o mamatay tao para matakot ka ng ganyan. Ilabas mo kung sino ka, mas maganda yun mas nakakagaan ng loob" pagkatapos niyang sabihin yun ay napatingin sa kaniya si Winona.
"Anong pangalan mo?"
"Wi--N-Nicole :)"
"Ah! Nice name anyway i'm Privo, hehehe Shot?" Hindi na umarte pa si Winona Kundi kinuha ang iniaabot na alak ni Privo. Ininom niya ito kahit halatang naibahan siya sa lasa ng alak. "First time drinker?" At sabay tango nito. "Sabayan mo ng Lemon para mawala yung paet, pasensya kana ah." Sabay kuha ng glass at itinabi sa gilid upang di na painumin si Winona na kinagulat din nito.
"Ilan taon kana ba?"
"22" matipid niyang sagot
"Matanda lang pala ako sayo ng tatlong taon. hindi lang halata. Gwapo kasi eh."
"Pwede bang isang shot pa?" Hirit nito kay Privo. At agad din naman pinagbigyan dahil baka kukuha ng lakas ng loob sa alak. "Wag ka magalala wala akong gagawin na masama sayo. Igagalang pa din kita kahit nasa loob ka ng Club na to. Hindi naman ganun kababa ang tingin ko sayo."
Nagpatuloy ang usapan nila. At matipid pa din ang pagsagot ni Winona. Medyo nagkapalagayan na sila ng loob at unti-unti niya ng nakukuha ang loob ni Winona. Mabait naman talaga kasi si Privo pero may bagsik din naman na tinatago.
Galing sa angkan Fortelos si Privo panganay siyang anak at siya na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila. Mayaman kung sa mayaman. Gwapo talaga kung sa gwapo makalaglag panty (mga ganun) iimagine mo nalang na hindi siya nalalayo kina Jak Roberto, Enchong Dee at Enrique Gil as in good looks talaga. Minsan lang siya tumipo ng babae at madalas ay One-nighg stand lang. May pagka-play boy din kasi dahil nga pogi madami naakit na babae.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...