Unforgettable Nights..
--
Inabot na ako ng gabi at lutang na lutang pa din ako. Kahit anong pagka-busy ko ay hindi pa din ako makapag-focus sa pagco-compute ko. Wala ako ibang magawa kundi mapahilot sa sintido ko. Idagdag mo kung anong rebelasyon ang sasabihin ni Privo, wala akong ibang magawa kundi maupo at maghintay sa mangyayari. Handa akong magpaliwanag, lalo na't matagal ko'ng inilihim ang tunay na Daddy ni Queeny at kung malalaman man nila ay tiyak na malaking gulo ang mangyayare. At sa pagkakataon na to ay wala ako'ng sorry na sasabihin dahil hindi ko kasalanan na magkakilala silang dalawa at para maging komplikado ang sitwasyon nilang dalawa. Kung totoong kaibigan ako ni Arah sana maintindihan niya.
Ina din ako, masakit sa part ko ang maipit sa dalawang naguuntugan na bato. Lalo na't napakalaking parte nang anak ko sa usapin na to. At hindi mawala ang takot na baka makipag-laban sa akin si Privo para nakamit ang costudy at gusto niyang karapatan para sa anak namin.
"Moony-moony?"
"Kanina ka pa diyan?"
"Oo, ni hindi mo nga naramdaman na dumaan ako e. Si Privo ba yan iniisip mo? Nagkita na kayo?"
Iniikot ko ang swivel chair upang mapaharap sa kaniya. "Natatakot ako"
"Sabi na nga ba e. Dadating ang araw na magkikita kayo ulit ano? May hiningi ba siya pabor para sa bata? Kung ano man gusto niya wag kang papayag. Sa loob ng tatlong taon wala ka naman hiningi na sustento at hindi na issue dito ang costudy. Sa batas ngayon kapag wala pa pitong taon ang bata nasayo ang karapatan, isa pa may negosyo ka at maipapakita mo'ng kakayanin mo."
"Pero naawa ako sa anak ko. :("
"Yang awa mo sana noon mo pa ginawan ng aksyon hindi ngayon ikakasal na siya sa mismong kaibigan mo pa."
"Nagpunta siya kagabe sa bahay, hindi ko alam na alam niya ang lugar na to. Sinabe ko na hindi niya anak si Queeny pero sinabe na pala ni Kelly, sinabe pa niya na kung hindi man daw kami babalik sa kaniya hindi din daw iyon dahilan para ituloy ang kasal. Ang gulo, ang sakit na sa ulo hindi akalain na mamomoblema ako ulit ng ganto. Anong gagawin ko Kian?"
"Tanong ko! Mahal mo pa ba?"
"Tinatanong pa ba yan?"
"So mahal mo pa nga? Eh! Patay tayo diyan. Edi kakalabanin mo sila? Ganu ba?. Mag-isip ka baka may maganda pa na sulusyon."
"Katulad ng ano!? Kung baka sinabe niya na? Anong sulusyon pa kung naunahan niya na ako?"
Maya-maya pa ay sumenyas si Kian na papalapit na si Queeny.
"Mommy, si Tita A" nanlaki ang mata ko at napalinga-linga ako. At doon niya inabot ang cellphone. Napabuntong hininga ako at nagkatinginan kami ni Kian. Sinilip ko ang cellphone at nasa 30seconds na ang duration, dahan dahan ko itong nilagay sa tenga ko sumandal ako at bago mag salita ng Hello?
"Pwede ba tayong mag-usap?" Ramdam ko sa boses niya ang lungkot at baka siguro'y nasabi na sa kaniya ni Privo.
"Hindi ako makalaluwas agad"
"Importante, gusto kita makausap."
"Nasaan ka ba?" Yung bilis ng tibok ng puso ko ay ayun din ang bilis ng agos ng luha ko. Feeling ko ang sama sama ko, alam kong nasasaktan ko siya hindi ko man marinig ang mga hikbi niya, hindi ko din intensyon na ako ang maging dahilan ng pain niya.
"Andito nasa tapat ng apartment mo" pinatay ko na agad at dahan dahan ko nilapag sa mesa.
"Andito siya. Paano ko siya haharapin?"
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...